Iniwan Sa Kawalan

19 4 0
                                    


Background: Isa itong sentimental na tula tungkol sa paghihiwalay ng dalawang tao. Kung saan, ang isa ay masasaktan habang ang isa ay wala namang pakiramdam. Malalaman niyo dito kung ano pakiramdam ng iwan ka sa kawalan ng wala namang sapat na rason o dahilan upang mgahiwalay. Medyo isinumpa ng may-akda ang tao sa tulang ito.

Hindi sapat ang "ayaw mo na"
Yung tipong susukuan mo na,
Yung tipong titigilan mo na,
Yung tipong wala ka ng gana,
Yung tipong napipilitan ka nalang,
Yung tipong gusto mo ng bumitaw,
Yung tipong ayaw mo na!
Yung tipong iiwanan mo na siya,
Kahit na walang sapat na rason na tinatamasa.
Mga bagay na bigla ka nalang nagdedesisyon,
Di mo muna inalam ang damdamin ko na mababaon.
Mababaon sa kadahilanang bigla mo akong sinukuan,
Mababaon sa kadahilanang ako'y iyong nasaktan,
Mababaon sa kadahilanang ako ay nawalan,
Mababaon sa kadahilanang ako na naman ay naiwan!
Masakit para sa akin ang lahat,
Yung tipong pinag-aralan na kitang mahalin at gustuhin,
Yun din ang araw na sinabi mo sakin na "ayaw mo na",
Ang araw na ako'y pinangakuan na sana,
Sana tayo'y magtagal pa!
Pero wala na,
Wala na kasi lumisan ka na,
Lumisan sa dahilang di ko alam,
Lumisan sa dahilang iwan at di ko maintindihan,
Lumisan sa dahilang wala ka ng nararamdaman!
Iwan at tila ba'y ako ay naguguluhan,
Mga sinabi mong mga pangako,
Mga inaasahan kong mga salita mo,
Tanong ko lang sa'yo,
Alin ba dun ang umabot sa dulo?
Kung anuman ang dahilan,
Sabihin mo nalang, wag mong pigilan,
Kung anuman ang dahilan,
Sabihan mo ko at para ako'y malinawagan,
Kung anuman ang dahilan,
Sabihin mo na, wag puro kasinungalingan.
Kung anuman ang dahilan,
Handa akong makinig at nang maintindihan!
Masakit man sakin ang lahat ng 'to,
Tanggap ko ng buong puso
at walang halong pag-aalangan na tinatamo,
Wala akong magagawa sa mga desisyon mo,
Kung yun ang nagpapaligaya sa'yo,
Handa akong bumitaw alang-alang sa kasiyahan mo!
Hindi sapat ang "ayaw mo na",
Pero wala akong magagawang marka,
Nang ikaw ay pigilan at nagbabasakali na,
Na sana magbago pa!
Pero hindi na talaga,
Di ko na ipipilit pa,
Hahayaan kitang lisanin ako,
Salamat sa lahat ng pinadanas mo,
Mga ngiting walang humpay,
Mga pangakong sinaad mo sakin na panghabang-buhay,
Mga kilig na inilaan,
Mga birong di makakalimutan,
Mga usapang hanggang magdamagan,
Mga topics na aabot na kung saan-saan,
Mga tawang di mapipigilan,
Mga ngiti mong walang makakatumbas na halaga,
At nasabi ko ang lahat ng ito,
Dahil naranasan ko yan sa'yo!
Nawa sana'y maisipan mo naman ako,
Maisipan mong di ko kakayanin ang mga ito,
Maisipan mong maghihirap ako,
Maisipan mong ako naman ng aalahanin mo!
Pero sa kabila ng lahat,
Marami akong natututunan sa'yo,
Marami akong napagtanto,
Na sa pag-ibig sa simula ka lang handang i priority at ipaglaban,
Di magtatagal, babalewalain ka lang at kusang iiwan!
Tanggapin nalang natin ang isang kasabihan
Walang permanente sa mundo,
Lahat nalang nang importante sa'yo,
Lilisanin ka at kusang maglalaho!

By: Binibining Makata

Halo-Halo (MPS Original)Where stories live. Discover now