Dating Tayo

8 3 0
                                    

"Hi po"
"Hello din po sa'yo"...
Mga unang salita nung una pa tayong nagkatagpo.
Mahal, naaalala mo pa kaya?
Kung pa'no natin nasimulan yung simula?
Kung pa'no nabuo ang katagang "IKAW at AKO"??
Eh yung panahong torpeng-torpe ka pa,
May nalalaman ka pang "Hinding-hindi 'to mahuhulog sa kanya",
Pero di nagtagal,
Damdamin mo siguro'y di mo mapigilan,
Lumapit ka sa akin at ipinagtapat ng harapan,
Na ako'y mahal mo at sa puntong yun, di ko alam sasabihin ko,
Pero isa lang ang masisiguro,
Ako'y tuwang-tuwa nung araw na ipinagtapat mo sa akin na ako'y mahal mo.
Mahal, naaalala mo pa ba?
Nung araw na sinagot kita?
Sobrang saya nating dalawa,
Sayang di maiguhit sa lapis at pluma,
May pasigaw ka pa ngang "Akin na Siya".
Oh mahal, naaalala mo na ba?? Sweet natin noon di ba?
Eh yung mga panahong puro tayo problema,
Sabi mo di tayo susuko di ba?
Kakayanin natin at lalabanan,
Hanggang sa ito'y mawala na ng tuluyan.
Masaya ka, Masaya ako, Masaya Tayo.
Dahil ang salitang "IKAW at AKO",
Ay pinanindigan at ipinaglaban mo,
Para maabot natin ang pinagsasabi nilang dulo.
Hindi ko naman inaasahang hanggang dun lang pala,
Hanggang dun lang pala ang sinasabing dulo ng iba,
Akala ko aabot hanggang kabilang buhay pa,
Kaso humihinga palang tayo, nasa hukay na yung mga ala-ala nating dalawa.
Oo! Tama. Binaon natin ng sabay,
At hanggang ngayon, ako'y naghihintay.
Na babalik at muling magpapatunay,
Na LOVE is sweeter the second time around.
Mahal, ang sarap balikan,
Ang sarap balikan mga samahan at nagdaan nating mga nakaraan,
Ang mga lugar na nagmistula nating tagpuan,
Mga bagay na nagbigay kulay sa dati nating samahan.
Mahal, tanong ko lang sa'yo,
Naaalala mo pa ba ang dating tayo?
Yung dating tayo na kinaiingitan ng lahat ng tao,
At kung saan nangakong hanggang dulo?
Mahal, alam kong imposible ng maibalik,
Ang dating pag-ibig sa isa't isa at pananabik,
Pero sa utak ko'y pilit na isinisiksik,
Kahit na wala na ang katagang "IKAW at AKO",
Hanggang ngayon, inaalala pa rin yung DATING TAYO!

By: Ms. Makata


Continue to read. ....

Halo-Halo (MPS Original)Where stories live. Discover now