Pag-asa

13 4 0
                                    


Ngumiti ka kahit minsan
Umiyak ka kahit panandalian
Tumawa ka kahit pampalipas lamang
Upang ang pag asa ay hindi mo malilimutan.

Maglakbay ka kahit saan
Mamasyal ka kahit kailan
Rumampa ka kahit maulan
Upang ang pag asa ay iyong maramdaman.

Mga ala ala ay wag kalimutan
Ito man ay kalungkutan o kasiyahan.
Sa mga sandaling taglay mo ang kalungkutan
Pangarap mo'y iyong pag-iisipan
Upang sa pag asa ay ika'y matutulungan.

Ang pagsubok ay nilalampasan.
Mga gawi mo'y minamasdan
Ng diyos na iyong pinag dadasalan
Upang sa pag asa ay ika'y mabubuhayan.

By: Dianne

Halo-Halo (MPS Original)Where stories live. Discover now