Di ko siya pinansin. Ayoko nga siya makatabi. Tch.

"Uupo ka dito o bubuhatin kita para umupo ka dito?"

"Oo na nga diba! Tse." Tugon ko at mabilis na lumabas sa backseat at padabog na umupo sa passenger seat at nag seatbelt.

"Ikaw pa galit. Ayoko lang kase talaga magmukhang driver mo. Tch." Inirapan ko lang siya at wala ng umimik sa amin hanggang makarating kami sa JAKGS. School ni Thalia.

"We're here." Sabi niya at matapos pumarada. Nag tanggal na ako ng seatbelt at lumabas. Ganun din siya.

Madaming cute na kinder students dito. Agad naman namin nakita ni Chad si Thalia sa isang bench habang may kausap na cuteee na batang lalaki.

Ship ko na ba?

Oo ship ko. Parehas silang cute at cute pomorma. Hehe. Ganun talaga ang buhay. Pag may nakitang dalawang tao na bagay sa isa't isa. Hmp, auto ship. HAHAHAHHA.

Lumapit kami kay Thalia at tinawag ko siya.

"Hello Thalia." Agad siyang napalingon sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin sa bewang. Cute talaga nang bata ire.

"Leo. This is ate Iris. Babysitter ko. Pero, I treat her like kuya's girlfriend." Nanlaki ako sa sinabi ni Thalia.

"Ahm, hey little kiddo. I'm just her babysitter. Nothing less, nothing more." Explain ko kay Leo.

"Yeah. Actually, if you carry Thalia. You look like three happy family." Sabay ngiti ni Leo. Pati ba naman siya? Pagkakamalan kaming pamilya? Shutanginers.

"Agree with that, Leo." Pagkasabi ni Thalia nun. Binuhat ko na siya. Ayoko na tumagal ang ganyang usapan.

Naissuehan na nga, napagkamalan na nag dedate kami ni Chad at mukha pa daw kaming pamilya.

Arghhh!!

"Let's go na, Thalia. Eat na tayo ng ice cream." Ngumiti ako ng tipid. Naririnig ko na tumatawa si Chad. Kahit mahina yun, dinig na dinig ko. Tch.

"Wag ka ngang tumawa jan. Mabigat masyado si Thalia. Ikaw magbuhat. Lalaki ka naman."

"Babysitter ka naman."

"Kuya ka niya, Chad."

Agad naman nilahad ni Thalia ang braso niya kay Chad. Wala nagawa si Chad kundi binuhat na lang din si Thalia.

"Kuya, ice cream po tayo." Tumango lang si Chad at nakita ko sa mukha ni Thalia ang saya niya.

Hawak ko ang bag ni Thalia at karga naman siya ni Chad. Kaya kung, makikita nyo kami at di nyo kilala. Panigurado, mapagkakamalan nyo ren kaming pamilya.

Pero, na c-cringe ako na ewan. Aish!!

"Dalian mo maglakad, Iris." Agad naman ako sumunod kay Chad at sumabay sa paglakad niya papunta sa kotse niya.

Nang makarating na kami, agad maman pumasok si Thalia sa backseat at ako syempre, sa shotgun seat.

Gusto ko nga sa backseat e. Para magkwentuhan kami ni Thalia. Angal naman tong si Chad. Magmumukha daw kase siyang driver sa gwapo niyang yan.

Hmp!

Sa byahe, dumadaldal lang sa akin si Thalia habang nasa backseat siya. Nag kwento lang siya about sa nangyari sakaniya dun sa JAKGS.

"Hahahaha. Nakakatawa naman yun Thalia. But still, bad paren yun. Wag mong gagayahin yun." Nag kwento lang naman kase si Thalia na nahulog daw sa upuan ang kaklase niya kase hinila ng isa pa niyang kaklase ang upuan.

"Tch. Akala mo naman di ren niya ginagawa noon." Narinig kong tugon ni Chad.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Dito na pala tayo." Saad niya at tumingin naman ako sa labas. Woah!! Ice cream!!

"Baba ko na muna kayo dito, magpapark lang ako sa kabilang parking lot. Puno e." Tugon niya. Tumango lang ako at lumabas na kami ni Thalia.

Malaki ang ice cream parlor na pinuntahan namin. Sobrang daming tao, kaya sobrang rami den na kotse.

Mula dito sa labas, tanaw ko sa glass window na puro bata ang kumakain. Grabe, ang dudungis.

Tagal naman makahanap ng parking lot ng Chad na yun.

GUSTO KO NA KASE NG ICE CREAM!!! Huhu!!

"Let's go." Tugon ni Chad. Nandito na pala siya. Nasa gitna namin si Thalia. Nakahawak ang kanan niyang kamay sa kaliwang kamay ni Chad at hawak ng kaliwa niyang kamay ang kanan kong kamay.

Nice. Happy family. Charot.

Nang makapasok na kami, agad naman kami nakahanap ng vacant table. Yay!

Tumingin ako sa mga ice cream na naka display sa counter.

Ice cream! Sarap!!!

-

BORIIIIIIINGGGGGG! HAHAHAHA!

Ito lang kinaya ng powers ko ngayon, hshshshshsh.

Vote and comments are allowed mga siz ;)

Nagmamahal,
justine ;)

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now