Prologue

1.2K 69 17
                                    

Ongoing - July 10, 2020

This is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

***

Hindi mapigilan ni Jenelle ang mga luha niya habang tumatakbo palayo sa hotel na pinaggalingan.

Walang direksyon na tumakbo lang siya, hindi pinapansin ang paminsan-minsang pagbangga niya sa mga taong nakakasalubong. Maging ang ilang pinto na nadaan ay naramdaman niya ang paghampas sa balikat niya pero hindi niya iyon ininda at nagpatuloy lang. Tumigil lang siya sa pagtakbo nang bumigay na ang mga tuhod niya, dahilan para matumba siya. Pinilit niyang tumayo at magsumiksik sa isang sulok. Nang tignan niya ang paligid ay nalaman na nasa isang parking lot siya.

Napatitig siya sa kawalan at mabilis na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha niya.

Kasinungalingan ang buong buhay ko.

Excited pa siya nang magpunta sa hotel na iyon. After sixteen years kasi mula nang ipinanganak siya ay makikilala niya na sa wakas ang mga kamag-anak niya sa father's side. Kaya naman nang makita niya ang iniwang invitation ng papa niya para sa anniversary ng company nila ay hindi siya nag-aksaya ng oras at naghanap agad ng gown na isusuot. Ini-imagine niya pa ang magiging reaksyon ng lahat kapag nakita siya. She was expecting a warm welcome pero hindi iyon ang natanggap niya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad niya palapit sa kanyang papa ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya mula sa isang babaeng nagpakilalang asawa ng ama. Ilang beses pa na ipinagsigawan nito sa lahat kung paanong anak siya ng kabit at kung paanong gusto niyang sirain muli ang buhay ng mga ito.

Pakiramdam niya ay nasa panaginip lang siya. Ramdam niya ang paghila nito sa buhok niya, pati na rin sa damit niya pero hindi siya makagalaw nang mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwalang napatitig lang sa ama na pinapanood lang ang nangyayari.

Nang mga oras na iyon ay naliwanagan siya sa lahat. Dati ay iniisip niya na masyado lang busy ang papa niya sa negosyo kaya madalang na dalawin sila nito sa Batangas. Kahit pa nang mamatay ang kanyang mama at dalhin siya nito sa Metro Manila ay hindi siya nag-isip ng iba kung bakit bibihira pa rin siya nitong puntahan. Naging buo ang tiwala niya sa ama sa kabila ng lahat.

Pero ngayon ay alam niya na ang totoo.

Kaya pala...

Dahil anak lang naman ako sa labas.

"Are you okay?"

Hindi niya tinignan kung sino man ang nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Wala na siyang pakialam sa kung ano man ang sabihin nito. Dahil kahit ano naman ang pigil na gawin niya, hindi pa rin maampat ang mga luha niya.

Napilitan lang siyang mag-angat ng tingin nang maramdaman ang pagpatong ng kung ano sa balikat niya. Nang tignan niya iyon ay nalaman niyang isa 'yong jacket.

Pinilit niyang aninagin ang mukha ng lalaki pero dahil may kadiliman sa kinaroroonan nila, at naka-pwesto sila patalikod sa ilaw sa 'di kalayuan ay hindi niya makita ang mukha nito.

"Isuot mo 'yan," sabi nito.

Nang tignan niya ang suot na gown ay doon niya lang napansin na punit pala ang harap noon. Malamang ay dahil sa ginawa ng tunay na asawa ng papa niya. Hindi niya na napansin kung anong mga ginawa nito sa kanya. Basta ang alam niya lang, hindi tumigil ang mga kamay nito sa paggalaw, masaktan lang siya sa kahit anong paraan.

Mabilis na isinuot niya ang jacket at isinara iyon.

"Salamat," mahinang sabi biya sa gitna ng mga hikbi.

"Are you lost? Gusto mong ihatid na kita?" tanong ng lalaki.

Umiling siya habang pinapahid ang mga luha niya na sa wakas ay huminto na rin sa pagtulo.

"I'm fine. Magpapasundo na lang ako dito," aniya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa purse na dala at agad na nai-text ang driver niya. Tinignan niya ang mga sign sa paligid para masabi kung nasaan siya.

Tumungo siya matapos ma-send ang text nang mapansin na naroon pa rin ang lalaki. Nakaupo na ito sa tabi niya. Pero kahit na hindi ito nagsasalita, kahit na puro katahimikan lang ang pumapaligid sa kanila, somehow, she felt safe beside him.

Mayamaya lang ay naramdaman niyang may panyong dumampi sa pisngi niya. Iniwas niya sandali ang mukha pero hinawakan nito ang baba niya at pinunasan pang muli ang basang mukha niya. Pati ang mga kamay na ginagawa niyang pamunas sa mga luha niya ay pinunasan rin nito.

How I wish I could see his face right now.

Nang matapos nitong punasan ang mga luha niya ay natahimik na silang muli. Ilang minuto din ang lumipas nang isang Hi-Lux ang pumarada sa 'di kalayuan. Nakita niya ang pagbaba ng driver niya at mukhang hinahanap niya.

"Is that you?" tanong ng lalaki.

Tumango siya bago tumayo. Kasabay niya ay tumayo na rin ito.

Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay tila gumaang ang pakiramdam niya dahil sinamahan siya nito sa paghihintay roon.

Humarap siya rito para magpasalamat. Hindi niya pa rin maaninag ang mukha nito pero parang nawala siya sa sarili at tumingkayad para halikan ito sa pisngi bilang pasasalamat. Pero imbis na sa pisngi iyon ay naramdaman niyang sa mga labi nito iyon tumama.

Napasinghap siya kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Tatalikod na sana siya dahil sa hiya nang maramdaman niya ang biglang paghapit nito sa beywang niya at hinalikan siya muli sa mga labi. Napapikit na lang siya at dinama ang halik na iyon. For the first time in her life, she felt butterflies in her stomach. Parehas pa silang humihingal nang maghiwalay ang mga labi nila.

Sandali pang magkaharap lang sila roon nang ma-realize niya kung anong nangyari. Walang anu-anong yumuko siya bago patakbong pumunta sa kinaroroonan ng sundo niya.

Narinig niya pa ang pagtawag nito sa kanya, pero hindi niya ito nilingon at tuloy-tuloy na sumakay sa sasakyan.

Hindi na nag-usisa ang driver sa kung anong nangyari sa kanya at pinaandar na lang ang sasakyan. Nang medyo makalayo sa parking lot ay wala sa sariling napangiti siya, nakalimutan na kung ano mang nangyari sa hotel na 'yon.

Tinignan niya ang jacket na ipinasuot sa kanya ng lalaki. Inaalala niya pa ang nangyari nang mapansin na may nakasulat doon... ang pangalan ng lalaki na nagpagaan ng loob niya, at ang nagbigay ng kanyang first kiss.

"Patrick," bulong niya sa sarili bago nakangiting dumungaw sa bintana ng kotse.

Bitter 1: The PrincessWhere stories live. Discover now