Chapter 8

186 14 0
                                    

"Are you sure you want to sleep in the guest room? I'm up for a cuddle," sabi ni Lander sa kanya sa nang-aasar na tono.

Inirapan niya ito at kinuha ang t-shirt at shorts na ipapahiram nito sa kanya. Hindi na lang siya nagsalita at tumalikod na para pumunta sa bathroom na nasa labas para makapag-shower at magbihis.

"Just come to my room if you change your mind!" narinig niya pang sabi nito bago siya tuluyang makapasok sa loob ng banyo.

Inilabas niya ang mga pinamiling skin care products, at disposable underwear. 'Yong binili niya kasi dati ay dinala niya rin sa pad ng kuya niya. Ayaw niya naman na dumaan muna doon dahil uusisain pa siya nito kung saan siya matutulog. Simpleng "I'm staying out tonight" lang ang nai-message niya rito at hindi na sinagot nang tinanong kung saan siya mag-i-stay.

Mag-iisang oras na sigurong nakatitig lang siya sa kisame nang makahiga na. Hindi siya makatulog kahit na ba puyat din siya nang nagdaang gabi. Huminga siya nang malalim saka pumikit at baka sakaling makatulog din siya kalaunan.

Pero wala pang minuto siyang nakapikit ay naramdaman niya ang pagtulo ng luha niya. Napadilat siya sa sunod-sunod na pagtulo noon. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit pero hinayaan niya lang tumulo nang tumulo ang mga luha niya. Pinipigilan niya lang ang humagulgol dahil baka marinig ni Lander.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak. Hell, 'ni hindi niya nga alam kung bakit siya umiiyak! Walang nag-trigger sa kanya, hindi naman siya nasaktan. Pero nang matapos sa pag-iyak ay parang gumaan ang pakiramdam niya.

"Am I that lonely?" medyo natatawang bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang mga luha.

Thinking back, ilang beses na din siyang nagkaganoon habang nasa LA. Pero nang mga panahong iyon, sobrang nagi-struggle talaga siyang mag-isa. Kaysa ngayon na successful siya bilang modelo at kahit paano ay nariyan ang kuya niya na malalapitan niya.

Lumabas si JL ng kwarto at pumunta sa comfort room para maghilamos. Napatitig siya sa mukha niya mula sa salamin at napangiti nang mapait dahil sa namumula niyang mga mata. Bumuntong-hininga na lang siya at lumabas ng CR.

Napatitig si JL sa kwarto ni Lander. Unexpectedly, ito ang nalalapitan niya ngayon kahit na kailan lang naman sila nagkausap talaga. Kilala niya man ito dati ay never silang naipakilala nang pormal sa isa't-isa.

Tila wala sa sarili na naglakad siya papunta sa kwarto nito. Tulog na itong naka-pwesto sa gitna ng kama. Hindi na siya nag-isip pa at pumasok nalang doon saka nahiga sa tabi nito.

Nagising si Lander nang yumakap siya rito. Nakita niya pang ngumiti ang binata bago iniunan ang ulo niya sa braso nito. She felt him kiss the top of her head before embracing her tightly. Isiniksik niya naman ang sarili niya sa leeg nito bago pumikit.

~~~

May liwanag na sa labas nang magising si JL. She felt refreshed.

Nakayakap pa rin sa kanya si Lander at mukhang mahimbing pa ang tulog. Dahan-dahang ang ginawa niyang pagkilos para makawala sa yakap nito.

"Good morning, Princess," sabi nito, medyo paos pa ang boses.

Hindi niya mapigilang mahawa sa ngiti nito.

"Good morning," ganting bati niya bago tuluyan nang kumawala sa yakap ng binata. "I'll make breakfast," aniya.

"Where's my good morning kiss?" sabi ni Lander habang tinuturo ang mga labi.

Natatawang inihilamos niya ang kamay sa mukha nito saka tuluyan nang tumayo. Parang batang nakanguso pa ito nang lingunin niya. Naiiling na lang na lumabas siya ng kwarto nito para maghilamos at pagkatapos ay maghanda ng almusal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter 1: The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon