Chapter 5

460 41 23
                                                  

"Calm down, boy!"

Napapikit nang mariin si Lander saka huminga nang malalim. Trying to cool down the heat caused by JL.

That tease of a woman!

Huminga pang uli siya nang malalim saka pina-andar ang kotse palabas ng garahe.

Hindi mapigilang maalala ni Lander ang nangyari. He was caught off guard. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang gagawin 'yon ng dalaga. It's not like he's complaining though. It was a great sight in the morning.

JL might have been her type but he never thought of her intimately, well, not until this morning. Not now that he knows how her skin really feels like. And it was way better than how he thought it would be. Mukhang hindi na siya patatahimikin ng presensya nito mula ngayon.

Napangiti siya nang maalala ang hitsura ng dalaga. He knows she felt the same way when he touched her. At kung hindi siya tumigil, alam niya na kung anong kahahantungan nilang dalawa.

Lalong lumapad ang ngiti niya sa naisip. Isinandal niya ang ulo sa back rest ng kotse at wala sa sariling inalis ang kailang kamay mula sa steering wheel. Ipinatong niya ang siko sa may bintana ng kotse saka hinawakan ang mga labing kanina lang ay nakalapat sa balat nito gamit ang kanyang thumb finger. Npangiti muli siya bago kinagat ang loob ng labi niya.

***

Napanguso si JL nang mabasa ang chat ng kapatid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napanguso si JL nang mabasa ang chat ng kapatid. Nang nagdaang araw niya pa iyon nai-chat at kaka-reply lang.

Kaya naman pala hindi niya ma-contact ang kapatid, nasa ibang bansa pala ito. Mukhang pinatay ang telepono dahil naka-bakasyon at ayaw magpa-istorbo.

Nag-reply na lang siya rito na kinabukasan niya na lang kakausapin saka tumayo na mula sa pagkaka-upo sa harap ng hapag.

Nang mapalingon sa kanina'y kinatatayuan nila ni Lander ay hindi niya mapigilang pamulahan ng mukha. Hindi siya makapaniwalang nangyari iyon. Hindi niya rin naman sinisisi ang binata dahil siya naman ang nagsimula. Hindi niya naman kasi inakalang papatulan ng binata ang kalokohan niya!

Pinilit niya na lang na alisin sa isip ang nangyari saka ibinaling ang tingin sa kusina. Nang mapatingin siya sa kalat ng sink ay pina-ikot niya ang mga mata saka pinuntahan iyon.

Ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang magulong pailigid. Isa sa stress reliever niya ang paglilinis. Kaya nga gustong-gusto siya ng mga kasambahay niya dahil kung minsan ay tumutulong siya sa gawaing bahay. Kinuha niya lang naman talaga ang mga kasama sa bahay dahil ayaw niya nang mag-isa, lalo pa sa malaking bahay na 'yun.

Sinimulan niyang linisin ang mga kalat roon.

Sandali lang at natapos rin agad siya. Mukhang minsan lang naman din kasi kumain ang binata sa bahay kaya konti lang iyon. Magulo lang talaga at kung saan-saan nakapatong.

Tinignan niya ang mga gamit nito sa kusina at napangiti nang may maisip.

"I don't think he will mind if I use his kitchen," bulong niya sa sarili.

Bitter 1: The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon