Chapter 14

16 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Scarlet

Chapter 14.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula ng pangyayaring kidnappin ako ng mga hayop na yun. Pero feeling ko anytime parang may gustong kumidnap na naman sa akin. May trauma na tuloy ako sa ganun.

"Are you ok?" Rechel asked me.

Napatingin ako sa kanya. Kasama kasi namin siya lagi kapag lunch break e. Until now kasi hindi parin siya komportableng makipag kaibigan sa ibang estudyante. Parang feeling niya plinaplastik lang siya.

Naguilty tuloy ako mga teh, mukhang tinamaan ako sa word na plastic. Isipin niyo nalang kung bakit ako naguilty, nasa previous chapters ata yung dahilan. Pa read back nalang, thank you.

"Oo. Okay lang" I nodded. Tsaka ako ngumiti sa kanya.

"You look not okay." Si Lylia.

Naiinis rin ako kay Lylia e. Kung hindi sana niya ako iniwan noon edi hindi ako nakidnap ng ganun. Pero dahil mabait akong kaibigan, pinatawad ko siya. Todo hingi ng sorry last time ee. Tama kasi yung hula ko na nag Date sila ni Martis.

After naming mag lunch dumiretso na kami sa tambayan ng Bad Boy Squad. Syempre habang naglalakad kami sa hallway ng campus, stand out ang beauty ng ate Rechel niyo.

Yung mga lalaki napapatulala kapag nakikita nila siya. May nakita pa nga kaming sinampal ng jowa niya dahil titig na titig siya kay Rechel. Natawa nalang kaming tatlo.

As usual nandun na silang apat. Nagtatawanan sila. Natigil lang sila ng makita nila kami.

"Mukhang masaya kayo ah!" si Lylia.

"Yup. Were always happy" sagot naman ni Moskov.

Napatingin ako kay Jaspher. Nakatingin pala siya sa akin. Ayan na naman siya sa mga titig niyang nakakatunaw. Hindi ba siya nagsasawa?.

Ako na ang umiwas dahil nasa tabi ko pang si Rechel.

Agad lumapit si Rechel sa tabi ni Jaspher. Pero ang koya niyo naka focus parin ang tingin sa akin. Damn, kagwapo talaga as always.

Napansin ko si Harith na nakatingin kila Jaspher at Rechel. Yung mga titig ni Harith sa kanila para bang ang lungkot niya. Bakit kaya? Bakit ganun siya tumitig kay Rechel? Para bang siya yung nasasaktan para kay Rechel?.

"Oy. Baka matunaw yung dalawa" tinapik ko siya.

Napaiwas na siya ng tingin sa dalawa at napatingin na sa akin. Ngumiti siya at muli kung nakita yung mga ngipin niyang sobrang puputi. Isa rin tung pang colgate toothpaste mga ngiti nila e.

"Naiinggit lang ako kay Jas. He's lucky with Rechel. Binabalikan pa siya kahit alam naman na namin na ikaw ang gusto niya" kwento niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ha? Ano ulit sinabi mo?" tanong ko.

Ngumiti ulit siya tsaka tumingin ulit dun sa dalawa. Si Rechel kinakausap si Jaspher. Pero si Jaspher ang sama ng tingin sa amin. Bakit kaya? Anong problema niya?

Ngumiti siya ulit.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo" sinabi na lang niya.

Kita mo rin tung isang to? Napaka pa bitin rin e.

Hindi ko na lang siya ulit pinansin at tumabi na lang ako sa kanya.

Kita ko talaga yung mga tingin sa akin ni Abno. Ang talim ng mga tingin niya sa amin na para bang kinakatay na niya si Harith sa isipan niya. Nagseselos ba siya? May Rechel rin naman siya sa tabi niya ah.

Perfect Enemies [On-Going]Where stories live. Discover now