Chapter 1

35 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Ms.Prettyness

Chapter 1.

Bwesit yung lalaking iyon anong akala niya siga siya? Anong akala niya pag-aari niya ang school? Na kayang kaya niya lang saktan ang ibang estudyante. Masakit din yung pagkabagsak ko kanina ah.

At dahil dun nalate ako ng 5 minutes papasok sa first class ko. Sinigawan tuloy ako nung teacher namin sa Math. Terror pa naman kasi itchura pala niya e malalaman mo na agad.

Ramdam ko parin yung tinginan ng mga rick kids sa akin. Mukha bang pinapatay na nila ako sa mga tingin nila. Jusko.

"That girl is poor"

"Paano siya nakapasok sa school natin?"

"Tignan mo yung damit niya mukhanv luma na hehehehe"

Rinig na rinig ko yung mga bulungan nila tungkol sa akin. Ano bang problema nila kung may mahirap na nag-aaral dito sa school nila? Sa kanila ba ito? Tusukin ko kaya mga mata nila. Kainis.

After ng klase namin dumiretso agad dito sa library ng school para magbasa ng MATH books para sa binigay sa amin na assignment ng terror naming teacher. Medyo nahirapan akong intindihin yung lesson kanina kasi paano ba naman ako makakapag concentrate eh parang nasa akin ang atensyon ng mga kaklase kung rich kids.

More irap, more fun sila sa akin ee. Kaya ayun nakayuko lang ako buong klase. Di nako makatingin kay maam pero nakikinig nalang ako.

Habang naglalakad ako para hanapin yung book na kailangan ko bigla kung napansin yung lalaking natutulog sa may dulo ng bookshelves. Mukhang himbing na himbing siya sa pagtulog niya kaya maingat ako sa paglalakad. Hindi ba siya nasisita ng librarian?

"Makikiraan po" malumanay pero maingat kung sabi.

Baka kasi magising siya at suntukin ako sa mukha ee. Hindi ko makita yung mukha ng lalaki kasi nakatakip yung libro sa mukha niya kaya kers nalang.

"Asan na ba kasi yung libro nayun?" Hindi ko parin makita yung hinahanap ko. Nakakainis kasi kailangan ko talaga yun. Tingin dito tingin dun ang peg ko.

Hanggang sa mapatingin ulit ako kay koyang tulog. Ngayon nakabukaka na siya matulog kaya napatawa ako. Tsk ampanget naman matulog nitong abnong to. Napansin ko ulit yung book na nasa mukha niya at napagtantu kung iyon yung book na hinahanap ko.

Nako, paano ko makukuha iyon? Baka magising ko siya at bigla akong sampalin sa mukha edi naloka ako. Naglakad ako palapit sa kanya tsaka ko dahan dahang kinuha yung book sa mukha pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ay bayag mo" malakas na sigaw kaya naman napahawak ako sa bunganga ko.

Tinanggal nung lalaki yung libro sa mukha niya tsaka minulata ng dahan dahan yung mga mata niya. Wow lang si kuya a may ganung eksena pang nalalaman. Tinitigan muna ako ni koya bago siya nagsalita. "Balak mo ba akong halikan?" saad niya. "Who the f*ck are you?" aba napamura pa ang loko.

"Wow! Ang kapal please!" nagulat ako sa sinabi niya. "Tzaka hindi kita hahalikan no, sino kaba? Kukunin ko lang sana yang libro na nasa mukha mo kanina eh nagising ka ee kaya sorry sa istorbo" pag depensa ko.

"As if namang maniniwala ako sa palusot mo, lahat ata ng babae sa school nagkakandarapa para lang mahalikan ako ang I know you belong with them" he said. Kapal naman ng lalaking itu anong akala niya sa akin? Pakarat? Paechusan lang? Pektusan ko kaya ito.

"Wow. Kapal mo naman bakit ko naman gagawin yun eh hindi nga kita kilala?" nag cross-arm ako para kunwari mataray ako like the other mean girls ng school na ito. Hindi naman niya siguro alam na mahirap lang ako. "Sino ka ba?" Pagtatanong ko " At parang pamilyar ka?"

"Seriously? You dont know me? Well, I will introduce myself to you" sambit niya pero diko pinansin at kinuha nalang yung book sa tabi niya.

"Wala akong time makilala ka kaya goodbye" patayo na sana ako kaso nakalimutan kung hawak niya pala ang kamay ko hinigit niya ako kaya napaupo ulit ako.

"Let me go!" Nakatitig lang siya sa akin at nakangisi pero infairness ang gwapo ng lalaking ito ah at ang kisig ng pangangatawan niya. Super hot at sexy naman niya kaso mukhang may sayad at barumbado e.

"EHEM" biglang kaming napatingin sa likuran namin at nakita ko yung librarian na mukhang nagagalit dahil sa ingay namin. "You two! Get out of here!" Sigaw niya.

Napatayu ako ganun din tong lalaking hanggang ngayon hawak parin tong kanang kamay ko. More hawak more fun din siya sa ginagawa niya.

Sabay kaming lumabas nitong lalaki sa library kaya nang makalabas kami hinigit ko agad yung kamay ko at lumayo sa kanya. "Bwesit ka! Ang sakit ah" pagmamaktol ko.

Nakangisi lang tong lalaking ito. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang ini examine niya ang buong pagkababae ko. "Minamanyak mo ako no?" biglang ko niyakap ang katawan ko. Mukhang baliw tu ah.

"Excuse me! Di kita minamanyak no." aba ang taray ng lalaking ito. Sapakin ko kaya ito.

Napatakbo nalang ako ng mabilis sa ginagawa niya sa akin. Iniwan ko na siya dun bahala siya sa buhay niya. Sumigaw pa ata siya kaso diko na pinansin kasi abala na ako sa pagtakbo.

Hingal na hingal ako ngayon. Tumigil kasi ako dito sa likod ng gym at sakto wala namang studyante dito. Umupo ako sa may damuhan at sinimulan ng basahin yung librong kinuha ko sa gamuho na yun.

Pero parang nakita ko na siya ee. Pamilyar yung pagmumukha ng lalaking iyon. Ang gwapo niya sana kaso masama ang ugali.

"Hi"

Bigla akong nagulat sa lalaking nag 'hi' sa akin at ang gwapo niya. Siya yung isa sa lalaking tinitilian ng mga babae kaninang umaga. Grabe ang gwapo niya super. Bagay sa kanya yung blonde niyang buhok.

"He......lllo, sino ka?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang umupo sa tabi ko nang wala anu anu. "Kanina ka pa ba dito?" tanong niya.

"Oo e. Nagbabasa kasi ako ng  libro! Ikaw kanina ka pa ba jan?" Balik tanong ko. Ngumiti siya sa akin ng malapad. Grabe ang puti ng ngipin niya. Nakakainggit naman. "Yep! Kanina pa ako dito nakita nga kita na hinihingal, bakit may humahabol ba sayo?"

Naalala kung malapit na pala magsimula yung next class ko kaya tumayo na ako at nagpaaalam sa kanya na aalis na ako. "Sorry! Kailangan kunang umalis. Magsisimula na next class ko e." Niligpit kuna yung libro ko at akmang aalis sana kaso nagsalita siya.

"Im Harith Felix Sandoval and you are?" Pagpapakilala niya.

"Layla......Layla Rodriguez" tsaka na ako umalis. Ngumiti siya kaya nakita ko na naman yung mga mapuputi niyang ngipin.

Ibang-iba siya sa ibang kasama niya ah. Sana magkita kami ulit. Nagmadali na ako. Takbu pa nga.

*****

Ang boring ng class kasi ang boring magturo ng teacher na si Mrs. Bataoey. Halos matulog na mga kaklase ko dahil sa sobrang bored. Dahil jan may natutulog na nga sa mga upuan nila e. Pero ang kawawang matanda di niya makita kasi mahina narin ang mga mata nito sa labis na katandahan.

Biglang napunta sa akin ang atensyon  ng mag bulunga na naman ang mga mean girls na nasa harapan ko.

"Uy girl! Sabi nila may kaklase daw tayo na mas mahirap pa sa daga" bulong nung mukhang bruha.

"Kaya nga ee. Alam niyo bang nalaman ko din na.....blah..blah" sabi nung isa pang mukha namang linta.

Diko nalang sila pinansin kaya nakinig nalang ako sa lecture. Paki ba nila kung nag aaral ako dito? Hindi naman sila nag papaaral sa akin e. Jombagan ko sila jan e. Makita nila.

"Oh! Mr. Guevarra, your late? Dalian mo dahil kanina pa kami nagsimula. Dun ka na lang sa tabi ni Ms. Rodruguez" si maam.

Biglang nagtama ang mga paningin namin ng lalaking pumasok sa klase namin.

"IKAW NA NAMAN?"

Sabay naming sigaw sa isat-isa. Nigla tuloy nagsitinginan sa amin yung mga kaklase namin. Bakit andito siya? Magkaklase kami?

Perfect Enemies [On-Going]Where stories live. Discover now