Chapter 9

6 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Scarlet

Chapter 9.

Hindi ko mawari kung bakit parang ang boring ng friday ngayon. Ewan ko ba pero parang affected ako sa pagdadrama ngayon ni Jaspher.

Dapat nga matuwa ako na hindi niya ako binully ngayong araw. Pero nakakapagtaka lang dahil wala talaga siyang ginawang kagaguhan sa akin.

Tahimik lang siya sa upuan niya. Hindi siya umiimik, nakikinig lang sa lecture at nakatingin sa malayo. Para bang may iniisip siyang sobrang lalim. Tinapik ko nga.

"Hoy. Ok ka lang ba?" Nagtatakamg tanong ko sa kanya.

Tinapunan lang niya ako ng tingin tapos bumalik na ulit siya sa pagiging emo niya. Problema nito?

"Ay. Famous? Snobber kana pala ah." sabi ko.

Hindi kasi ako sanay na ganyan siya mga prends. Mukhang nasanay na ako sa mga pambubully at panlalait niya sa akin. At hinahanap hanap ko na iyon sa kanya.

Natapos nalang yung last class namin this morning na ganun parin ang itsura niya. Nako, problemado ang koya niyo. Hanggang sa paglabas niya ng room dedma lang siya sa mga babaeng nagpapacute sa kanya. Para bang hangin lang yung trato niya sa mga tao sa paligid niya. Ganun.

"Anong nangyayari dun?" mukhang napansin na rin ni Lylia yung mood ni Jaspher ngayon.

"Hindi ko nga rin alam e. Mukhang problemado" sagot ko pero nakatitig parin ako sa back figure ni Jaspher.

Kahit malungkot siya ang angas parin niya maglakad. Kagwapo kasi. Napatingin ako sa pwetan niya. Gosh, bakit ba patay na patay ako sa pwetan nito. Ang tambok talaga.

Parang si Elton Alexander Guevarra Falcon ng "That Promdi Girl" na story ni kuya OwwSic. Basahin niyo, mapapaiyak, tawa at mababaliw kayo sa kagagahan ni Maam Althea na Bobita daw. Haha

After lunch agad kaming dumiretso sa tambayan ng Bad Boys Squad. Mamaya pa naman yung klase kaya makikitambay muna kami pero syempre makiki chika narin kung bakit ganun yung mood ng kaibigan nila. Curious talaga ako mga teh.

Agad naman namin silang nakita dun. Pero si Jaspher wala naman? Nasaan na naman kaya siya?

Bakit ko ba hinahanap yun? Napabuntong hininga na lamang ako at ngumiti sa tatlong nakatambay.

"Hello sa inyo" masayang bati ko sa kanila.

They smile at us then bumalik na sila sa ginagawa nila. May ginagawa kasi sila na para bang mahalaga iyon.

"Ginagawa niyo?" Tanong ko.

"Project" Sagot ni Martis.

"Oo. Ginagawa kasi namin yung project na ang deadline ay next week na." Saad ni Moskov na himala hindi siya naglalaro ng ML ngayon.

Lumapit ako kay Harith na abala sa pagsusulat. Napatingin ako sa sinusulat and it turned out na Math problems pala iyon?

"Wow. Galing mo naman sa math" masayang sabi ko.

"Thank you" he just simply reply then continued what his doing. Mukhang busy nga sila mga prends.

Hindi kasi sila magkakaklase nila Jaspher. Sa section namin yung boss nila tapos sila sa ibang section.

At dahil busy sila at wala akong mapagtanungan kung bakit malungkot ang kaibigan nila. I decided to scroll muna sa facebook which is minsanan ko lang gawin dahil bored ako.

As usual wala namang bago sa facebook. Puro post lang naman ng mga friends ko yung nakikita ko. The same face na may ibat-ibang pose, shaded post ng mga feeling broken, mga group page na ang daming ek-ek na post.

Perfect Enemies [On-Going]Where stories live. Discover now