Chapter 11

7 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Scarlet

Chapter 11.

Naiirita, naiinis at nakakabanas talaga itong si Jaspher. Kanina pa kasi niya ako kinukulit kung galit daw ba ako sa kanya. Kaya ayan todo hingi siya ng tawad sa akin dahil hindi natuloy ang date namin kunno.

Sinabi ko kasi naman sa kanyang hindi naman ako nag effort na hintayin siya at alam ko namang hindi talaga iyon matutuloy.

Author
Owws? Talaga Layla! Eh bakit iyak iyak ka pa kagabi kung hindi ka umasa? Arte mo. LOL!

Kainis ka author. Palibhasa hindi ka gusto ng crush mo tse.

Eto na nga mga teh. Consistent ang koya niyo na humingi ng tawad sa akin. Pati kasi pagpunta ko sa CR talagang sinundan niya ako pero syempre sa labas lang siya.

Pinagtitinginan na nga kami ng estudyante e. Yung iba nagbubulungan na. Alam ko namang naiinggit lang sila sa akin dahil hinahabol ako ng idol nila. Gandang ganda kasi sa akin yang si Jaspher. Hihi

Nag stay muna ako sa loob ng mga 10 minutes. Nasa loob lang ako ng cubicle nakaupo at nag aantay na umalis yung abno sa labas.

Mukhang may pumasok na dalawang babae at may pinag uusapan sila.

"Kawawa naman si Jaspher ko. Pinag aantay nung pangit at mahirap na babae na yun sa labas ng cr" babae 1.

"Oo nga ee. Akala naman  niya kinaganda niya yung pag iinarte niya." babae 2.

Grabe tung mga babae na ito. Akala nila kinaganda nila yung pagiging intrimitida at pagiging judgementa nila. Pagsasabunutan ko kaya sila.

Dami nilang talk about sa akin. Nakikinig lang ako sa kanila. Hanggang sa nag decide akong lumabas na. Padabog kung binuksan yung pinto ng cubicle at dumiretso sa may salamin kung saan sila nag reretouch.

Mukhang nagulat sila sa biglang pagsulpot ko sa harap nila.

"Hi" pagbati ko sa kanila with matching smile pa.

Akala naman nila kinaganda talaga nila yung paglalagay nila ng makapal na make up sa mukha nila. Umasa paman din ako na maganda sila habang pinagchichismisan ako.

"Hello" plastic nilang sabi.

Pangit na nga nila, plastic pa.

"About dun sa sinabi niyo kanina. Sorry ah ganun talaga kasi kapag MAGANDA ka. Habulin ng Gwapo" sabi ko sabay nag flip hair pa at lumabas na sa CR.

Mukhang nainis yung dalawa dahil sa sinabi ko. Ang papangit kasi nila. Akala kasi nila maganda sila.

"Are you done?" tanong ni Jaspher na nakasandal sa pader.

Wow lang talaga. Ang consistent ng lalaking ito. Tinagalan ko na nga mag CR at akala ko wala na siy pero nan dito pa pala. Tibay ah.

"Ay bobo lang. As you can see? Nasa labas na ako diba? Malamang tapos na" sarcastic kung sagot.

Natawa ang loko. He didn't see me na naglalakad na ako palayo sa kanya kaya ayun todo takbo siya para maabutan ako. Panay parin siya sa pangungulit sa akin mga teh. Todo sorry din siya. Nakakasawa na nga pakinggan eh.

Sinabi ko naman kasi sa kanya last night na okay lang sa akin na hindi natuloy iyon. Pero ang kulit lang talaga niya.

Dumiretso na lang ako sa tambayan at good thing nandun yung barkada at nagtatawanan. Mukhang nagkakasiyahan sila. Si Lylia nakikipag landian narin kay Martis. Mukhang may something yung dalawa ah. Hehe.

"Mukhang masaya kayo ah" tanong ko.

Natigil sila sa kakatawa ng makita nila kami. Nasa likod ko lang kasi si Jaspher at nakasunod lang. Nakatingin sila sa amin na para bang nakakita sila ng COUPLE. PWE! Couple my butt. Tse!

Perfect Enemies [On-Going]Where stories live. Discover now