Chapter 8

4 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Scarlet

Chapter 8.

Naiinis ako kay Lylia dahil sa kadaldalan ng bibig niya. Ayan tuloy tinutukso na nila ako kay Jaspher dahil sa kashungaan ng kaibigan ko. Syempre todo tanggi ako na wala akong gusto sa kanya pero hindi sila naniwala.

Kahit na rin si Harith nakitukso narin sa kanila. Hays nako kung alam lang ni Harith na siya yung gusto ko. Hays kung alam lang din nila.

Napatingin naman ako kay Jaspher pero ang walangya mukhang gustung gusto pa yung panunukso nung tatlo sa akin sa kanya. Akala ko kasi mandidiri siya sa ideya na iyon pero nagkamali ako kasi mukhang gusto naman niya.

"Ano ba! Tigilan niyo nga ako." pag-awat ko sa kanila pero pinipilit parin nila yung panunukso.

"Sus. Nahiya ka pa Layla. Aminin mo na kasi gusto mo rin si Jaspher. Ayie." sinamaan ko nga ng tingin tung si Lylia. Seriously? Kaibigan ko ba talaga siya?

"Hindi nga sabi e" patuloy parin sila. "Aminin" saad ni Martis. "Hala. Namumula na si Layla" sabi ni Moskov.

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi ko kasi ang init nila. Mukhang tama nga sila. Nag iinit ako. My God. Nakakahiya. Baka isipin talaga nila crush ko yang si Jaspher Alucard Guevarra.

"Just admit it. You like me" sa wakas nagsalita narin ang mahangin na lalaki. "Hindi no. Kafal lang please!" depensa ko.

"Ows! Bat ka namumula?" Pang aasar ni Jaspher sa akin. Binato ko mga siya at bulls eye tinamaan siya sa ulo niya.

"Ouch! It hurts" mukhang nasaktan siya kasi nakahawak siya sa ulo niyang tinamaan ko. "Shit. POTA! ANG SAKIT" napasigaw na siya.

Agad akong lumapit sa kanya dahil naguilty ako sa ginawa ko. Kung bakit ba anong naisip ko at binato ko siya. Ang laki din nung bato ah. Eh kasi naman e. Nang aasar pa sila. Agad akong napahawak sa ulo niya na tinamaan ng bato.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko kay Jaspher.

"Hindi e." Pag iinarte ng lalaki na ito. "Ang sakit parin" sabi niya pa.

Tinignan ko yung tinamaan ng bato pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa bewang ko.

"What are you doing?" Sabi ko. Napatingin ako sa apat pero syempre kinilig sila. Si Harith naman nakangiti lang.

"Please! Just 5 minutes Layla" mahina pero seryosong sabi niya.

Biglang nagsi alisan yung apat for privacy ata pero sana hindi nila ginawa yun. Mga kaibigan ba talaga sila? Bakit, hindi rin ba kaibigan tung si Jaspher?

"5 minutes done" pag anunsyo ko. Agad naman siyang kumawala sa yakap niya at napatingin siya sa akin.

"Thank you for letting me hug you" may sinseridad sa paghingi niya ng paumanhin. "Okay lang but next time wag mong gawin yun sa harap ng mga kaibigan natin" pagpapaalala ko.

He nodded and smile with me sweetly. Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kung anong kilig sa loob ng tiyan ko. Para bang tumatalon sa kilig lahat ng mga organs ko dahil sa  simpleng ngiti lang niya.

"What?" nagtatakang tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil nakatitig na naman pala ako sa kanya. Bakit ba puro titigan na lang ang nasa kwento na ito? Wala ng maisip author? Mental block na?

"Wala" patay malisya ako.

"Patingin nga ulit ng ulo mo?" Sabi ko.

Tnignan ko naman yung ulo niya pero konting bukol lang naman pala yung nabuo. Akala ko naman kung pumutok at dumugo na yung tinamaan pero pag iinarte niya lang pala ang lahat dahil gusto niya lang akong mayakap. Galing na bata.

Perfect Enemies [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon