Chapter 4

23 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Ms.Prettyness

Chapter 4.

Nakakahiya talaga yung nakatulog ako bigla tapos tulo laway pa sa magandang tugtug ni Harith. Grabe pwede pampatulog iyon. Hehe. Para bang ang feeling mo kapag narinig mo iyon nasa langit ka at si Harith yung anghel ng Diyos na magaling tumugtog.

Para bang once na narinig mo ang musikang iyon makakatulog ka talaga ng sobrang himbing at makakalimutan mo lahat ng pagod mo sa buhay. At once na narinig mo ang musikang iyon feeling para kang ikinakasal sa gwapong si Harith. Ahihihi. Akin na lang siya Lord, please!

"Layla.." naramdaman kung parang may tumatapik sa braso ko pero kers lang kasi inaantok pa ako. "Layla.. wake up!" Pag ulit ng boses.

Dahan dahan kung iminulat ang medyo inaantok kung mga mata para tignan kung sino ang boses na nanggigising sa akin. "Shino ka?" Pag iinarte ko.

Natawa naman ang gwapo. "Its already 8PM, tara na ihahatid na kita pauwe sa inyo" tumayo ako sa kinahihigaan ko at naalala ko nga palang nakatulog ako sa musika niya.

"Sorry. Hindi ko natapos yung musika mo" nalungkot lang ako bigla sa nagawa ko. "No. Its okay! Tara na?" Pagyaya niya kaya naman sabay na kaming umalis ng theatre hall na ngayon ko lang napansin.

Nasa byahe kaming dalawa at tahimik lang. Nakatingin lang ako sa labasan at tinitignan yung mga dinadaanan namin.

Ang ganda pala dito kapag gabi ngayon ko lang napansin. Hindi naman kasi ako masyado lumalabas ng bahay e. Kumbaga school-bahay lang ampeg ko kasi nga strick ang parents. Pwe!

"Gusto mo ba kumain mo tayo?" Sabi ni Harith habang tutok parin siya sa kalsada. Syempre baka mabangga kami.

"Ay. Hindi na. Hatid mo nalang ako sa bahay" pagtanggi ko. Gusto ko pa sana siyang makasama pero dahil ramdam ko na yung antok e nagpahatid na alng ako sa kanya.

Gutom naman ako pero nakakahiya naman kung ililibre pa niya ako sa mahal na resto kahit di pa kami masyadong close baka isipin niya e pera niyang habol ko kaya nakipag kaibigan ako sa kanya.

Pagdating namin sa tapat ng bahay agad naman na akong nagpaalam sa kanya na papasok na dahil baka inaantay narin naman na ako nila mama.

Gabi na rin naman kaya kailangan ko narin siyang pauwiin. Papasok pa sana siya kaso mas pinili ko na lang na wag na. Mga teh kinuha niya number ko so it means magiging textmate ko ang isa sa mga Bad Boys pero iba siya kanila ah. Mabait at pogi sya matcho naman din kaso mas matcho sa kanya si Jaspher so yun lang pinagkaiba nila.

Teka bakit ko ba ikinukumpara si Harith sa kaibigan niya? Mas kita naman na mas lamang si Harith kay Jaspher no, yun nga lang mas malaki pwetan ni Jaspher. Hays sayang!

Napabuntong hininga na lamang ako ng mawala na ng tuluyan ang sasakyan ni Harith. Pumasok na ako sa bahay, naabutan ko pa sila nanay na kumakain pero diko na lang sila kinibo kasi nagmamadali akong pumasok sa sarili kung kwarto.

Nagugutom na rin ako pero kers lang muna kasi nilalasap ko pa yung landi na nararamdaman ko ngayon. Chos lang! Naghugas na ako ng katawan ko at nagpalit na ng pantulog then diretso na tulog.

Bukas makikita ko rin naman siya e kaya kailangan ko mag beauty rest ngayon.

*****

Maaga akong pumasok kasi maaga akong sinundo ni Lylia, consistent talaga ang kaibigan ko sa pagsundo sa akin araw-araw ah. Well mayaman naman siya e at may sariling sa sasakyan tsaka nakakatipid ako sa pera.

Pagkadating namin sa school hindi kami sabay pumasok sa room ng kaibigan ko. Pumunta muna siya sa guidance office kasi pinatawag siya ng councilor. Nako mukhang papalitan na yung look ni gaga. Haha naglalakad na ako papunta sa papuntang room ng harangin ako nung mga kaklase kung feeling mean girls. Ano problema nila?

Perfect Enemies [On-Going]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant