Chapter 7

5 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Scarlet

Chapter 7.

Ewan ko ba pero buong biyahe kaming tahimik ni Jaspher dito sa sasakyan niya. Hindi ako sanay na tahimik siya mga prends. Mas sanay kasi ako na lagi niya akong binubully. Para bang sa sistema ko eh immune na sa mga harsh words niya sa akin.

Yung lagi niya akong sinasabihan ng dukha ka, pangit mo, at sasapakin kita jan. Oh diba, ang babaw pero para sa akin masakit yan.

Simula kasi nung nagpakita yung ex niya kanina na si Rechel naging ganyan na siya katahimik. Para bang nabuhusan siya ng malamig na htubig tapos ayan naging pipi na siya. Akala naman niya bagay sa kanya.

Kinausap nga siya nung Rechel pero agad kaming umalis sa resto. Kawawa naman yung Rechel naiwan sa resto ng mag isa. Sinabihan ko nga si Jaspher na hindi pa bayad yung pagkain pero sabi niya tatawagin nalang daw niya yung kaibigan niya.

Hinatak nga niya ako kaya ramdam ko parin yung sakit sa wrist ko. Lakas ng hatak niya. Grabe!

"Okay ka lang?" pagbabasag ko ng katahimikan sa pagitan namin.

He nodded. "Yes. Im okay" walang gana niyang sagot.

Hala! Anong nangyari sa Jaspher Alucard Guevarra? Bakit parang down na down siya ngayon. Nasa Chapter 7 palang yung kwento namin tapos eto may sadness na? Nako naman author. May pinagdadaanan ka ba? Akala mo naman may lovelife ka. Tse!

Author:
"Pakyu ka. Layla! Mamatay kana. Baka gusto mung si Lylia ipalit ko sayo. Inamo ka."

Si author naman hindi mabiro. Palibhasa wala kasing lovelife haha.

"Are you sure?" I asked again.

Hindi niya ako sinagot dahil naka focus lang siya sa pagdadrive. Hindi ko nalang siya kinulit after nun. Naging tahimik lang ulit kami. Walang ingay, tanging yung sasakyan lang yung maingay.

Halata kasi sa kanya na mahal pa niya yung ex niya pero nung nakita niya kanina. May pawalk out effect pa siya. Daming arte din ng lalakinh eto eh.

Hindi ko nalang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Paano niya nalaman? Eh hindi ko naman nasabi pa kanina sa kanya yung address ko dahil ayaw niya akong kausapin. Stalker ko siya?

"Paano mo nalaman yung address ko Jaspher?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti na siya mga prends. Mukhang back to normal na ang koya niyo.

"Mayaman ako, remember? I can do what I want. Kaya ko nga ring ipasunog yang bahay niyo kung pwede lang e"

Oh diba? Nagbalik na nga siya. Ang abnong ito. Nagbalik na.

"Hoy. Wag naman! Ang sama mo talaga" tumawa lang siya pero pilit lang iyon. Ramdam ko parin yung lungkot sa tawa niyang iyon.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tumatawa pero bigla siyang napahinto ng makita akong nakatingin sa kanya.

"What?" he asked me with a serious face.

"Hindi mo naman kailangang magpanggap na masaya kung hindi naman talaga. Ayos lang maging malungkot." Sabi ko.

"Ha? Pinagsasabi mo. Pumasok kana nga lang sa inyo baka hinahanap kana" pagbasag niya sa sinabi ko. Napaka panira talaga ng mood tung Jaspher na to. Sarap sabunutan.

"Okay" yun nalang yung nasagot ko tsaka na ako bumaba sa kotse niya.

"By the way, thanks for the dress Jaspher. I mean it" pagpapasalamat ko sa kanya sincerly.

Perfect Enemies [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon