Chapter 5

28 0 0
                                    

PERFECT ENEMIES
written by Scarlet

Chapter 5.

Ayun nga mga te, binawian niya ako ng mas malalang pambubully sa akin. Ikaw ba naman tapunan ng basura sa ulo habang naglalakad sa hallway. Well hindi naman siya yung mismong gumawa pero nag utos lang naman siya ng mga estudyanteng shunga shunga at uto uto.

Pinagtawanan pa ako nung ibang estudyante dahil sa pangyayari iyon. Nakakahiya tsaka sobrang baho ng basura na iyon. Yung iba naman nagtatawanan at nagbubulungan tapos nagtatakip pa ng ilong nila.

Ganun ba ako kabaho? Dumiretso ako agad sa locker ko. Wag kayong magtaka kung may sariling locker ang mga estudyante dito. Pang mayaman nga diba? Buti nalang lagi akong nagdadala ng extra uniform ko, panty at mga gamit sa pagligo. Syempre iba na yung laging handa no.

Naligo ako ng maigi sa comfort room ng school tsaka dito narin nagpalit. Todo lagay ako ng pabango sa katawan para matanggal yung amoy ng basura. Thank God, kasi nawala na yung amoy basura. Pinagtitinginan at pinagbubulungan ulit ako nung mga estudyante pero dedma na lang ako. Humanda sakin yang Jaspher na yan. Makita niya. Asan ka bang bwesit ka? Sinimulan ko na siyang hanapin.

Nakita ko naman agad si Jaspher kasama sila Harith, Moskov at Martis sa likod ng gym kung saan sila tumambay, nagtatawanan sila na para bang may ginawa silang nakakatawa. Agad akong lumapit sa kanila "Hoy! Bakit mo ginawa yun? Ha" sigaw ko kay Jaspher habang nakaturo pa.

Naiinis ako sa lalaking ito pero nung makita ko si Harith nawala bigla yung pagkainis ko. "Ginagawa mo dito?" Maangas na tanong sa akin ni Jaspher.

Okay lang ba siya? Tinatanong ba niya kung ano raw ginagawa ko dito? Maang maangan ang peg ng koya niyo?

"Gago ba u? Ang sama mo talaga super sama" sasampalin ko sana siya kaso pinigilan ako ni Harith. "Enough Layla" mahinahon siya pero nakangiti siya sa akin. "Pag usapan niyo yan" nakangiti parin siya kaya kita ko na naman yung mga ngipin niyang pang colgate commercial.

"Hep!Hep! Wait guys para hindi lumala yung tensyon dito maglaro nalang kaya tayo ng basketball? What do you think?" Pag singit ni Moskov na kasalukuyang naglalaro sa cellphone niya ng mobile legends. Kita mo tung lalaking ito? Basketball daw pero naglalaro naman ng ML?

"Deal" pag sang ayon ni Abno. Nakatingin siya samin ni Harith habang si Harith nakaakbay na sakin. Naks! Diko man lang naramdaman na nakaakbay na pala siya. Ayos din tu e.

"FIRST BLOOD!" napasigaw na si Moskov habang naglalaro.

"What is the price, dude?" Tanong ni Martis. Napatingin bigla si Abno sa akin tsaka ngumisi sabay turo "She's the price" nakangiti niyang sabi. Grabe puti din ng ngipin niya ah plus katambok ng pwetan ng lalaking ito. Okay na sana e kaso masama lang ang ugali.

"Oy!Oy! Anong ako ang price? Sapak gusto niyo?" pinakitaan ko nga sila ng kamao ko. Itong mga lalaking ito parang mga shunga. Ako? Gagawin nilang premyo sa basketball na gagawin nila? Aba! Hindi naman ata tama iyom.

"Chill ka lang! Malalasap mo rin naman ang langit kung sino man ang mananalo sa amin" sinamaan ko nga ng tingin si Jaspher tsaka ko siya binato ng bato. Bulls eye kasi tinamaan siya sa dibdib niya.

"Pakyu ka! Langit mo mukha mo. ULOL!" naiinis kung sigaw sa kanya. "Tangina! Triple kill" mukhang nababaliw na si Moskov.

Thank God kasi hindi naman natuloy yung balak nilang basketball game na ang price ay ako. Instead nagyayaan na lamang silang magbabarkada na kumain sa mall. Syempre dahil involve na ako sa life ng mga kumag na except Harith na gwapo edi sumama na rin ako.

Sinama ko rin si Lylia para naman hindi ako ma out of place sa mga boys.

***

After ng 30 minutes na biyahe papuntang mall. Agad naman akong namangha sa laki ng mall na pinuntahan namin. This is my first time kasi na makapasok ako sa ganito kagarang mall since you know, mahirap lang kami.

"Wow. Ang laki ng mall" amaze na amazed talaga ako sa nakikita ko ngayon. Parang feeling ko tuloy pinagtatawanan ako nila Jaspher sa side ko.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng mall, pangit? Pffftt" tanong ni Jaspher tsaka siya nagpipigil ng tatawa. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang susuntukin sana. "Woaah! Relax" pag awat ni Harith tapos nag smile na naman siya. Napatawa lang yung mga iba pa naming kasama tapos si Lylia mukhang kinilig pa ang loka.

"So, tara na guys?" Pagyaya ni Martis. Si Moskov naman until now abala parin sa nilalaro niyang ML na yan. Adik e.

As we enter the mall, agad kaming naglibot ng mata ni Lylia. Amazed parin naman ako sa mga nakikita ko. Ang daming pwedeng bilhin kaso wala akong pera. Alam niyo naman dukha ang bida?

Napatingin sa bilihan ng damit ang gaganda ng mga damit na nakadisplay. Super para bang kapag naisuot mo yung mga damit na iyon para kang isang prinsesa. Real life princess dahil sa mga damit na ito. Pero naloka ako ng makita ko yung tag price ng mga damit. Putcha ang mamahal naman ng mga ito.

"Hindi mo afford no?" Narinig ko na naman si Jaspher na inaasar ako. Mukhang pati dito sa damitan ng mga damit gusto niya akong ibully. Gago talaga as always.

"Dukha ka kasi" napatawa siya ng malakas. Kita mo tung lalaking ito, sarap bayagan ulit sa pututoy niya. Sinuntok ko nga sa braso niya pero it turn out na ako ang nasaktan kasi ang tigas ng braso niya.

Naglibot lang ako sa loob, ramdam ko yung pagsunod at pagtitig sa akin ni Jaspher. Napatingin ako sa kanya at tama ako nakatitig nga siya sa akin. Inirapan ko lang siya hanggang sa makakita ako ng damit na white dress. Sobrang ganda nito at simple yung design.

Parang gusto kung bilhin iyon dahil mukhang bagay naman sa akin. Nagagandahan talaga ako sa damit na iyon pero sabi nga ni Jaspher yabang eh isa lamang akong hamak na dukha. Nilagpasan ko na yung dress at naglibot ulit. Sila Lylia kasi may pinuntahan kasama yung tatlo. Akala ko nga rin kasama tung abno na to.

"Do you like the dress?" Tanong niya sa akin. Nasa likod ko parin siya at nakasunod. Hindi ko siya pinansin.

"Hey" pagtawag niya pero dedma parin ako sa kanya.

"What's your problem?" Naiirita na ata siya dahil hindi ko siya pinapansin. Bahala siya jan.

"Ms. Layla Perez Rodriguez" tinawag niya ako sa buong pangalan ko at bigla akong napahinto at napatingin sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla siyang lumapit sa akin. Titig na titig lamang siya sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya rito sa bilihan ng mga damit. Hindi ba siya aware na nasa public place kami? Gosh. My heart beats fast ng nasa malapit ko na siya.

He raised my chin to see my face. Ngayon nakatingin parin siya sa akin ng seryoso. Nahalata ko na kunting lapit niya pa ay magkakalapat ng ang mga labi namin. Huwag niyang sabihing gusto niya akong halikan dito sa dress shop na to.

"W....what?" Di ako makatingin sa kanya ng diretso pero siya titig parin sa akin. Hindi narin ako makahinga sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Baka kasi kapag huminga ako sa harapan niya e baka mabaho hininga ko at nakakahiya naman iyon. Ang arte pa naman netong si Jaspher.

"You look beautiful"

Ewan ko ba kung guni-guni ko lang ba yung narinig ko o talaga bang sinabi niyang maganda daw ako? Alam ko naman na dati iyon. Since birth maganda na talaga ako, dukha nga lang pero atleast may magandang asal.

"Ano...anong pinagsasabi" hindi talaga ako komportable na ganito siya sa akin. Chapter 5 palang ang kwento na ito pero may ganito ng eksena? Ang landi ng author. Putcha! Ayan na siya. Papalapit na yung mukha niya sa peslak ko.

Napapikit na ako sa sobrang kaba, ang lakas din ng kabog ng dibdib ko sa eksena na nangyayari sa pagitan namin ng asungot na to. Siya na ba yung first kiss ko? Siya na ba makakakuha ng pinakakaingatan ko? Oh no?

Hahalikan na sana niya ako ng biglang sumulpot yung saleslady ng shop.

"What the......" nagulat ata si ate sa nakita niya.

Agad kaming naghiwalay na dalawa ni Jaspher dahil sa kalandiang eksena na naisip ng author ng kwento.

Nag patay malisya na lang kami ni Jaspher na para bang walang nanagyari. Hahaha

Perfect Enemies [On-Going]Where stories live. Discover now