Chapter 40

2.9K 65 40
                                    

The next days, I busied myself with paperworks, I shouldn't be doing these pero ayokong ma occupied ang isip ko ng mga negatibong bagay na makakasama pa sa'kin.

It's been days since that night pero hindi ko pa rin malimutan, JC is still the same, sweet but he's still busy and something's still off.

"Zain, where's your Mom?" rinig kong boses mula sa labas.

I glanced at the wall clock, it's just 5pm, himala ang aga niya umuwi ngayon.

I remained silent, nasa library ako dito pa rin sa bahay ni Trevor, nahihiya na nga ako pero sa tingin ko'y wala lang sakanya iyon o sa tropahan nila.

Narinig ko pa ang pagsagot ni Zain na tinuro ako dito.

"Hey" rinig kong bati niya pagbukas ng pinto.

Nilingon ko siya at tipid na ngumiti, "Hello" bati ko lang at binalik ang atensyon sa laptop ko.

Natigilan siya bago bahagyang tumawa, "Why are you stressing yourself with those? you're on leave" malambing niyang sabi at lumapit sa'kin.

He crouched and obviously aiming for a kiss but I ignored it and acted like I didn't know what he's doing.

I raised my brow, "What?" I asked.

I saw him frowned, bakas ang pagtataka sa mukha niya pero ngumiti lang siya at umiling.

"Come on, let's eat" aya niya at hinawakan ang kamay ko.

Binawi ko iyon at hindi siya binalingan ng tingin, "Busog pa 'ko, mauna kana" sabi ko lang at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Binabasa ko ang financial report this month and it was good, na sustain lang 'yung profit noong nakaraang buwan.

Patuloy akong nagttype ng recommendation pero parang lutang na ako at nakalimutan ang binasa.

I heard a sigh.

"May gusto ka ba? cravings or what?" malumanay niyang tanong.

Umiling lang ako, "No, I'm good. Don't mind me, kumain kana" I said coldly.

I still can't get over, the thought of him having an affair really breaks my heart. It made me question my decision of accepting him again in my life.

"Baby" he called.

Binalingan ko siya, raising a brow.

He sighed, "Tara na, sumabay kana sa'kin I missed eating with you" sabi niya at bahagyang natawa.

He chuckled and I didn't, "Kasalanan ko?" I asked sarcastically.

Natahimik siya at lumapit muli, hinawakan niya ang baba ko at inangat para salubungin ang tingin niya.

He then kissed my forehead, "Don't be grumpy, let's just eat hmm?" he whispered.

I rolled my eyes at itinabig ang kamay niya, "I'm not grumpy, you're just being pushy. I said I'm okay, kumain ka kung gusto mo 'wag mo na ako abalahin" I said still trying contain my anger.

He sighed once again, looking all tired to even argue.

"Ang sabi ni Manang hindi ka pa raw kumakain, paanong you're good? please stop being hardheaded. Kumain na tayo" he said.

Now I'm hardheaded.

"Kakain ako kung gusto ko" I said calmy.

"Fuck, Tiffany. Don't be so selfish, you're not alone, you're pregnant for pete's sake" he said frustratedly, napahilamos siya sa mukha.

Napataas ang boses niya kaya hindi ko napigilang maging emosyonal.

I bit my lower lip to suppress my tears, nagsisimula nang bumilis ang paghinga ko.

Facing Fears Where stories live. Discover now