Chapter 24

1.1K 29 5
                                    

Inaayos ko ang mga damit ni Zain, at isinalansan sa maletang maliit na kulay black na binili ko para sakanya. Tumigil ako matapos mapuno ang maleta niya, sa tingin ko'y sapat na iyon dahil pwede namang maglaba or bumili nalang sa Pilipinas, babalik din naman kami rito sa New York.

Huminga ako ng malalim at inisip ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo, ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong umuwi sa Pilipinas, handa ba ako? at kung hindi, kailan pa 'ko magiging handa?

Naisipan kong mag install ulit ng social media apps. Nag-hang pa ang phone ko dahil sa dami ng notifications, inuna kong i-check ang email kahit pa hindi naman 'yon na u-uninstall, mi-nute ko ang notif non para hindi ako naaabala.

Pinili kong maging share-holder nalang nang kompanyang iniwan ni Dad noong mapag-desisyunang mamalagi rito sa New York. Inintindi naman ako ni Mom, pero hindi ko naman maipagkakaila na kailangan pa rin ako roon.

Napakunot ang noo ko, magkakaroon daw ulit ng meeting for appointment ng new CEO, I'm still a candidate dahil may malaki akong share na 24%.

Claire McConnell  102 Messages

I rolled my eyes at iniscroll ang mga naipong messages mula kay Claire.

"Miss ka na ng mga inaanak mo"

"Kamusta naman si Zain?"

"Sis, balita?"

"Tiffany, ako pa ba bestfriend mo? :( "

Bumuntong hininga ako, Claire has been my bestest friend, alam kong bestfriend ko siya kahit pa marami siyang hindi alam sa'kin mula noong kinasal ako kay JC. I only gave her vague informations about my marriage life before.

Nagpunta akong kitchen para kumuha ng tubig, syempre stay hydrated!

"Omg first time ko na try ganong position, heaven!"

Naubo ako sa iniinom ko ng mabasa iyon, 'tong maharot na 'to! May katotohanan din pala na kung sino pa yung pa-virgin may tinatago ring kalandian.

Umirap ako at tinignan pa ang iba, puro naman pangangamusta.

"Sis buhay ka pa ba?"

"I'm Pregnant!" pinaka latest niyang message, it's a week ago

See?

Napangiti ako at nag reply,

Tiffany Deveriux: "Congrats girl, malapit kana makabuo ng basketball team pati cheerleading squad , sama mo na audience para all in one fam"

Ilang minuto lang ay nagreply naman siya agad.

Claire McConnell: "Bruha ka! Tawag ako!"

Di pa ako nakakasagot ay tumawag na siya, sinagot ko naman agad.

"Kailan uwi mo?" bungad niya.

Umirap ako. "Soon" tipid na sabi ko.

Tumili siya kaya nilayo ko ang cellphone ko sa tenga.

"Ninang ka ng baby ko! Kamusta naman kayo ni Angelo? hanggang kailan ka rito? Balita ko andyan si--"

"Hinay Hinay naman Natasha Claire!" putol ko sakanya

Facing Fears Место, где живут истории. Откройте их для себя