Chapter 13

1.6K 35 1
                                    


"Uy, may problema ba? Kanina ka pa tahimik at busy jan sa laptop mo. Di nalang kita kinukulit but now I'm worried, it's past 9 at di kapa nag didinner"

Nagaalala kong sabi kay Chris, since the day na nakabalik kami sa bahay niya or namin. Busy nanaman siya at tutok sa trabaho, just like now, kanina tinanong ko siya pero sabi niya tatapusin lang daw niya.

Napahilot siya sa sentido niya at nakakunot parin ang noo.

Mas lumapit pa ko at inalis ang kamay niya sa ulo niya at ako ang nagmasahe dun.

"You should take a break, Chris" malambing kong sabi na sana ay effective.

Tumayo siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

He smiled. He's tired, i can see it in his eyes. Natigilan ako ng ilapit niya ang mukha niya sakin at marahan akong hinalikan, wala kong nagawa kundi magpadala sa mainit at malim niyang halik.

Nang kapusin ang hininga ay huminto siya at pinagdikit ang mga noo namin. This is so not him! And gosh. I love this!

"Thankyou" yun lang ang sinabi niya pero kakaiba ang dating nito sakin, i guess he realized now my worth.

Ngumiti ako at nagiwas na. "Come on, nagluto ako ng Bicol express para sayo, I'm not really good at cooking pero i tried it before, sayang lang at lumamig na, kanina pa kase yun eh" i pouted.

*tsup*

Namula ako at nanlaki ang mga mata. Nilingon ko siya at nakangisi lang na parang walang nangyari, napailing nalang ako.

Habang sineserve ko ang Bicol express ay ramdam ko ang pagtitig niya.

"Wag ka nga!" Sita ko dahil anagiinit na ang pisngi ko sa paraan ng pagtitig niya.

"What? hahah Wala naman akong ginagawa" painosente niyang sabi, napairap nalang ako.

Para kaming bagong couple, well, I can say na bago nga lang. Dahil neto lang siya umamin na mahal niya na ko, di ko alam kung kelan siya nagsimula pero wala na kong pakielam, ang importante mahal na niya ko, kami ni Zain.

Ipinagsandok ko na siya pero nananatili parin siyang nakatunganga habang pilyong nakatitig sakin na may kasamang pagngisi.

"O-Oh? Anong tinutunganga mo? Kumain ka na nga!" Masungit 'kunyaring' sabi ko.

"Then feed me"

Tumaas ang isang kilay ko, anong sabi?

"Come on baby, feed me" may paglalambing niyang sabi.

"May kamay ka naman" pabebe ring sabi ko.

"I'm tired baby, I can't move" pagiinarte naman niya

Naiiling na lumapit ako sa monster na to.
Paglapit ko ay walang sabing hinila ako dahilan ng pagkakaupo ko sa lap niya at niyakap ako ng mahigpit.

Hinampas ko siya dahil dun, pumaraan lang pala ang loko.

"Akala ko ba 'you're tired?' Tsk" sabi ko at pilit na inalis ang sarili pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagyakan niya sakin. Tong halimaw na to tsk

"Bitiwan moko Chris, baka san nanaman tayo makarating nyan, I know you're tired. Just eat" seryosong sabi ko, lumuwag na ang yakap niya kaya agad ako nakatayo pero siya di malaman kung galit o nagtatampo, palagi naman ganyan mukha niyan pag beastmode noon.

Di ko alam kung matatawa ba ko o matatakot sa pagbusangot niya. He used to hurt me tho, pero at least ngayon I feel lighter, whenever I'm with him, it's like I'm in danger, but safe, danger in my own hero's arms.

Facing Fears Where stories live. Discover now