Chapter 12

1.8K 56 2
                                    

"Anak come on, let's eat, where's your husband?" Bungad sakin ni mama.
Nagkakape ako ngayon dito sa sala habang siya kakagaling lang sa kusina.

"Wait ma, I'll wake them up" sabi ko, she smiled and nodded at me. Umakyat na ko sa taas at tinungo ang kwarto namin, doon natulog si baby Zain dahil kagabi ay iyak ng iyak pag di ako katabi. Tuloy di naka score ang magaling niyang Ama hahaha!

I'm now staring at a perfect view, nakadantay ang maliit na hita ni Zain sa maskuladong braso ni Chris, nakakatuwang tignan. Pareho silang mahimbing ang tulog at parehong nakanganga ng kaunti.

Kinuhaan ko sila ng picture using my phone and then, laughed.

Bahagyang gumalaw si Chris kaya napatakip ako sa bibig. Nagising ko yata siya, papungay pungay siyang lumingon sakin habang nananatili parin sa ganung pwesto.

"G-Good Morning" hehe. Bati ko sakanya, and smiled at him, he did the same at maingat na tinanggal ang braso niya sa pagkakadagan ng kanyang mini me hahaha.

"Good Morning" bati niya pabalik at konti konting lumapit sakin hanggang sa di ko namalayang sobrang lapit na niya at magkalapat na ang mga labi namin.

Napaungol ako ng hapitin niya ang bewang ko pero natulak ko siya ng umingit si Zain.

"Shh.., momma's here baby" sabi ko at tinapik tapik siya sa pwet. Kinarga ko siya at inihilig naman niya ang ulo niya sa balikat ko at maya maya'y nakatulog na ulit matapos kong isayaw sayaw.

"You really are a Wife material" bulong sakin ni Chris na nagpakilig sakin. Nasa likudan ko na pala siya, yumakap ito samin.

"Lahat naman ata ng nagkakaanak nagiging wife material because they love their child" sabi ko.

Kadalasan, Iba ang pagmamahal ng isang Ina, sa kahat ng ginagawa ng anak nila, sila ang mas nasasaktan at mas sumasaya dahil sila ang naghubog sa katauhan nito, literally dahil sa siyam na buwan sa sinapupunan ng Ina ang anak at dahil narin sila ang nagpapalaki.

"Nah, I know a Mother who's not responsible for their children, for example those prostitutes, pinipili nilang ilaglag ang bata para sa sarili nila" seryosong sabi niya. Napatahimik naman ako sandali.

"Then they are not a Mother, there is a difference between being a parent and being a mother, Chris." makahulugang sabi ko sakanya.

Ang mga ganung babae ay kaya maging nanay pero hindi kayang magpaka nanay. And that's what i don't like about life, there are happenings that are meant for us that we can't handle, we can't take responsibility of it until it became mistake.
That's the beginning of our sins. But then, those happenings will not happen to us if it's not meant for us. Let's just be thankful and accept it with open arms.

"I love when you're calling me Chris baby" bulong niya sa tenga ko na nagdulot ng kiliti sa loob looban ko.

"Mauna ka na pala sa baba, kakain nadaw sabi ni mom. Ibababa ko muna to si Zain"

Sabi ko at humarap sakanya.

"Alright" he said and gave me a peck of kiss at lumabas na ng kwarto.

Sinayaw sayaw ko muna sandali si Zain para masigurong malalim na ang tulog nito bago ko siya inilaag, nilagyan ko ang magkabilang gilid niya ng unan para kahit na gumulong siya ang di siya mahulog, though malaki ang kama, oksy na yung sigurado.

While I'm walking through the stairs, i heard my Mom's voice and Chris'. They are both laughing with something.

"She's seven that time, she was so naughty, she told me she'll seduce our neighbor which happened to be 18 years old that time! Hahahah can you imagine that?" Natatawang kwento ni Mom.

Facing Fears Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum