Chapter 32

1K 24 0
                                    

"Yes, this is my husband's penthouse, how may I help you?" I smiled. Widely.

She was shocked for awhile but smiled right away after looking intently to my face.

She chuckled, "Aren't you gonna invite me to come inside?" nakangiti niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay, pero mukha naman siyang mabait kaya ibinaba ko rin ito at piniling kumalma.

"My husband is not around yet, and I'm sorry but you're still a stranger to me" diretsang sabi ko, totoo naman!

Nakita kong bumakas ang pagkamangha sa mukha niya pero napalitan din iyon ng ngiti.

"I'm Ashley" pakilala niya.

Sounds new to me. Parang wala akong narinig na babae ni JC dati noon na ganyan ang pangalan, not that I intentionally stalk them before, I just heard.

Tinignan ko lang siya with my eyes asking 'so?' but ofcourse I want to be nice kaya hindi ko 'yon ibinigkas. Sa tingin ko'y naintindihan niya naman ang gusto kong iparating.

She smiled, "Well, I guess, I'll just come back next time---"

"Ano bang kailangan mo, miss? sasabihin ko nalang sa asawa ko" tanong ko, ofcourse I'm still trying to be nice.

Ngumiti siya at marahang hinaplos ang tiyan, kunot noo kong tinignan iyon. May maliit na umbok, buntis siya?

"Sorry, I thought he's here. I'll just call him, thankyou" sabi niya at agad ring umalis.

Nanatili akong nakatayo sa pinto, nakatulala.

Naninikip ang dibdib ko sa di malamang dahilan, huminga ako ng malalim.

She's pregnant, and she's looking for my husband.

Pumunta ako sa kwarto at umupo sa kama, hawak ang dibdib habang patuloy ang paghinga ng malalim.

Tiff no, don't overthink. don't overthink.

Kinagabihan nagluto ako ng sinigang na Hipon para sa'min.

"Mommy, I'm hungry. Where's Daddy?" maktol ni Zain.

Alas-otso na kase at hindi pa rin nakakuwi si JC. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero nag riring lang iyon at walang sumasagot.

I sighed and smiled at him,"Let's eat Zain, maybe your Dad is on his way, kakain nalang 'yon mamaya" sabi ko.

I can't even explain why his Dad is not yet around.

Matapos kumain ay nanuod pa kami ng movie ni Zain, past 10:00 and JC is still not around.

I texted him and he just replied 'sorry, I'm on my way, I love you'.

I just shrugged. I don't want to entertain sad thoughts, but I can't help it!

Pinili ko nalang maligo para magpalamig, humiga ako sa bathtub matapos sindihan ang lavender scented candle sa tabi.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako, nagising ako nang marinig ang tunog ng pinto ng kwarto.

Dumating na siya.

Tinapos ko na ang pag shower bago lumabas ng naka bathrobe.

Natigil siya sa pag hubad ng polo ng makita akong lumabas ng banyo, he looked relieved.

"Baby" he said smiling, ginantihan ko lang siya ng ngiti atsaka naglakad patungo sa walk-in closet.

Ramdam kong sinundan niya ko, "Hey, I'm sorry. I had a dinner with one of our investors, I forgot my phone sa office---"

Facing Fears Onde histórias criam vida. Descubra agora