Chapter 26

1K 20 2
                                    

"Tiffany"

Napabalikwas ako ng gising dahil sa haplos na naramdaman ko sa mukha ko.

"Shhh, It's okay" sabi ni Angelo. Kumalma ako ng makitang siya nga, hindi na ako nakatali sa kama kaya agad ko siyang niyakap.

"Umalis na tayo dito, please" pakiusap ko.

Kumalas ako sa yakap at hinaplos ang mukha niyang may galos at ang labi niyang may dugo. Ngumiwi siya ng dumaan ang daliri ko doon.

"Anong nangyari, s-sinong gumawa niyan sayo?" tuloy pa rin ang paglandas ng luha ko.

Malungkot niya akong nginitian, "You'll be safe, I promise" sabi niya at inilapat ang labi niya sa noo ko.

"Then let's go!" sabi ko at tumayo. Nanatili siyang nakaupo sa kama, na para bang walang narinig, nakatingin lang siya sakin ng kalmado.

"Angelo! What are you waiting for?" pasigaw kong bulong dahil baka marinig kami ng mga lalaking nagkulong sakin dito.

"Halika" sabi niya at hiningi at inilahad ang kamay niya.

Kunot ang noo akong humawak sa kamay niya. Hinila niya ako at niyakap, ng mahigpit. Kinakabahan ako sa kung anong susunod na mangyari kapag hindi pa kami umalis sa lugar na 'to. Galit sakanya ang mga lalaking 'yon dahil hindi nagpupumilit siyang umalis sa organisasyon nila.

Naalala ko si Zain kaya napahiwalay ako sa yakap.

"N-Nasaan si Zain? Angelo, nasaan siya?"

"He's safe, He was taken out by my men. I just went here alone dahil ito ang pinakadulong kwarto at maraming bantay" sabi niya.

"Then how did you get here?" tanong ko.

Ngumiti lang siya, at sa lahat ng ngiti niya eto ang pinaka ayoko! napakaplastik, napaka convincing.

Hinampas ko siya sa dibdib. "Answer me!"

Kumurap siya ng ilang beses bago sumagot "I-I fought with them" sagot niya.

Nanghina ang tuhod ko at napaupo pabalik sa kama. "Alone?, Angelo that's dangerous!" sabi ko.

Alam kong kailangan niya akong iligtas pero bakit niya gagawin 'yon ng mag-isa? hindi ba siya nag iisip? ano nalang mangyayari kung siya yung napahamak?

Lumapit siya at niyakap ako "Alam ko, I told you I'll always keep you safe" marahang sabi niya.

Palabas na kami ng kwarto ng may marinig kaming kalabog. Agad akong itinago ni Angelo sa likod niya, nakakapit lang ako sa braso niya.

"W-What's that?" tanong ko.

Pinatahimik niya ako at sinabing manatili lang sa likod niya.

Napatalon ako sa gulat ng marahas na bumukas ang pinto.

"J-JC?"

His eyes are dark and mad while his chest are moving up and down. His jaw clenched at pumikit ng mariin para pakalmahin ang sarili.

Umayos na rin ng tayo si Angelo, matagal silang nagtitigan at nagsukatan ng tingin bago ako pumagitna.

"I-Is it safe to go out?" tanong ko.

Tumango si JC at kinuha ang kamay ko para umalis pero binawi ko iyon dahilan ng pagkakunot ng noo niya. Lumingon ako kay Angelo na nakatulala bago binalik ang tingin kay JC, parang naintindihan niya ang gusto kong mangyari.

"Some of them are still roaming around, get out fast if you don't want to die" sabi niya at nauna nang lumakad.

Agad kong hinila si Angelo. "Let's go" sabi ko at nagpatangay naman siya.

Facing Fears Where stories live. Discover now