Chapter 34

1K 24 2
                                    

I weighted my feelings for a second before I could no longer hold it any longer.

"E-excuse me"

I stood up and immediately walked towards the restroom. My vision became blurry, and just when I'm about to enter, someone grabbed my arm.

I gasped.

"Tiffany" he called.

Sandali akong natigilan, no endearment?

I smiled bitterly.

Napaharap ako sakanya dahil sa paghila niya sa braso ko, ang mga mata niyang nangungusap ang mas nagpa bigat ng dibdib ko.

"I'm tired" tanging salitang naibigkas ko, bago hatakin ang braso ko at tinahak ang landas palabas ng coffee shop.

Nakakapang-hina, buong akala ko ngayong buo na kami at nagbago na ang trato sakin ni JC ay tapos na.

When I'm in front of my car, I opened my bag to search for my keys, my body shakes whenever I sob and finally, I found my carkeys.

"Putangina" Kung minamalas ka nga naman, nahulog pa ang susi ko sa kanal.

"Ang tanga tanga mo, Tiffany" I cried in so much frustration.

I heard a loud sigh and glance towards its direction, I saw my husband with his worried face and I choose to ignore him.

Nagtama ang tingin namin, sinarado niya ang espasyong natitira sa pagitan namin.

"Baby" he called me softly

There's a sudden pain in my chest as he called me, he reached for my hand pero agad kong hinatak iyon.

"What explanation you have this time, Chris?" pagod ko siyang tinignan sa mata.

Kita ko ang ekspresyon niyang naguguluhan, pero hindi ba't ako ang dapat maguluhan!

Patuloy pa rin ang pagtulo ng tulo ng luha ko at ang mabibigat kong paghinga, nakakaramdam ako ng bahagyang pagsakit ng puson kaya napahawak ako don at bahagyang napasandal sa sasakyan ko.

Agad niya akong dinaluhan, bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Fuck! A-are you okay?" alalang tanong niya na mukhang aligaga at hindi alam ang gagawin.

"No! Don't touch me!" I shouted. He's too much, how can he be this caring and still cheat?

Napapikit siya ng mariin bago huminga ng malalim, pagbukas niya ng mga mata ay kita ang hirap doon na para bang nagtatalo ang isip niya kung lalapit siya sa'kin o lalayo.

"P-please, just let me take you home" pagkumbinsi niya.

Umiling ako, "I don't want you near"

I saw pain crossed his eyes but I ignored it.

"B-baby, listen to me" he begged carefully like he's afraid to say something or do something that will trigger me or what, and that's what makes it more painful! Bakit hindi nalang niya ako diretsohin?

Ngayon ay napagtagpi tagpi ko na ang lahat.

Lumapit siya para aluin ako pero hampas at suntok sa dibdib lang ang natanggap niya sakin.

"How dare you!" I cried. I ended up hurting myself because of his hard chest.

"Shhh, B-baby please calm down" he whispered which angers me more. Calm down?

"Really Chris? akala ko nagbago kana, ngayon may nabuntis ka pa pala!" I snapped.

Kunot noo niya akong tinignan with confusion in his face, akala niya hindi ko alam?

Facing Fears Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu