Chapter 27

1.1K 28 2
                                    

"Anak!, Oh My!" Sinalubong ako ng yakap ni Mom, kakarating lang namin sa bahay namin sa Baguio. I hugged her back as I noticed her gray strands of hair.

Ilang segundo niya pa ako niyakap hanggang mapabaling siya kay Zain na nasa tabi ko "My grandson! nako, ang laki laki mo na talaga" masayang bati niya, ngumisi si Zain at humalik sa pisngi ng kanyang Lola.

Sandali rin siyang napatigil ng papabaling kay JC "G-Goodafternoon Ma'am" bati ni JC na mukhang nahihiya.

Nginitian siya ni Mom "Why the Ma'am?" nakangising tanong ni Mom at sinabihan si JC na 'wag nang mag atubiling tawagin siyang 'Mom' gaya ng dati.

Inimbitahan na kami sa hapag para sa late lunch daw, na pinaunlakan na rin namin dahil breakfast pa ang huli naming kain.

"How's Angelo?" tanong ni Mom sa kalagitnaan ng pagkain.

Napalingon ako kay JC at hindi nakasagot kaya siya ang sumagot para sakin. "Nasa Hospital pa rin po sa Japan, unconscious pa rin pero umaayos naman na raw ang lagay" magalang na sagot ni JC

I sighed. Napansin niya 'yon kaya tinignan niya ako ng may nagtatanong na mata

I just nodded, meaning to say I'm fine.

After learning everything, I can't be mad kay Angelo. Kahit pa naging dahilan siya ng hiwalayan namin ni JC noon, hindi ko pa rin magawang magalit dahil alam kong totoong mabait siya.

"What's going on in that beautiful mind?" tanong ni JC.

I chuckled thinking of the song.

We just uh.. made love? and we are cuddling.

"I don't know" sabi ko lang, dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin hindi dahil ayaw ko o hindi ako komportable, I just can't gather my thoughts enough halo halo pa.

"Sorry, I didn't tell you right away. I know he's important to you. I want to kill him so bad for what he did, I'm still thankful na inalagaan niya kayo"
sabi niya

Napangiti ako at tumingala sakanya, sinalubong niya ang tingin ko. "Thankyou, Chris" bulong ko

Hinalikan niya ako sa noo.
"For what hmm?" painosenteng tanong niya habang nakangisi, alam niya naman kung para saan gusto lang niyang sabihin ko pa

Umirap ako "For helping us, for helping Angelo kahit na ang complicated ng set up natin, you're my husband and he's my uh..."

"Boyfriend" mapait na dugtong niya

"Yeah?" sagot ko dahil hindi ko naman alam na babalik pa kami, I was planning for an annulment.

"Not anymore" sabi niya at hinigpitan ang yakap sakin, ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa ulo ko, habang rinig na rinig ko naman ang tibok ng puso niya dibdib niya.

Natawa akong bahagya pero napaisip din

"Chris.., wala pa kaming closure" pag-amin ko.

"No need" mabilis na sagot niya

Tiningala ko siyang muli at sinamaan ng tingin

"What? don't look at me like that, baby. But really, there's no need to talk to him, sinuko ka na niya sakin" simpleng sabi niya at pumikit

Kumunot ang noo ko, ano? sinuko?

"Nag usap kayo?" takang tanong ko, nakapikit lang siya habang nakapulupot pa rin ang mga braso saakin.

"Yeah, your boy reached out to me. Aren't you curious kung bakit kami nakarating ng Japan?" simpleng sabi niya, like it wasn't a bigdeal

Nanatili akong nakatitig sakanya at naguguluhan, dinilat niya ang isa niyang mata para silipin ang reaction ko, kumunot ang noo niya ng makitang wala akong reaksyon, nakatingin lang sakanya.

Facing Fears Where stories live. Discover now