Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.
Nanigas ako at tila hindi na gumalaw sa kinatatayuan ko.
“Alam mo ang daya mo bestfriend!” halata ang lungkot sa boses niya at humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.
“Ano ba iyang pinagsasabi mo?” pagtatakang tanong ko sa kanya.
“Hindi mo man lang natandaan na araw ng friendship natin ngayon? Parati na lang ako ang nakakatanda…”
Ay patawarin na po. Makalimutin lang talaga ako na tao. Hindi ko naman sinasadya. At isa pa hindi naman talaga ako mahilig iyang magremember ng mga dates eh.
“Sorry,” hindi parin ako makatingin sa kanya nang bitawan ko ang salitang iyon. Nagi-guilty kasi talaga ako.
Nasampal ko na siya. Tapos isa pa to, nag effort siya para sa day namin as bestfriends ni ako wala man lang nagawa para sa kanya.
Nagkaayusan naman kami. Sumayaw muna kami kaunti at maya-maya sabi niya sa akin gutom na daw siya kakahintay sa akin kaya ayun niyaya niya na akong kumain.
Napakasarap ng hinanda na pagkain. Super!
Ang sarap ng greentea cheesecake nila. Sa totoo lang, wala akong sinabihan bukod sa Crazy twins na paborito kong dessert iyon. Hehe kaya hindi na ako nagtaka pa na iyon ang inihanda ni Drake.
Napakabait niya na kaibigan. Sobrang swerte ako bilang bestfriend niya.
Sa totoo lang nga ang gwapo niya ngayon. Dahil sa ayos ng kanyang buhok kitang-kita ko ang grayish eyes niya. Touch of a foreign talaga itong kaibigan kong ito.
Ito na naman ang puso ko.. tumitibok na naman ng mabilis. Bakit ba ito? Pwede bang rest ka muna heart? Hindi ako mapakali dahil sa iyo.
“Thank you,” napalingon ako sa nagsalita.
Andito kami banda sa railing kung saan makita namin ang buong view na kung ano makikita sa rooftop.
“hm?”
“Thank you dahil napakaswerte ko na nakilala kita at naging kaibigan kita,” sabi niya na hindi man lang tumitingin sa mga mata ko pero ako hindi ko matanggal ang pagtingin ko sa kanya.
“Eh? Ako nga dapat ang magsabi niya,” tumawa kami nang sabihin ko iyon.
Tumahimik bigla pero nagsalita ako.
“Thank you… thank you for making me feel I’m special kahit bestfriend mo lang ako,” ako na naman ang hindi tumingin sa kanya.
Napansin kong siya na naman ang napatingin sa akin. Hindi na ako nagsalita pa ulit.
Nakaramdam na lang ako na may mga kamay na bumalot sa akin mula sa likod. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
Ang sweet ng bestfriend ko noh? Kaya minsan napagkakamalan nga kami na boyfriend at girlfriend pero ang totoo niyan bestfriend lang talaga kami. Pero ano ba talaga itong nararamdaman ko? Bakit parang ang bilis ulit ng tibok ng puso ko.
“Happy friendsmonth sa atin bestfriend,” mas hinigpit pa niya ang yakap niya
“Happy friendsmonth rin bestfriend!”
Maya-maya hinatid niya na ako sa room. Sabi niya I can stay here for the night. Sinabihan niya na rin daw sina Mama at Papa. Aalis na sana siya pero pinigilan ko ang pag-alis niya.
“May problema?” tanong niya sa akin.
“Wala akong naibigay sa iyo. Tapos ikaw itong sobra-sobra ang binigay,” sabi ko sa kanya nakayuko.
“Hm, may isa akong gusto kong gawin mo?” napaangat ako ng ulo ng wala sa oras.
“Ano iyon?” tanong ko sa kanya.
“Kantahan mo ako ng Thinking Out Loud by Ed Sheeran…” nagtaka ako sa kanyang hiningi. Uhmm.. kakanta ako? Ahh..
“Alam kong kumakanta ka Cass… patago nga lang pero naririnig ko boses mo,” sabi niya sa akin. Pumasok siya ng kwarto at umupo sa bed ko. Kinuha ko yung gitara na nakalagay sa tabi ng higaan. At nagsimulang magstrum.
“Matanong lang, bakit ito na kanta? Ang baduy naman,” tukso ko sa kanya.
“Kantahin mo na lang…”
Sinumulan ko na ang pagstrum ng gitara at pagkatapos ay kumanta.
Hindi naman talaga siya baduy. Sa totoo lang isa ito sa top list ko ngayon. Mabuti na lang alam ko ang chords ng kanta na ito.
Nang matapos na ako ay may kinuha siya mula sa kanyang bulsa.
“Close your eyes,” utos niya sa akin
“Ano?” pagtatakang tanong ko..
“Sige na! Dali na,” sinunod ko na lang ang ginawa niya. Naramdaman kong itinabi niya ang buhok ko sa right side ko at may nilagay sa leeg ko. Napansin kong isang necklace ito.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang cute na pendant nito. Isang note. Music note. He really knows me well.
“Wow! Ang ganda naman nito,” sabi ko habang pinagmamasdan parin ang pendant.
“Kasing ganda mo!” bola niya sa akin.
“Haay ! Ikaw talaga! Salamat bestfriend,”
Maya-maya umalis na talaga si Drake at naiwan ako sa kwarto ko.. Tulala at hindi alam kung anong gawin.
Napahawak na lang ako sa necklace na bigay niya sa akin. Ito na naman itong puso kong tumitibok ng mabilis.
Ito na ba iyon? Pero kaibigan lang naman ang tingin niya sa akin at sigurado akong may gusto siyang iba. Kaya ko bang i-risk ang lahat?
Ang connection.
Friendship.
Memories.
Para lang sa LOVE na nararamdaman ko?
O hahayaan kong maging kaibigan niya lang ako habang buhay?
Bakit pa nga ba ako na-inlove sa bestfriend ko?
♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥
Thanks for reading~
Leen-chan ❤ 12-24-2014
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 3 ~ Close Enough
Start from the beginning
