Red String 3 ~ Close Enough

Start from the beginning
                                        

Umupo ako ng maayos pero masakit pa ang ulo ko. Sila ba ang kumidnap sa akin? Pero wow!

Ang bongga ng pagkaka-kidnap ah. Sosyal ng lugar parang nasa isang hotel room kami. 

“Magbihis ka na,” ma-awtoridad na sabi sa akin ni Crae. Napatingin lang naman ako sa kanya pero halatang iniiwasan niya ang tingin ko. 

“Bakit hindi mo ako matignan-tignan sa mata Crae?” pagtatakang tanong ko sa kanya pero tumalikod siya para iwasan ako at ang tanong ko.

May binigay na paper bag sa akin si Zy. Pagtingin ko ang laman nito ay sapatos at isang napaka-sosyal na damit. 

“Para saan ito?” taas kilay kong tanong sa kanila pero pareho nilang iniwasan ang tanong at kanya-kanyang umalis ng kwarto.

Para saan naman kaya ito? Sige na nga. Iisipin ko na lang na dahil sila ang kumidnap sa akin ay dapat making ako kundi mamatay ako ng wala sa oras. 

Nag-ayos ako. Naligo muna ako pagkatapos inayos ko ang buhok ko. Hindi naman ako bobo. Sosyal ang damit kaya dapat magmukhang tao rin ako. Pagkatapos ay naglagay lang ako ng kaunting pulbo sa mukha at lipgloss. Hindi naman ako maarte eh. 

Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto at pagkalabas ko ay sumalubong ang daan na puno ng rose petals. 

Teka, ano ba talaga ang gimik ng twins na ito?

Sinundan ko ang daan at it lead me to the rooftop.

 Narinig ko ang music na nagple-play.

 She Will Be Loved by Maroon 5.

 Napakagandang music. Nakakainlove dahil sa beat nito at sa violin nito. Niraramdam ko muna ang flow ng music. Sobrang relaxing. 

Napansin kong hindi lang pala ako nag-iisa dito sa rooftop. May lalaki akong nakita na nakatingin sa tanawin na nakapaligid sa amin. 

Kung pagmamasdan mo, ang ganda ng view. Dahil nakikita mo ang mga building. Yung iba’t ibang ilaw nito at ang napakagandang langit. Clear sky. 

You can really see the stars. 

Ang ganda tignan ng mga stars. Yung para bang sabay-sabay silang nagtwi-twinkle? Ang ganda tignan sobra.

Napakaromantic naman ata ng atmosphere dito. Sino ba kasi itong lalaking ito? Kailangan ko pang pumunta kanila Drake. Sigurado akong mas galit iyon dahil hindi man lang ako nag greet.. Isa pa sinampal ko siya.

Humarap na yung aninong lalaki na kanina ko pa nakikita, pero kahit na humarap na siya hindi ko parin makita kung sino ito dahil natatabunan ng kadiliman ang kanyang mukha.

Noong natamaan na ng ilaw ang kanyang mukha parang huminto sa pag-iikot ang buong mundo. Bumagal ang bawat galaw niya. Walang ingay na naririnig except sa pintig ng puso ko. Hindi ko nga maintindihan dahil para bang hindi ako makahinga. Parang nauubusan ng hangin ang buong mundo. 

“Drake, anong kalokohan ito?” hindi ko mapakaling tanong sa kanya. Pero tinignan niya lang ako ng diretsahan sa mga mata ko. Kaya mas humigpit ang damdamin ko. Ewan ko nga bakit ko ba ito nararamdaman?

Rooftop scene. 

Candlelight dinner. 

Roses everywhere.

Sweet song.

Romantic aura.

Close distance. 

Lord, pwede na akong mahimatay sa ganitong oras. Sige na ho, pagbigyan niyo ako.

 “Drake?” hindi ako makatingin sa mga mata niya ng diretsahan dahil ninenerbyos ako tuwing tatama ang paningin naming dalawa. 

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now