Umupo ako ng maayos sa kama at hinarap sa sarili ko ang salamin.
“Masakit ba talaga ang sampal ko?” tanong ko uli ngayon na kaharap ang reflection ko at baka sakaling sasagot.
Pero ilang Segundo ang nagdaan, ni isang salita walang binitaw ang reflection ko.
Kaya napagdesisyunan kong sampalin ang sarili ko, ngunit bago ko pa man magawa iyon, biglang bumukas ang pinto at dahil sa laking gulat ko ay natumba ako mula sa aking kama.
“Anak? Cassy! Anong nangyari sa iyo?” pag-aalalang tanong sa akin ni Mama ng alalayan niya ako makaupo uli.
“Ma, masakit ba ang sampal ko?” hindi nakasagot si Mama sa tanong ko. Siguro nagulat siya sa tanong ko.
“Ha? Anong sinasabi mo nak?” oo nga.. nagulat nga siya..
“Eh kasi…”
“Eh kasi ano anak? Sige ikwento mo lang iyan…” sabi naman ni Mama.
“Eh kasi po nasampal ko si Drake,” bigla na lang ako nakarinig na may nahulog na bagay na nabiak.
“MA! FAVORITE JAR KO IYON! BIGAY YUN NI DRAKE!!” biglang sigaw ko.
“Ay sorry…”
Tumahimik ang buong kwarto ko..
Nagbuntong hininga na lang ako. Haaay ano nga ba naman ang magawa ko. Nangyari na ang nangyari. Magsorry na lang ako sa kanya bukas.
“Anak, may nakalimutan ka ba ngayong araw na ito?” pagtatakang tanong ni Mama habang nakatingin siya sa labas ng bintana.
Napaisip naman ako ng maayos. Pero walang pumapasok sa isip ko..
May nakalimutan nga ba ako? Parang wala naman ata.
“Hmm.. ngayong araw? Wala nama--OH MY! MA! SALAMAT HO!!” bigla akong napatayo at kinuha ko ang jacket ko at ang bonnet ko.
Bakit ngayon ko pa ito nakalimutan?
“SAAN KA PUPUNTA?” biglang tanong ni Papa ng makababa na ako mula sa kwarto ko.
“Hayaan mo na yan darling..” nagwink lang sa akin si Mama at nagsabi naman ako ng ‘thank you’ na hindi na nilakasan at dire-diretso ng umalis ng bahay.
Takbo lang ako ng takbo..
Hanggang sa namalayan ko na naka-shorts pala ako pambahay at naka bunny slippers pa ako.
Babalik pa ba ako?
Huwag na! Nakalimutan mo na nga ang araw ng friendship niyo.. aalahanin mo pa ang look mo?
Hindi mo lang naman ako winarningan!
Bakit? Kasalanan ko ba na makalimutan mo?
Hindi.
Eh hindi naman pala. Edi tama lang.
Binilisan ko na ang takbo ko hanggang sa bigla na lang may humablot sa akin. May nilagay sa mata ko at bibig ko at hindi ako mapakali.
Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.
♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥
Nagising ako sa liwanag na nahagilap ng aking mga mata.
“Hala! Gising na siya,” na-recognize ko agad kung kaninong boses iyon. Walang iba kundi si Zy.
So it means andito rin si Crae.
“Ah basta wag mo kalimutan. Gawin na natin ito,” sabi naman ni Crae.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 3 ~ Close Enough
Start from the beginning
