Red String 3 ~ Close Enough

Start from the beginning
                                        

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥ 

 Recess na namin sa hapon ngayon. Wala akong nakikita na Crazy Twins at kahit si Drake. Hindi sila nagparamdam.

 Oh no! Baka galit yung lokong iyon sa akin? Eh… kasalanan naman talaga nila iyon eh! Kung hindi lang nila ako pinagalit ng husto. Arghh.

 Na-gi-guilty tuloy ako! Kainis naman oh.

Siguro mag-isa na lang talaga akong uuwi nito mamaya. Haaay. 

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥ 

Last class na namin for the day.

 Kasama ko ang Crazy Twins and si Drake sa klase ko. Pilit kong magpapansin sa dalawang twins pero walang epekto.

 Pati ba naman sila? Eh hindi ko naman sila nasampal eh!

 Eh kasi, sinampal mo ang hari ng mga puso nila.

 Hari ka diyan! Eh iisa ba sila ng damdamin? Kung anong maramdam ng isa, ramdam nilang dalawa?

 Malay mo…

 ARGHHH! Nagiging baliw na ako.

 Hindi ako nakikinig sa kung ano man ang tinuturo ng teacher na nasa harapan. Katabi ko si Drake. Uhmm.. sa totoo niyan eh space lang ang nagpalayo sa aming dalawa.

 Haha space daw oh..

 Che! Tumahimik ka nga diyan.

 Yun na nga, pilit ko ring tignan sa mga mata si Drake kaso ayaw talagang tumingin rin sa akin.

 Nakuuu galit ba talaga siya sa akin? Ganun ba kasakit ang sampal ko?

 Sa sobrang curious ko eh sinample ko ang sarili ko, which caught our teacher’s attention.

 “Ms. Blue!” tawag sa akin

 “Yes Ma’am?” agad kong sagot at napatayo bigla.

 “Inaantok ka ba sa klase ko Ms. Blue?” taas kilay na tanong sa akin ng teacher.

 “Ho? Hindi po,” sagot ko.

 “Hindi? Eh bakit pinagsasampal mo ang sarili mo diyan Ms. Blue?” narinig kong natawa ang mga kaklase ko pero si Drake hindi man lang kumibo. Ugh. Galit nga talaga siya.

 “Eh kasi po.. Tine-test kop o kung talaga bang masakit ako manampal?” biglang umingay ng tawa ang buong klase. 

Geez. Hindi naman talaga nakakatawa yung sinabi ko diba?

 Biglang tinaas ni Drake ang kanyang kamay at tumayo.

 “May I excuse myself Ma’am?” tanong niya sa guro namin.

 “Yes Mr. Guerra,” tawang sagot ni Ma’am.

 May-maya sumunod rin ang Crazy twins. 

Naiwan ako sa isang klaseng parang mga loka-loka dahil tawa parin sila ng tawa.

 This day keeps better and better.

 ♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

 Kakauwi ko lang galing school. Dumiretso agad ako sa kwarto ko dahil wala akong gana makipag usap kaninuman. Baka mas masira lang ang araw ko dahil sa mga taong andito sa bahay.

 Humiga lang ako sa aking kamay at napatingin sa kisame.

 “Masakit ba talaga ang sampal ko?” tanong ko sa sarili ko. 

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now