Red String 2 ~ Strangers to Bestfriends

Magsimula sa umpisa
                                        

“Ang buhay mo? Ang daya mo naman at buhay ko lang ang pinag-uusapan dito,” sabi niya.

 Tinignan ko siya. Nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay habang nakapatong ito sa railings.

 Sa totoo niyan, andito lang naman kami sa tuktok ng Lux University kung saan tanaw mo ang buong lugar. At may direktang view sa araw.

“Oh ano na?” sabi niya at tumingin diretso sa mga mata ko. Hindi ko iyon inexpect na titingin pala siya kaya pinutol ko agad ang tingin na iyon nang tumingin ako sa ibang direksyon.

 “Simple lang buhay ko,” sagot ko sa kanyang tanong.

 “Iyon lang?” pagtatakang tanong niya.

 “Oo,” sagot ko uli.

 Hindi na ako nagsalita pa muli at nakarinig na lang ako ng buntong hininga.

 Naramdaman kong lumalakad na siya papalayo sa akin. Kaya humarap ako sa kanya at tinanong, “Saan ka pupunta?”

 “Sa klase natin. Malelate tayo kung hindi pa tayo aalis,” napatingin naman ako sa relo ko. Tama siya. Ilang minute na lang at magsisimula na ang klase namin. 

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥ 

Arggh! Ano ba ito! Bakit hindi ako maka-concentrate!? Hindi naman mahirap ang mga problems na ito, pero bakit parang ang hirap sagutan! Nakakainis na ha!

“Huuy! Cassy, ok ka lang?” napalingon naman ako sa nagtanong sa akin. Kaklase ko.

 “Ah, ako? Uhm, ok lang,” sabi ko naman sa kanya na nakangiti.

 “Sigurado ka?” tanong niya ulit sa akin.

Tumango lang ako at binali uli ang aking atensyon sa notebook ko. 

AHHHH!  BAKIT BA ANG HIRAP?!

Napatingin ako sa aking paligid at nahagilap ng aking mga mata si Drake. Ah, napakadali lang sa kanya ito, sigurado ako.

Haay, iba talaga kapag nasa S Class ka. Nagulat na lang ako ng biglang tumingin siya sa akin. Kaya sa halip na iwasan ang tingin niya nag “hi” na lang ako.

“Miss Blue! Please focus your attention to your paper,” biglang warning sa akin ni Ma’am. 

“Ah yes Ma’am,” geez. 

Tinignan ko uli ang aking papel hanggang sa dumilim ang aking paningin at para bang nawalan na lang ako ng malay.

 No.

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

“Cassy?” narinig ko ang boses ni Crae na nag-aalala. Pilit kong imulat ang aking mga mata para makita kung saan ako ngayon.

 Nasa clinic pala ako. Ah. Oo nga naman pala, nawalan pala ako ng malay.

“Cassy, ok ka lang ba? Kumain ka naman kanina diba? Bakit ka nahimatay?” tanong naman ni Zy, na may maiyak-iyak na boses.

“Haha ewan ko. Hindi ko nga napansin na nawalan na pala ako ng malay,” tawang sabi ko. Pilit kong ngumiti at tumawa para mawala ang pag-aalala nila. Nakita kong mas nainis sila sa pilit kong ngiti at tawa.

“Hindi lahat ng bagay madadala sa ngiti at tawa…” napalingon ako sa nagsalita. Si Drake.

“Magpasalamat ka kay Drake, Cass. Siya lang naman ang nagdala sa iyo dito sa clinic. Noong bigla ka na lang matumba agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at binuhat ka papunta dito,” lumaki ang mga mata ko sa narinig kong kwento ni Zy. Hindi ako makapaniwala 

“Ah, salamat Drake,” sabi ko ng hindi man lang nakatingin sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko at sinabi…

“Magpagaling ka.”

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

 Uwian na. Grabe ang rami rin palang nangyari ngayong araw na ito. Hindi ko man lang napansin. 

Pasakay na sana ako ng masasakyan ng mahagilap ng aking mga mata si Drake. 

“DRAKE!” sigaw ko ng kanyang pangalan. Buti na lang at narinig niya ako at hinarap ako.

Lumapit ako papalapit sa kanya at siya naman din. 

Ngumiti lang ako. 

“Hm?” sabi niya.

“Salamat!” sabi ko at binigay ang token of gratitude ko. 

Sabi ko kasi kay Crae na bilhan niya ako ng ingredients for cookies. Dahil pwede magluto sa aming cooking room kaya nagluto ako ng cookies para kay Drake. Sabi pa nga ng twins, inggit daw sila sa akin kasi parang ang close ko daw kay Drake. 

Hindi ko rin alam. Magaan lang talaga ang loob ko sa kanya.

“Cookies?” kumikinang na tanong ni Drake. Haha nakakatuwa tignan dahil parang yung sa mga anime, may laway na sa gilid ng bibig tapos may stars sa mata. Haha.

“Yep! Ako ang nagbake niyan. Salamat ha! Salamat sa lahat,” sabi ko sa kanya na hindi man lang uli tumitingin sa kanya 

“Walang anuman. Sige, salamat rin dito ah?” tumango lang ako at hindi tumingin sa kanya.

Naramdaman kong paalis na siya. Kaya tinawag ko uli ang pangalan niya…

“DRAKE!” 

“ANO?” sigaw rin niya

 “BESTFRIENDS NA TAYO?” napahinto siya sa paglalakad niya at tila ba may nakitang multo sa harap.

 Tumakbo siya papalapit ulit sa akin at bigla niya akong niyakap.

Nagulat ako sa ginawa ni Drake. Hindi rin ako makagalaw sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

 “So, is it a yes?” tanong ko sa kanya ulit.

 “Yes,” sagot niya na may ngiti.

 “Thank you,” pahabol niyang sabi.

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na pumayag kang maging kaibigan ko,” sabi naman ni Drake sa akin.

Ang baduy niya pakinggan pero alam ko naman, simula pa lang. Kailangan niya ng kaibigan at kailangan ko rin ng isa, maliban nila Crae and Zy.

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

 

                                Thanks for reading~

                                        Leen-chan ❤ 11-04-2014        

 

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon