“HAAA?” napasigaw ako sa gulat.
OMG! Don’t tell talagang kanina pa ako nakatingin sa kanya. Hindi ko man lang napansin. Nakakahiya naman.
Nagpaalam ako sa kanila at nauna nang pumunta sa klase.
Hindi maalis-alis sa isip ko. Bakit kaya napunta sa aming klase si Drake? Hindi naman siguro siya naging isang delinquent diba? Oh hindi kaya, ampon lang siya? O kaya--
“Aray ko naman!” biglang sabi ko noong natumba ako bigla. Geez. Bakit kasi hindi tumitingin sa daan?!
“Sa susunod kasi hindi kahit saan nakatingin, ok ba Miss Cassy?” napaangat ako ng ulo ng ma-realize ko kung kaninong boses iyon.
“Ah sorry Drake,” sabi ko ng hindi man lang tumitingin sa kanyang mga mata. Nakarinig ako ng mahinhin na tawa mula sa kanya kaya naman na bali atensyon ko ulit sa kanya.
“Masyadong maraming iniisip ba kamo? Gusto mo ng kausap?” Hm! Sabihin mo ikaw yung gustong may kausap! Eh halata naman eh. Hindi na ako tumanggi at pumayag na lang na makasama siya.
♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥
“Drake, saan ba tayo pupunta?” tanong ko uli sa kanya. Kanina pa niya ako hinihila sa lugar na hindi naman ako kabisado. Ano ba kasi talaga ang balak ng lalaking ito?
Oh no! BAKA RAPIST TONG SI DRAKE?!
Wag po! Para lang ito sa taong magpapatibok ng puso ko! Maawa naman po kayo.
“Huuy! Kinakausap kita! Sabi ko andito na tayo,” nabigla na naman ako ng nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko.
Nang umalis si Drake sa harap ko, nakita ko ang isang napakagandang view. Yung view na pag titignan mo ay nakakarelax sa mata. Yun bang para kang nasa isang fantasy world.
“Ang ganda naman dito,” sabi ko.
“Alam mo ikaw pa lang ang dinala ko dito,” napatingin ako kay Drake ng bitawan niya ang mga salitang iyon.
“Huh? Anong ibig sabihin mo?” pagtatakang tanong ko sa kanya.
“Hindi naman kasi talaga ako mahilig makipagkaibigan eh. Isip nila na, isa akong Guerra, bawal ang ganito at ganyan…”
“Hindi ba nakakasakal ang ganoon na buhay?” tanong ko naman sa kanya.
“Sobra. Minsan nga hinihiling ko na sana nabuhay na lang ako ng normal. Na sana…”
“May mga bagay talagang nangyayari sa buhay na minsan ayaw natin pero kailangan nating tanggapin na parte ito ng buhay,” sabi ko naman sa kanya.
Biglang tumahimik. Walang umimik sa aming dalawa. Hindi ko pinansin ang katahimikan at sadyang pinagmasdan ang napakagandang tanawin.
Sa totoo lang hindi naman rin maayos ang buhay ko ngayon. Simple lang naman buhay namin, pero kahit simple mahirap rin. Kung pakikinggan niyo kami pamilya parang may kaya kami sa buhay pero ang totoo niyan, lubog kami sa utang. Si Ate, kakamatay niya lang noong isang taon pero tila hindi na iniisip nila mama at papa. Si Ate lang yung parating karamay ko.. Siya yung tagapagtanggol ko.
At isa pa to.. itong nararamdaman ko.
May mga bagay talagang hindi mo inaasahan na darating sa buhay mo dahil kusa lang itong pumapasok na wala man lang warning na paparating na ito.
“Ikaw?” ang salitang bumasag ng katahimikan namin dalawa ni Drake.
“Ako? Anong ako?” litong tanong ko kay Drake.
ESTÁS LEYENDO
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 2 ~ Strangers to Bestfriends
Comenzar desde el principio
