Chapter 30 : Comeback

206 7 8
                                    


Knock! Knock!

Who's there??

Comeback!

Comeback who?

"Comeback tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito."

Hahah. Corny!!! :D

AUBREY

-

Hindi ko inaakalang makakabalik pa ako sa magandang unibersidad na ito. Na maipagpapatuloy ko pa ang pag-aaral ko. Hangad ko lang naman ay makapagtapos at dito ko pinangarap na makatapos. Imposible ngunit naging posible.

"Hey miss," harang sa akin ni kuya guard. Kaya agad kong ipinakita sa kanya ang ibinalik na id sa akin at scholarship form na inihanda ko na dahil alam kong haharangan na naman niya ako.

Kilala na ako ni kuyang guard dahil sa pasaway kong pagkatao na minsan ay pumasok akong naka tsinelas at nagdrama sa kanya ng maiwan ang id at isa pa, napapagkamalan pa akong yaya. Haist.

Pagkapasok ko ay natuwa ako ng makita ko sina Shai, Jaymie at Angel. Kinawayan ko sila at ng makita nila ako ay agad akong tumakbo.

Na-miss ko sila. Halos isang linggo din kasi akong nawala. Mabuti nalang at hindi pinatagal kundi baka andami ko ng hahaboling lesson.

"Seryoso ba to? As in babalik ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Shai.

Tumango ako at nginitian siya. "So ibig sabihin nito kompleto na ulit tayo?" sabi ni Angel.

"Dahil kompleto na tayo ay dapat may celebration." sigaw ni Jaymie. Na niyakap kaming tatlo.

"Pizza! Pizza! Pizza!" sigaw ni Shai. Kaya inaya nila akong mag pizza. Nagpunta kami sa pizza store na kung saan ay nasa loob lang naman ng school campus.

Ngunit hindi ko inaasahan na sa araw ng pagbalik ko ay makikita ko agad ang tatlong lucky girls. Kakapasok lang nila ng store habang kumakain kami ng mapatingin sa direksyon ko si Renalyn. Alam kong nakita niya ako dahil sa reaksyon ng mukha niya.

Bigla nalang lumabas si Anjely at naiwan sina Eloisa at Renalyn na nakikita kong papalapit sila sa direksyon namin. "The monster here, tara na girls." sabi ni Angelyn.

"The 3 idiot ladies." dugtong naman ni Shai at kaya tumayo na kami para sana umalis at umiwas sa kanila kaso humarang sila sa daan namin.

"And where are you going?" sabi ni Eloisa sa amin.

"Excuse me! Can you please give us way." laban ni Jaymie.

"Shut up!" sigaw ni Renalyn na nakakuha ng atensyon ng iba.

"Your back stupid girl." ang sama ng tingin niya sa akin. "Hey guys,"  inagaw niya ang atensyon ng lahat. "Did you know this girl?" turo niya sa akin. "Ito lang naman ang babaeng nagkalat at kumuha ng video scandal ni Anjely. She was kick out in our school but I don't know why she's here again. Iba naman talaga ang mga feelingera."

"Pwedi bang wag kang gumawa ng eskandalo dito." sabi ni Jaymie pero hindi siya pinansin. Hinila ko nalang siya para umiwas na kami at hindi nalang pinansin ang sinabi ni Renalyn. Ngunit sinapid niya ang paa ko na naging dahilan para matumba ako at pagkatapos ay pinagtawanan. Agad akong tinulungan ng mga kaibigan ko.

Napatingin ako kay Renalyn. "Ay, sorry." sabi niya at nginitian ako.

"Ano ba, sumusobra kana ah." sigaw ni Shaina na sinugod siya.

"Opps, maybe I use ball in playing but not in fighting." sabi niya at kaya nagtawanan ang ibag nasa paligid na nakarinig.

Pagkatayo ko ay hinila ko na ang mga kaibigan ko para lumayo. Ayoko ng gulo. Ayoko makipag-away.

The Lucky 6 and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon