Chapter 14: Taong Poste

412 19 4
                                    

Chapter 14: Taong Poste

A/N:

Have you build a Snowman?

haha. Gagawa tayo ng taong Nyebe.

Naalala nyo ba si Anna sa "Frozen"?

Yung kanta nyang "Let It Go?"

Wala lang. Naitanong ko lang.

Wala naman syang kinalaman sa Chapter na ito. Haha

Kung may taong Nyebe.

Ngayon, meron naman tayong Taong Poste . haha :p Uso mantrip.

Pls. Comment. I need all your reaction about this story. Positive or negative comment are all accepted.

Enjoy reading.

Kuya Mart.

***~

-Aubrey-

Pagkalabas ko galing sa office ni Ms. Danielle ay naglakad na ako papunta sa klase ko. Nang mapansin kung hindi ko dala yung libro kanina at naalala kung nailapag ko ito sa mesa dun sa Principal Office. Kaya mabilis akong tumalikod para sana bumalik. Kaso pagkatalikod ko ay bumangga ako sa isang poste. Malambot na poste. Ma batong poste. Hindi poste ng meralco. O poste ng eskwelahan. Kundi poste. Katawan ng isang lalaki. Matangkad na lalaki. *^_^*

*tugs*

Dahan dahan kung iniangat ang aking ulo. Nang naitulak ko nalang sya bigla ng makita kung nakangising nakatingin lang sya sa akin. Tao pala? Akala ko poste. Nge. :D

"s-sorry!" ang sabi ko at mabilis na tumalikod para iwasan sya.

"t-teka!" pigil nya. Kaya napahinto ako. Ano na naman mangyayari sa akin ngayon? Patay na naman ba ako? Haist!

"Aubrey, is that you?" Nanlaki ang mga mata ko ng banggitin nya ang pangalan ko.

Kilala nya ako? Sino ba sya? Bakit nya ako kilala? Do I know him?

"Aubrey.?" ulet nya at ng lingonin ko sya ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Si . . .

"Cj?" pagtataka ko.

"Yes, it's me at ikaw nga, My little toy." nakangising sabi nya.

My Little Toy? Tsk! Hindi parin sya nagbago. Mapang-asar parin. Yan ang tawag sa akin ni Cj dati nung nasa elementary pa kami. Siya ang lalaking nambu-bully sa akin. Laroan daw nya ako. Siya ang laging nagpapaiyak sa akin. Tinatago yung bag ko at nambubwesit sa akin araw araw. Naging kaklase ko sya simula grade 2 hanggang grade 4. Akala ko makakaiwas na ako sa kanya pero hindi pa pala. Nagpatuloy iyon hanggang sa makagraduate kami ng Elementary. Masaya na ako ng wala na akong balita sa kanya . Tas ngayon? Babalik sya?

Si Cj ay pinsan ni bestfriend Pj. Pagkaalam ko ay super close sila. Kaya akala ko dati ay magkapatid sila. Makulet si Cj , ibang iba sya kay Pj. Kaya kahit na pinagsabihan na sya ni Pj na tigilan na ang ginagawa sa akin ay hindi parin nya tinigil.

Ngayong nagbalik sya. Huwag nyang sabihing bubwesitin nya ulet ang buhay ko?

"I miss you." sabi nya.

Yuck! He miss me? Eww! Ako? Hindi ko sya na miss. Na bwesit lang ako na nakita pagmumukha nya.

"Oy sorry! Are you still angry to me? Hindi mo pa ba ako napatawad?" ang sabi nya ng tiningnan ko lang sya na may pagkainis.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now