Chapter 10: He Talk To Stranger

525 28 8
  • Dedicated to Janine Aubrey Pernito
                                    

-Aubrey-

Naglakad ako sa hallway, pauwi na sana ng makasalubong ko sina Shaina , Angel , at Jaymee na nagtatawanan at nagulat ng makita ako.

"Hey Aubrey, bakit ka biglang nawala kanina?" ang tanong ni Shaina.

"ahmm... so-Sorry! may emergency lang kasi." ang pagsisinungaling ko sa kanila. 

"ah ganun ba? By the way, pauwi na kami. Baka gusto mong sumabay." muling tanong nya.

"ah! ahm . . . wagna! May dadaanan pa kasi ako." ang sabi ko kaya nagpaalam na sila pero bigla akong nagulat ng bigla silang humalik sa pisngi ko.

Nagulat ako at nahiya sa ginawa nila tsaka sila nagpaalam at umalis. Yung mga kadalasan kung nakikita sa mga mayayamang estudyante dito bago umuwi na nag besobeso ay ginawa nila sa akin. Nahiya ako kasi hindi naman ako sanay sa ganun.

Pinagmamasdan ko lang sila habang papalayo sa akin at ng makalayo ay nagpatuloy na ako sa paglalakad ng mapansin kong sira na yung sapatos ko. 

Hahay! Kung kelan ako pauwi tsaka naman nasira. Hindi man lang ako pinauwi muna sa bahay. Hahay! Luma narin kasi ito, gamit ko na ito ng ilang taon. Pinagtatyagaan ko lang kasi  wala naman akong perang pambili ng bago.

Paano ba to? Hahay! Tinanggal ko na yung sapatos ko at napaupo sa tabi sa may semento. Sinubukan kung ayosin kaso sira na talaga sya. Tanggal na yung apakan kaya tinalian ko nalang para magamit ko kahit hanggang sa bahay lang. Wala naman siguro makapansin tsaka pake nila kung makita nila. Baka made in Marikina to, matibay kaya ito. Kaya ilang taon ko din nagamit,.

Pauwi narin naman ako kaya tumayo nadin ako at naglakad. Titiisin ko nalang tsaka malapit na lang din naman ako. Kaya pwedi pa ito.

Bigla ko natanaw si Levi na paparating. Napahinto ako habang pinagmamasdan sya papalapit sa kinatatayuan ko. Nakasimangot, hindi man lang nagawang pansinin yung mga estudyanteng nag-Hi sa kanya. Napakasungit talaga ng lalaking to. Kung siya ba naman tuturuan ko, parang wag nalang. Hindi sya deserving para e-tutor ko. Akala ko pa naman, matalino. Tsk! Yun pala, porma lang. Gwapo sana, bobo naman pala. Hay! -,-

Tsk! Pero ano kaya problema nito? Namatayan? Hindi naman ata! Napaaway? abay ewan! O baka naman, Broken hearted? Kanino? Tsaka broken hearted? Wala naman atang salitang ganyan sa vocabulary nya. Hay!

Kaya hindi ko nalang sya pinansin at naglakad na. Nakasalubong ko sya at dumiretso lang sya. Tsaka sino nga ba naman ako para pansinin nya? Tsk! Ewan ko ba at bakit ang init ng dugo ko sa kanya. Kapag nakikita ko sya. Eh hindi naman nya naalala yung kasalanan ko sa kanya. Abay ewan. Bahala na nga sya!

Nang maglakad na sana ako, natanggal yung tali kaya nabwesit ako at tuluyan na akong nagpaa, para hindi na ako mahirapan dahil sa natanggal na talaga yung paahan ng sapatos ko kaya binitbit ko nalang ito.

"Hey wait!"

napalingon ako ng marinig iyon. Pagkatingin ko, nakita ko si Levi na nakatingin sa sa paa ko.

"Yes?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ka nakapaa?" bigla nyang tanong. 

"Eh pake ba nya kung nakapaa ako? Affected ba sya? " nasaisip ko.

Tsaka, teka nga. Is it real? Kinausap nya ako? As in? Oh my God! Akala ko ba hindi sya nakikipag usap sa hindi nya close? Anong nakain nito? Nauntog ata,!

"ahnmm. Trip ko! Bakit? Masama? Masaya kaya naka paa. Try mo!" ang bigla kung sagot at nginitian sya. Hindi ko na alam kung ano ang pinagsasabi ko at natatawa nalang ako sa mga lumabas sa bibig ko.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now