Chapter 1: The Start / First Day of School

1.1K 41 8
                                    

Laaaaaattttteeeeee Nnnnaaaa Aaaaakkkkkkoooo!!!!!!!

Tumakbo ako palabas sa bahay namin. Malaki sigurong advantage sakin na walking distance lang ang bahay ko sa school namin. Pero mas malaking disadvantage sakin na paglate akong nagising ang walking distant na school sa bahay namin ay kailangan kong takbuhin at kahit gaano pa kabilis ang takbo ko palagi parin akong late. Hay!

Anyways I'm Aubrey Morales and this is my first day of school being a Senior High School which is sad to say, late na ako.

Tumingin ako sa watch ko ahm 10 minutes to go masasaraduhan na ako ng gate!! 

BEEEEP BEEEEP!!!!! 

"Ay tipaklong" napasigaw ako. Napatingin ako sa likod ko na kung sino man yung napakawalang manners na bumusina sakin kaya lang... 

"BESTFRIEND! nakaharang ka sa daan!" 

Natigilan ako,lumingon ako yun nga nakita ko si Paul John "PJ" Salvador ang bestfriend ko na nakasilip sa bintana ng car nya na tumatawa siya sa akin at ako naman kinilig din. HAHAY! Heaven!

"Good Morning bestfriend",bati niya sa akin. 

Teka baka nagtaka kayo kung bakit BESTFRIEND ang tawag namin sa isa't isa matagal na kasi namin kilala ang isa't isa simula preschool naging classmate ko na siya at hindi pa yan naging crush ko din siya. Ang gwapo kasi ni PJ Salvador ang bestfriend ko. At siya din yung rason kung bakit ako nag-aral dito sa ACADEMY UNIVERSITY SCHOOL kung saan puro mayayaman ang mga nag-aral.

Siguro nagtataka kayo kung paanong ang isang katulad kong mahirap eh nakapag-aral sa school na ito. Every year kasi nagbibigay sila ng scholarship dun sa mga incoming freshmen na nagtatake ng entrance examination. And thank's kay God at ako nga ang nakakuha ng scholarship. Kaso kailangan kong maging assistant student sa school namin. Okey na din yun kaysa naman magbabayad pa ako ng tuittion fee. At kailangan ko din emaintain yung grade ko para hindi mawala yung scholarship ko.

Anyways ang tagal ko din hindi nakita ang bestfriend ko na si PJ,, simula kasi nung nag highschool hindi na kami nagkikita. At sa school naman namin hindi din ako makakalapit sa kanya kasi kung hindi siya pinapaligiran ng mga girls sa school namin eh palagi nyang kasama yung mga L6.

"At bat grabe ka naman makatakbo dyan?" sabi ni PJ sakin. 

Late na ako eh! Ikaw kasi naka kotse.Binuksan nya yung door ng car nya pinasakay nya ako,

"sabay na tayo sabi niya.. ."

" ha? " O\.\O

"First day ng school natin late ka!! kawawa ka naman sumakay kana.." 

wala na akung choice kundi sumakay nalang ako katabi nya Ayieeeh,kilig much !!! 

Three minutes lang nakarating na kami sa school and as expected madami na namang nakaabang na students sa school namin. 

Ou nga pala isa sa mga L6 ang kasama ko kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit madaming tao. Si Paul John Salvador is known as ROMANTIC PRINCE at isa syang vocalist sa school namin. 

"Let's go",sabi ni PJ sakin. 

"Ha, Panu tayo bababa ?" 

"Basta diretso ka lang sa paglakad OK!!" 

Tumingin ako sa bintana ng kotse dirediretso lang, naisip ko makakalabas pa kaya ako dito ng buhay. Maling mali talaga na sumabay ako sa bestfriend ko. Kahit kinikilig ako. ahaha Kilig much. 

Hinila ako ni PJ pababa at guest what lahat sila nakatingin sa akin mostly yung mga girls na nakaabang sa car ni PJ.

"Hey Paul John" may isang magandang babae na kumaway kay PJ na kabababa lang ng car.

That's Renalyn Chua, one of the L6 known as MVP Princess. Isa siyang captain Volleyball team at varsity player sa school namin. She is also beautiful and smart girl. Yung family nya ay mga intsik na nagmamay-ari ng isang restaurant at dalawang hotel. Madami din nagkakagusto sa kanya pero ni isa wala siyang nagustuhan.

"Halika! Pakilala kita sa kanila." pagyaya sa akin ni PJ.

"Ha? ahm wag na! May gagawin pa kasi ako. Next time nalang." Tumakbo na ako agad. Kasi sa totoo lang ayaw kong mainvolve sa buhay ng mga L6 and feeling ko magkakagulo lang ang buhay ko at hindi ko sila feel na makilala sila.

Lumapit naman si PJ kay Renalyn then nakita ko may mga students na kakababa lang ng kani-kanilang kotse. Lahat naman ng mga students ng University ay nakatingin lang sa kanila.

I saw a girl na kakababa lang sa kotse nya at halatang mayaman. Siya si Anjely Scott, the beauty queen of L6. Bukod sa maganda eh, wala pang nakakaagaw ng korona nya sa school namin. Madami din nagkagusto sa kanya tulad din ni Renalyn na ni isang manliligaw sa kanya ay wala din siyang nagustuhan. Kasi lagi nyang sinasabi na my heart is belong to someone. Pero hindi naman nya inaamin kung sino, kaya lahat curious kung who's that guy he love.

At yang babaeng lumapit kay Anjely and Renalyn, that's Eloisa Smith na isa siyang magaling na soccer player sa school namin at bukod sa matalino ay maganda din. Tinatawag siyang "Soccer Field Princess."

Narinig ko naman na nagtilian ang mga girls at nakita ko na may kasama si PJ na isa pang guy na si Allen Mendez, gwapo din siya at singkit yung mata. Siya yung the Genius Prince ng school namin. Siya yung nakakuha ng rank number two sa entrance exam namin at natalo ko siya. Hindi nga ako makapaniwala na panalo ako ng dalawang points sa score. At ito pa, siya yung president sa school namin.

Maya-maya may isang guy na kakababa lang sa car niya, gwapo sana siya kaso lang ni minsan hindi ko pa siya nakitang tumawa. Palaging nag-iisa na para bang ang laki ng problema niya sa mundo. Siya si Levi Fuentes, isa siyang basketball varsity player sa school namin. Yung family din nya ang may-ari sa school namin. At ang ate niya ang principal sa University na ito. At ang pagkakaalam ko ay siya yung sinasabing leader ng Lucky 6.

Ay naku! Wala akong pakialam sa kanila at masyado silang nag-eenjoy sa buhay nila. Siguro ang dami nilang goodmemories hindi tulad ko na palagi nalang pinagtitripan. Binubully dahil ba mahirap lang kami.

O O O O

A/N : Wushu! Please support po my new story here in wattpad. Sana po magustuhan nyo at subaybayan nyo until end. Please don't forget to VOTE and leave a COMMENT! Pleasssssssssssssseee!!!!!!

Kwentong hindi lang para sa mga sikat kundi para din sa mga tulad ko-natin na simple lang na gusto lang naman mamuhay ng normal.

FOLLOW: Mart25

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now