Chapter 18: With HIM

415 21 8
                                    

Chapter 18: With HIM

A/N:

hello readers. 1st of all gusto ko huminga ng pasensya sa inyo sa super late ko pag update sa chapter na ito because of some reason.  Busy po kasi ako sa study ko at sa aking sariling lovestory. Haha.

Kwento ko ba?

Nainggit na kasi ako sa mga ginagawa kong kwento.  Sila inlove, ako wawa. haha. Naisip kong antagal ko na palang SINGLE kaya nung matagpuan ko sya. Hindi na ako nagpatumpek pa. Haha. Kaklase ko sya at isa sa katangian sa babaeng hinahanap ko ay nasa kanya. Kaya niligawan ko sya at pinatunayan ang sarili sa kanya. Kaya naging busy. At yun nagtagumpay din, sa tagal din ng pagsuyo ko sa kanya ay sinagot na nya ako nung July 19, 2014.

Kaya masaya, inspired at inLove na ako today. Hindi na ako naiinggit sa #LeBrey .Haha. Basta soOn, balak kong e share dito sa wattpad ang lovestory namin. :))

AGAIN, baka matagalan na naman ako sa next update.

KAYA SALAMAT SA LAHAT NG NAG-ABANG AT NAGHINTAY.

enjoy. . . .

***

"How about the Kiss?"

Natahimik sya. Tumingin ng deritso sa mga mata ko. Nakakailang ang ginawa nya. Na seryoso ang mukha. Sobrang nakakailang.

Nang bigla nalang syang natawa. "Does not have a meaning. Ewan ko lang kung ikaw, binigyan mo ng kahulugan. Meron ba?"

"Huh?" nasagot ko. Bigla akong nahiya sa tanong ko. Bakit ko pa kasi tinanong yun. Nang init ang pisngi at buo kong katawan sa hiya sa sinabi nyang iyon.

"Kaya ka pala umiiwas sa akin? Tumakbo ng makita ako kanina? Haha." pang-asar nya.

Mas lalo tuloy ako napahiya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Kung pwedi lang sana ay lamunin na ako nitong kinaupuan kong ito. Makaiwas lang sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nganga.

Ewan. But that kissed ay malaki ang epekto sa akin. Kagabi pa iyon gumugulo sa akin. Hindi ako pinatulog. Wala ako sa konsentrasyon kanina sa klase. Umiiwas ako sa kanya. Ayoko sya makita. Lagi ko sya naiisip. Ewan. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko.

"Oy. May problema ba? Natahimik ka ata?"

"Huh?" napatingin ako sa kanya ng magsalita sya.

Ngumiti lang sya. Mas lalo tuloy ako nailang sa kanya.

"Teka, CR lang ako." sabi nya. Tumayo sya at pumasok sa may cr.

Nang makapasok sya sa loob ng cr ay bigla nalang ako nataranta. Hindi ako mapakali. Gusto ko ng umalis para iwasan sya.

Kaya agad kung kinuha ang uniforme ko, pumasok sa may kwarto at mabilis na nagbihis. Pagkalabas ko ay nagulat nalang ako ng makita syang nakatingin sa akin. Nakangiti.

"una na ako. May kailangan pa kasi akong gagawin." nasabi ko na iniiwas ang tingin sa kanya. Dinampot ko ang bag ko at ng tangka ko ng buksan ang pinto ay napahinto nalang ako ng may kamay na pumatong sa kamay ko na nagbukas ng pinto.

Napaangat ang ulo ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang sya. "Let's Go?"

Huh? Let's Go ka dyan? Teka, diba ako lang ang aalis? San kami pupunta?

"sa-saan?" tanong ko at mabilis na tinanggal ang kamay ko sa nakapatong nyang kamay.

"basta, may pupuntahan tayo." sabi nya at nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila palabas ng whiteroom.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now