Chapter 28: Suitor

272 11 19
                                    


Aubrey POV

~

May isang kamay na inabot sa akin. Pagkahawak ko ay tumayo kami. Dinala niya ako sa gitna. Sa mga taong nakapaligid sa amin. Naramdaman ko nalang ang dalawang kamay niya sa magkabilang beywang ko at nakangiti akong inilagay naman ang dalawang kamay ko hanggang sa dahan dahan na kaming gumagalaw at kami'y sumasayaw.

Habang kasayaw ko siya ay dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Para akong nabato sa kinatatayuan ko na wala akong nagawa  kundi hintayin ang mga labi niyang lumapat sa mga labi ko . . .

"Ate, ate gumising ka dyan andito ang boyfriend mo." bigla akong napabalikwas sa pagtulog sa narinig ko sa kapatid ko.

Saglit akong natulala habang nakaupo. Napaisip. Naalala ang nangyari kanina. Napangiti nalang akong napagtantong panaginip lang iyon. Hindi ko man lang maalala ang mukha ng dreamboy ko.

"Hoy ate! Anong nangyari sayo? Boyfriend mo nasa labas."

"Sinong boyfriend?" pagtataka ko.

"Basta gwapo siya. May kulay ang buhok." Gwapo? Kailan pa ako nagka-boyfriend? Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Dali dali akong lumapit sa may pinto para tingnan ang sinabi ni bunso at pagkabukas ko ay nagulat ako sa nakita ko. Si CJ?

Napabalik nalang ako sa loob ng kwarto ko at naisara ko ulit ang pinto. Napasandal nalang ako sa likod nito na nagtataka. Bakit siya andito? Sineryoso niya ang sinabi niya sa text kagabi na pupunta siya ulit sa bahay.

"Ate, ang gwapo ng boyfriend mo." napatingin ako kay bunso.

"Hindi ko siya boyfriend." tanggi ko sa kapatid ko.

"Mukha siyang mayaman ate. Taga doon ba yan sa eskwelahang pinapasokan mo?"

Nang may kunatok sa pinto. "Aubrey, bumangon kana dyan. May bisita ka." narinig ko si mama.

Lumapit ako sa kapatid ko. "Sabihin mo tulog pa." Utos ko sa kanya.

"Magbibihis lang daw po ma." sigaw niya.

"Huh? Loko ka talaga." bigla nalang siyang natawang lumabas at iniwanan ako.

Anong gagawin ko? Seryoso talaga siya?

Wala narin akong nagawa kundi magpalit ng damit, nag-ayos ng sarili at lumabas na ng kwarto.

"Hi, Goodmorning." bati niya sa akin. Katabi niya ang kapatid ko na kumakain pa ng chocolates. Kanino galing?

Lumapit ako sa kanya at hinila ko siya palabas ng bahay. "Aubrey, saan kayo pupunta?" sigaw ni mama.

"Bakit ka andito? Nakakainis kana ah?" sabi ko sa kanya habang hawak ang braso niya.

"Masama ba? I'm serious Aubrey."

"Gosh!" napahilamos nalang ako sa kamay ko sa kakulitan ng lalaking to.

"Anak, kumain na muna kayo." sabi ni mama na nilabas kami.

"Bahala ka nga dyan." sabi ko at iniwanan siya.

"Anak, pinaalam ka ni Cj sa akin na lumabas. Nasayo kung sasama ka." Alam na nila mama at papa na natanggal sa akin ang scholarship. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Kaya ngayon naghahanap ng paraan si papa para makabalik ako sa AUS. Hindi na bilang scholar kundi isang normal na estudyante dahil sayang naman daw ang pinasok ko. Pero naniniwala sila sa aking wala akong kinalaman sa nangyari.

Tumingin si CJ sa akin. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko habang nasa kainan kami.

"Malalaman mo lang kung sasama ka." nakangising sabi niya.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now