Chapter 3: First Day Stupid

743 36 5
                                    

-Anjely POV-

Bweseeeeeeeeeeeeeeeet! Grrrrr! 

           Mabilis akong naglakad habang nakasunod sa akin si Renalyn. Wala akong pake sa mga nadadaanan ko at hindi ko pinapansin ang mga nakasalubong ko basta dirediretso lang ako sa paglalakad. Sino ba naman kasi hindi maiinis sa nangyari. That stupid girl na hindi marunong kumatok. Siguro hindi pa nya ako kilala. Kaya pwes, ipapakilala ko ang sarili ko sa kanya. I will make her life like a hell. Humanda siya.

Pagkadating ko sa white room, a private room for Lucky 6 ay agad akong pumasok at padabog na isinara ang pinto.

"Hey Ms. Beauty Queen, you look like your badtrip. What happened?" ang asungot na si Allen ang sumalubong sa akin sabay ngiti na nakakabwesit na nakaupo sa tabi ng computer na may hawak na libro.

"Shut up! Mr. Nerd! Wag mo akong asarin ngayon kung ayaw mong lumipad yang hawak mong libro sa mukha mo." ang sabi ko at napa-upo nalang sa may couch.

"Oh kalma lang! Umuusok na naman yang ilong mo." ang sabi nya kasunod ng pagbukas ng pinto at pumasok si Renalyn.

"Hey, MVP Princess, what happened to that girl?" narinig kong tanong nya ng lumapit sa kanya si Renalyn.

"It's because of the girl kanina na biglang pumasok sa cubicle kung nasaan si Anjely." narinig kong sagot ni Renalyn.

"Wahahaha! That was so funny!" Napalingon ako sa kanila ng marinig iyon.  At dahil sa inis ko ay hindi ako nakapagpigil at kinuha ko ang bag ko at pinalipad sa mukha nya.

*Bugs!*

"Aray!" 

"Ano? Ayaw mong manahimik dyan? Oh gusto mo pang ipalipad ko din tong mesa sa mukha mo?." inis na sigaw ko. Akala naman kasi ng nerd na ito na nakakatuwa yung nangyari.

"Tumigil nga kayo. Ayan na naman kayo , para kayong bata." sabi ni Renalyn at napalingon kami sa may pinto ng bumukas ito.

"Anong kaguluhan ito?" nakasimangot na tanong ni Levi pagpasok nito kasunod ni Eloisa.

As usual wala namang bago sa kanya. He only know one facial expression at yun nga ang nakasimangot. 

Bigla nalang nanahimik ang buong room habang ako ay tahimik na nakaupo yakap ang pillow. 

We are all afraid kay Levi lalo na kapag seryoso ang mukha nito. Kasi bigla nalang itong magwawala. Ang weired nga niya e. Parang tigre kung magalit. Araw araw high blood.

Pero para atang iba ang mukha nito? Badtrip din ata, I guess something happened. 

Nanahimik nalang kami at nakita ko nalang na umupo si Levi sa may sofa at binuksan ang tv. Narinig ko naman si Eloisa na tinatanong kay Renalyn ang nangyari. Pero hindi ko na sila pinansin at tahimik akong nakinood narin sa pinanonood ni Levi.

"dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat, umaawit pa sa akin amoy araw ang balat . . . ."





Lahat kami ay napatingin ng pumasok si PJ, na kumakanta. Ang saya ata ng tipaklong na to? Kung lahat kami badtrip, ang ganda naman ng mood ng lokong to. 

"Hey guys, why are you all looking at me like that?" nakangising tanong nya.

"Hey bro, I heared sa labas na may nangyari daw sayo?" tanong ni Pj na nakatingin sa direksyon ni Levi. Updated?

Tama nga ako sa hinala ko. May nangyari nga. Hindi naman kasi ganyan yan kung walang nangyari. May karamay pala ako. Haha! 

" . . ."  tumingin lang si Levi at wala ngang sagot na nakuha si PJ sabay higa nito sa may sofa at pinatong ang dalawang kamay sa may ulohan.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now