Chapter 24: Kundiman

193 10 20
                                    

PS: Bago mo basahin ang Chapter na ito ay patugtogin mo muna ang kantang "KUNDIMAN" by Silent Sanctuary. Para kiligin ka talaga. Haha.  This is it. Pansit.


Paul John Salvador POV
~

"Kung di man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin
Dahil ang tanging panalangin

Ay ikaw...
Ay ikaw...
Ay ikaw...
Ay iii..."

Napahinto nalang ako sa pagkanta ng pagkalingon ko kay Allen ay nakita ko siyang nakayuko. Tahimik. At nakita ko ang ilang patak ng luha sa ibabaw ng mesa.

"Bro, are you okey?" tanong ko sa kanya.

Andito kami ngayon ni Allen sa SSG Office dahil kinuha ko sa kanya ang hiniram niyang guitara sa akin kahapon. May hinarana ata. Kaya naisipan ko munang kumanta habang siya ay abala sa kanyang ginagawa. Pero bakit bigla siyang naiyak?

Tumingin siya sa akin. Nakita ko ang namumuong mga luha sa kanyang mata. "Bro, wala na kami." sabi niya.

"Nino?"

"Ni Eloisa. Iniwan na niya ako. Ang sakit bro. Ang sakit. Akala ko siya na. Ito ang mahirap e, yung tagong relasyon dahil paano pagnalaman na nila? Ano ang mangyayari?" napabuntong hininga nalang siya.

"Paano nangyari? Hindi nyo pa nga nasabi sa amin na kayo  kahit ramdam ko na, tas ngayon wala na agad?"

"I borrowed your guitar yesterday para haranahin siya sa monthsary namin. Naging masaya kami kagabi. I brought her to my favorite place which I want to bring my special someone to that place." napapangiti pa siya habang kwenikwento iyon.

Pero bigla siyang nalungkot. May luhang pumatak sa mata niya. "Pero nung pagkauwi na namin, ng ihatid ko siya sa kanila ay nasa labas na ang daddy niya. Alam na ng daddy niya na may relasyon kami. Nagulat ako ng bigla nalang pinapasok sa loob si Eloisa. Hindi naman ganun ang trato sa akin dati ni uncle. Kapag nga tayo sa kanila diba? Kinausap niya ako pagkapasok ni Eloisa at sinabing layuan ko na daw si Eloisa kung ayaw kong hindi na siya ulit makita. Ang masakit pa, nakasalubong ko siya sa labas. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil nakabantay sa kanya ang mga buddy guard niya."

"Wala naman siyang sinabing wala na kayo diba?"

"Oo, wala nga. Pero ano pa ba ang pupuntahan nito, kundi dun din."

"You should talk."

"Pero paano? Paano pagmalaman ng daddy niya? Maybe, I will sacrifice my feelings nalang para hindi siya tuluyang mawala sa akin. Mas hindi ko naman kayang mangyari yun na tuluyan siyang mawala sa akin. Tsaka ayaw niyang pumunta dun."

"But what you did, parang ganun ang mangyayari sa inyo. Walang pinagkaiba. Nagkikita nga kayo. Nakikita mo nga siya pero wala naman kayong pansinan. Parang hindi magkakilala."

"Oo, masakit. Pero titiisin ko nalang bro para hindi siya tuluyang mawala sa akin.".

Ewan. I don't know what to say. Napabuntong hininga nalang din ako habang pinagmamasdan ang malungkot na itsura ni Allen.

"Siguro, kundi man kami hanggang dulo, hindi ko parin siya pababayaan. Hindi ako lalayo. Andito lang ako handang alalayan siya. Basta."

"Basta kong kailangan mo ng kausap. Kung gusto mo ng mapaglabasan ng sama ng loob. Andito lang ako bro." nilapitan ko siya at inabot ang balikat niya. "Kaya mo yan. Pag-ibig lang yan. Maiwan na muna kita." sabi ko at lumabas na ng office dala ang guitara ko.

The Lucky 6 and IOnde as histórias ganham vida. Descobre agora