Chapter 35: By Accident

127 2 2
                                    


Levi POV.

Hindi ko akalaing titindi ang mga pangyayari ng dahil sa ginawa kong pakipaghiwalay kay Renalyn. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa ang mga iyon. Kung bakit kinaya niyang siraan ang kapwa lucky 6 para lang mapansin ko. Akala ko titigilan na niya ako matapos naming mag-usap ngunit may mga kalokohan pa pala siyang ginagawa. Ginawa ko lang naman iyon dahil ayoko na at ayoko na ring nakikita siyang umaasa kahit wala na akong nararamdaman sa kanya.

May iba ng laman ang puso ko ngayon ngunit hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Ngunit bakit ko naramdaman ito, bakit ko naramdaman iyon kung wala lang ito. Masaya ako pagkasama siya, natutuwa akong kakwentuhan siya at gusto ko laging nasa akin ang atensyon niya. Kaso nga lang naunahan na ako at tingin ko naman na gusto rin niya. Aasa pa ba ako?

Naghihintay nalang kami ng oras para pumasok sa unang klase namin ng may malakas na kumatok sa pinto na ikinunot ng noo ko. Lumapit si Allen at binuksan iyon. Nakita namin ang tatlong babaeng estudyanteng natatarantang sabi na lumabas kami at pumunta sa harapan ng admin building para tingnan ang nangyayari. Nagtanong pa kami kung bakit ngunit hindi na sila sumagot at mabilis na tumakbo papalayo.

"Anong meron?" Tanong namin.

"Nasaan na ba sina Renalyn at Eloisa?" Paghahanap ni Pj.

"Edi malamang gumagawa na naman ng eksena ang babaeng yun. Baka ngayon scandal mo naman Pj dahil sa ginawa mo." Sabi ni Anjely.

"Anong scandal naman yun? Pero kung meron man tutulungan ko pa siyang e-share para madaming views." Natatawang sagot ni Pj na naglalaro lang sa ipad niya.

"Shit!" Napatingin kami kay Allen. "Pumunta daw tayo sa harapan ng admin building ngayon na, sabi ni Eloisa." Sabi ni Allen.

"Bakit daw?" pagtatakang tanong ni Anjely na kahit kami man ay nagtataka kung anong meron.

"Wala siyang sinabi." Sagot niya kaya lumabas kaming apat at nagtungo sa harapan ng admin building. Ngunit bago pa man kami makarating ay andami kaming mga estudyanteng nagkikitang nagtatakbohan papunta 'don. Napansin namin ang madaming mga estudyanteng nagsisigawan at para bang may tinuturo ng makarating kami ngunit hindi kami makalapit sa harapan dahil sa dami ng estudyante.

"Anong eksena ito? May bago bang Lucky 6?" Sabi ni Anjely ng may sumigaw na tumingin kami sa taas.

Nang mapatingin kami ay napaatras nalang ako ng may makita kaming nakatayo sa dulo ng rooftop at may hawak pa itong tali. Nagulat at nagtaka ang lahat. Mas dumami pa ang mga tao at may mga napapansin akong mga guro, ibang mga employees at mga security guard na nag-aabang.

"Baliw!" Sabi ni Anjely. "Eksena niya!" Nang malaman namin kung sino iyon.

Ilang minuto pa ng may makita kami sa taas na papalapit sa kanya ngunit napaatras ito ng tangka niyang tumalon na napasigaw ang lahat. Nakita nalang namin na itinali niya ng lubid ang leeg niya kaya umalis yung lalaking lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa niya? Balak ba niyang maging wonderwoman?" Pabiro pa ni Allen.

Maya maya pa ng makita ko si Ate Danielle na lumabas at may hawak na megaphone. Pumunta siya sa gitna at kinausap kung anong problema. May sagot siya ngunit hindi namin marinig, pinakiusapan siyang bumaba para mag-usap ng maayos ngunit ayaw niya bagkus nagwala lang siya at nagtangka na namang ulit na tumalon.

"Hindi na pwedi to na manood nalang tayo, kailangan nating ayosin to." Sabi ni Pj.

Kaya hindi na namin hinayaang manood nalang at hayaan si ate na makipag-usap sa kanya.Tumakbo kami pabalik na napansin iyon ng ibang mga estudyante para mag-iba ng daan papunta dahil hindi kami makasiksik papunta sa harapan sa dami ng tao.

Sa likod kami ng building dumaan. Pagkaakyat namin ay napansin kami ng mga security at hinarang kami dahil daw sa delikado ngunit nagpupumilit kami. Nakaakyat kami ngunit ng makarating kami sa pinto palabas ng rooftop ay may mga security namang nakabantay na humarang sa amin at nadatnan na din kami ng mga security na pumigil sa amin sa baba.

"Mga kaibigan niya kami kaya makikinig sa amin yan!" Pamimilit namin at ng makasilip ako sa labas ay nakita kong may ibinataong megaphone ang isang security sa kanya at dinampot naman niya iyon pagkaalis nito.

"Si Levi ang kailangan ko, hindi kayo." Narinig naming sigaw. Napatingin sa akin sina Allen, Pj at Anjely. "Siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito, kung mawawala din naman siya ay mas mabuti na ring mawala na ako ng tuluyan kesa sa nakikita ko siyang masaya sa iba." Naiiyak na sigaw niya.

"Ako ang kailangan niya kaya hayaan niyo ako." Ang pamimilit na sabi ko sa mga nakahawak at nakaharang sa amin.

Ako lang ang pinayagang lumabas ngunit ng makakuha ng tyempo ang tatlo ay agad na sumunod sa akin sa labas at hindi na sila napigilan pa. Napalingon sa amin si Renalyn na biglang hinila yung tali ng makita kami. Napahinto kami at tiningnan siya.

"Bakit kayo andito?" Binato niya ang megaphone sa tabi. "Matapos niyo akong pagtulungan, andito kayo? Si Levi lang ang kailangan ko at hindi kayo." Sigaw niya kina Allen, Pj at Anjely.

"Pwedi bang itigil mo to at pag-usapan nalang natin." Sagot ni Pj.
"Wow! Ayos ka rin, bakit nung sinabi ko yan sayo hindi ba't tinuloy mo parin?" Sagot naman niya na dahan dahang umaataras.

"Renalyn!" Nagsalita na ako. Napahinto siya at napatingin sa akin. "Itigil mo na ito!"

"Hindi!" Sigaw niya. "Kung hindi ka lang din naman mapapasa akin ay mas mabuti ng mawala na ako dahil hindi nyo na din naman ako kailangan, hindi ba?"

"Hindi yan totoo. Kulang ang lucky 6 kung wala ka. Kaya please, wag mo ng gawin yan." Pakikiusap ko.

"Ititigil ko lang to pagbumalik ka sa akin."

"Hoy babaeng malanding dispirada, kung wala ng makapagpigil sayo edi go. Talon!" Biglang sigaw ni Anjely.

"Wow! Look who's talking. Sino ba sa atin ang may scandal na nakikipag-sex nalang sa pinsan dahil hindi pinatulan ng lalaking gusto niya." Sagot naman ni Renalyn na nagulat nalang kami ng bigla siyang sugurin ni Anjely na galit na sinampal siya at itinulak na naging dahilan para mahulog siya.

Nagulat kami sa mabilis na pangyayari na mabilis din naming inawat. Mabuti nalang may tali na agad na nahawakan ni Allen, inilayo naman ni Pj si Anjely at ako naman na mablis na tinulungan si Renalyn na nakakapit sa tali. Inabot ko ang kamay para alalayan siya.

"Levi!" Mga salitang naririnig ko sa kanya na nakakapit sa mga kamay ko. Nanginginig akong nakatingin at natakot sa pangyayari ganun din ang mga tao sa baba na nagsigawan ng mahulog siya.

May mga security naman na agad na umalalay sa akin para tulungan ako maiangat si Renalyn. Hind ako bumitaw sa kanya hanggang sa maiakyat namin siya na agad akong niyakap ng mahigpit at humagolhol ng iyak sa akin. Ramdam ko ang kanyang panginginig at takot dahil kahit ako man ay natakot sa pangyayari. Niyakap ko na rin siya at hinyaan siyang umiyak sa balikat ko.

Naihilamos ko na lamang ang aking kaliwang palad sa aking mukha dahil sa pangyayari. Narinig ko rin ang mga sigawan sa baba at may mga medical team naring lumapit sa amin. Kinuha si Renalyn sa akin ngunit ayaw niyang bumitaw at kaya sabi kong hayaan nila muna. Ilang sandali ng ako na ang kumausap sa kanya na sumama sa medical team para matingnan.

"Please, huwag mo akong iiwan." Nanginginig na sabi niya na mas humihigpit pa ang pagyakap sa akin.

Ako ang dahilan kung bakit ito nangyari. It wouldn't be happened if I didn't broke her. This is all my fault. No one can blame for this but myself.





"Promise, hindi kita iiwan. Andito na ako sayo." Nasabi ko at inalalayan siya maglakad para sumama sa medical team dahil ayaw niyang bumitaw sa akin.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now