Chapter 20: Bestfriend

357 25 5
                                    

Dedicate sa bestfriend ko.

~PAUL JOHN SALVADOR~

Nagulat kami ng lumabas si Anjely sa principal room na umiiyak at patakbong palabas na hindi na kami nagawang pansinin. Agad akong tumayo para sundan sya ngunit ng makita ko sya ay kaharap na nya si Cj at pinagsasampal sampal na nya ito. Hindi na ako lumapit at pinanood nalang sila. Tumakbo ulet si Anjely. Gusto ko syang sundan. Napatingin ako kay Cj. Nang iwanan sya ni Anjely ay naglakad na sya. Na para bang walang pakealam.

Sinundan ko sya. Tiningnan ko ang mga estudyanteng nadaanan ko at naka tapat ang hintuturo ko sa ilong ko para sabihing huwag silang maingay. Pumasok si Cj sa CR.

Pagkapasok ko ay hinintay ko syang matapos umihi. Nasa tapat lang ako ng salamin na nakatingin sa sarili. Naiinis. Napakapit nalang ako ng mahigpit sa kamao ko.

Binalaan ko na sya na huwag syang gumawa ng kagaguhan sa school na to pero gumawa parin sya. Ang mahirap pa ay sa kaibigan ko. Wala naman akong pake kung masira ang Lucky 6 pero yung kaibigan ko. Kahit pinsan pa kita ay wala akong pake. Kung malaman kong ikaw ang mali.

"Oh dude." Nakatingin sya sa akin. Lumapit sa may salamin at inayos ang buhok.

Tarantado. Mukhang okey pa sa kanya. Walang pakealam. Nang init ang kamao ko sa reaksyon nya.

"Dude, sayang si Anjely. Nabitin ako sa ginawa namin." Nang init ang tenga ko sa narinig ko at hindi ako nakapagpigil.

Sinugod ko sya. Hinigit ko ang kwelyo ng polo nya at tangka na sanang suntokin ngunit pinigilan. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mukha nya sa ginawa ko. Tinulak ko na lamang sya.

"Wazzup. Hey dude why?"

"Nagtanong ka pa. You are fucking shit men. I remind you not to do stupid things here but you did? Sa kaibgan ko pa. Tarantado ka." Sigaw ko sa kany.

Bigla syang tumawa. "Why are you acting like that? Do you like her?"

"She's my friend that's why I'm acting like this. Din sasabihin mong sayang? You don't even know how to respect girls." Dinuduro ko sya sa galit ko at kaya napatahimik sya.

Hindi na ako nagsalita pa at iniwan nalang sya dahil baka ano pa ang magawa ko. Lumabas ako ng br at naglakad na lamang ako papuntang music room ng makasalubong ko si bestfriend.

Napahinto sya. Tumingin sa akin. "Best, okey ka lang?"

Ngumiti ako dahil nakita ko sya ulet dahil nitong nakaraang linggo at araw ay hindi ko sya nakikita o nakakasalubong mukhang iniiwasan ako. Na hindi ko alam kung bakit. Maging mga text ko sa kanya ay wala akong natatanggap na reply. Kaya hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya.

"Teka wait, san tayo?" Tanong nya habang nakasunod sa akin.

"Basta sumama ka nalang." Ang sabi ko.

Nang makita ko ang music room ay pumasok kami ni bestfriend. "Bakit tayo andito?" Tanong nya. Napatingin sya sa mga music instruments.

Lumapit ako sa guitara. Kinuha ito at napatingin sa kanya. "I just miss singing with you." Sabi ko.

Napangiti sya. "Ako din." Sagot nya at lumapit sya sa akin.

I started playing the guitar. I started playing it with the tone of our favorite song.

" If you ever find yourself stuck in the middle of the sea

I'll sail the world to find you." Umpisa nya sa pagkanta. Napangiti ako.

"If you ever find yourself lost in the dark and you can't see

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now