Chapter 21: A DATE ???

226 12 5
                                    

Aubrey POV

"Aubrey?" ,napalingon ako ng marinig ko sina Shaina, Jaymie at Angel habang nagliligpit ako ng gamit ng lumabas na ang teacher namin.

"Do you want to join us?" ,tanong ni Shai.

"San?"

"We will go to the mall before we go home?"

"Kayo nalang siguro." ,sabi ko at inilagay na ang bagpack ko sa likuran ko.

"Haler. Libre na kita." ,sabi naman ni Angel.

"Hindi na talaga. Kailangan kong maaga umuwi." Sagot ko. Pero yung totoo ay iniiwas ko narin ang sarili ko sa mga kaibigan ko dahil sa mga  naririnig ko. Sa pkikipagkaibigan ko sa kanila na binibigyan ng isyu ng iba. Haist.

Ganyan ba talaga? Bawal ba talagang makipagkaibigan ang mga mahihirap na tuad ko sa mga mayayamang kagaya nila?

"Okey." Sabi nila.

Kaya sabay na kaming apat naglakad palabas. Nang makalabas kami ay napansin namin ang nagumpukang mga estudyante sa labasan. Napatingin kami.

"May artista?" tanong ni Angel.

"Haler! Hindi kapa nasanay girl." sabat ni Shaina.

"OH my gosh! Papa Allen is here." ,napatiling sabi ni Jaymie.

As usual, pinagkakaguluhan na naman ang Lucky 6. Pero may napansin ako. Lima lang sila. Wala ata si Levi?

"Bye guys. I need to go." ,narinig kong sabi ni Pj. Kumaway siya sa apat bago pumasok sa kulay itim niyang kotse tsaka umalis.

Nang may kulay gray na van na huminto. May bumabang driver at binuksan yung pinto. Nakita kong nakipagbeso si Eloisa kina Anjely at Renalyn bago pumasok sa loob ng van. Kumaway siya kay Allen na nakangiti bago niya isinara ang pinto tsaka umalis.

"Hindi pa ba kayo uuwi? Mauna na ako?" ,narinig naming sabi ni Allen. Kinikilig naman sa tabi namin si Jaymie na may crush kay Allen.

"May hinihintay pa ako, you can go if you want." ,sagot ni Renalyn.

"Okey."at sumakay na si Allen sa kulay asul niyang kotse.

"Hey girl, I need to go. See you tommorow." sabi naman ni Anjely. Nakipagbeso kay Renalyn at sumakay na rin sa kulay pink niyang kotse. Naiwan nalang si Renalyn na nakatayo.

"Aubrey, mauna na kami." ,sabi ni Shai at nakipagbeso silang tatlo sa akin bago ako iwan.

Aalis nadin sana ako ng may kulay puting van ang huminto sa tapat at kasunod nito ang isang kulay pulang kotse na pinagtilian ng maraming kababaihan. Napatingin ako. Nakita kong lumapit si Renalyn sa may pulang kotse.

Pero saglit lang ay napatingin ako sa babaeng nakatayo sa may pinto ng puting van na hindi pa pumasok. Si Jamie. Nakatingin siya sa may pulang kotse. Nakita kong nagkatinginan sila ni Renalyn pero tinaasan lang siya ng kilay nito.

Mas umingay pa ng bumukas ang pinto at pati ako ay naitulak sa likod ng magsilapitan ang karamihan ng mga babae para makita ang lumabas.

Nasa likod lang ako na hindi ko na narinig at nakita kung anong meron sa harapan. Bigla akong na curious kung ano na nagyari kina Renalyn at Jamie. Kung nagsapakan o nagsabunotan na ba sila. Iba kasi ang tingin ni Renalyn kay jamie. Ewan. Baka imagination ko lang yun.

Pinilit kong isiksik ang sarili ko hanggang sa makita ko ang nasa harapan. Nakita kong kinakausap ni Renalyn si Levi pero para bang hindi siya pinapakinggan nito na nakatingin lang kay Jamie.

Biglang tumahimik ang lahat ng maglakad si Levi at iniwanan si Renalyn. Papalapit ito sa sa direksyon ni Jamie ng matulak ako at natumba kaya napa-aray ako.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now