Chapter 29: Mom Vs. Dad

181 6 3
                                    


Aubrey POV.

°°°

"Aubrey?"

"Levi?" nasabi ko. Nagtataka at nagulat din kung bakit siya andito. Kung ano ang kailangan niya. Kung anong problema.

"Hey dude, why are you here?" lumapit si Cj sa kanya at nakipag kamay.

"Ikaw? Bakit ka andito?"

"cause . . ."

"Aah, teka lang ah?" sabi ko kay Cj at hinila ko si Levi papalayo sa kanya.

"Bakit ka andito?"

"Bakit siya andito?"

Sabay naming nasabi.

"Bakit hindi mo sinabing inalis sayo ang scholarship mo?" naunang sabi niya.

"Huh?"

"Eh, yung pag-alis sayo sa pagiging tutor ko?" madiin niyang sabi na sunod niyang tanong. Galit ba siya? Bakit?

"Sorry, wala na kasi akong oras para magpaalam sayo." sabi ko at napayuko nalang.

"Aubrey andito kana pala." napalingon nalang kami ng lumapit sa amin si papa. "Sir Levi, tuloy po muna kayo."

Sir?

Naiwan nalang ako na nagtataka ng pumasok na sila ni papa sa loob. Naramdaman ko nalang ang isang kamay na humawak sa balikat ko, si Cj.

"May problema ba?" tanong niya sa akin. Sagot ko namang wala.

Nang biglang may tumawag sa phone ni Cj at agad naman niyang sinagot iyon. Pagkabalik niya sa akin ay nagmamadali siyang nagpaalam at agad na sumakay sa kotse niya.

"Mommy, mauna  na po ako." sigaw niya at kinawayan si mama na kakalabas lang ng pinto. "Babalik ako!" sabi niya sa akin bago tuluyang umalis.

"Anak saan punta nun?" tanong ni mama na nasa likuran ko na pala.

Napatingin ako kay mama. "Ewan ko! Bakit di nyo po alam e mas close pa ata kayo kesa sa akin. Mommy?" sabi ko kay mama na sakto ding pagharap ko sa may pinto ay lumabas si Levi.

"Mas gusto ko parin si Cj." bulong ni mama bago niya kami iwanan at pumasok na sa loob.

Lumapit si Levi sa akin. "Magkakilala pala kayo?"

"Sino? Si Cj? Oo,." sagot ko.

"Manliligaw mo ba siya?" nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahang itanong niya iyon.

"Huh?" nahihiyang sabi ko sa kanya. "Oo?" patanong na sagot ko.

"Bakit hindi mo alam? Hindi ka ba sigurado?" hindi ako makatingin sa mukha niya. Nakakailang siya. Hindi ko alam. Pero mukhang seryoso siya.

"Teka, bakit ka ba andito?" pag-iba ko ng usapan dahil ayokong sagotin ang tanong niya.

May inabot siya sa akin. Isang envelop. "Ano to?" tanong ko

"Buksan mo." sagot niya. "Iyan ang dahilan kaya ako andito.

Binuksan ko iyon at nagulat ako sa nakita? "Paano?"

"Kinausap ko si ate ng mabalitaan ko sa mga kaibigan mong natanggal na sayo ang scholarship mo. Nung una, hindi siya pumayag dahil wala daw sa kanya ang desisyon. Pero nakiusap ako dahil alam kong kailangan mo iyan. At the end, napapayag ko siya kapalit ang maraming kondisyon."

"Pero hindi mo naman kailangang gawin to." ngumiti lang siya.

Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Hindi pa ako sigurado sa ngayon. Hindi ko pa alam kung bakit o ano. Pero kapag nasagot ko na. Ipapaalam ko sayo." bumitaw siya sa pagkahawak sa kamay ko.

"See you tomorrow!" ngiti niya tsaka umalis sa harapan ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko siya nilingon at ng makita ko siya ay nakasakay na siya sa kotse niya na nakatingin sa akin.

"Salamat!" sabi ko. "Pangako, I will be your personal tutor, alalay, bodyguard at kung ano man gusto mo mabayaran lang kita dito." bigla siyang natawa bago siya tuluyang umalis.

Bigla nalang ako napangiti. Medyo naguguluhan sa mga sinabi niya. Nagtataka kung ano ang ibig sabihin niya. Pero masaya ako dahil sa wakas makakabalik na ako sa AUS. Maipagpatuloy ko na ang pag-aaral ko.

"Salamat Mr. Levi Fuentes." nabulong ko nalang sa sarili ko bago ako pumasok.

"Ah basta, mas gusto ko parin si Salvador. Pogi na, mmayaman,  magalang pa." narinig ko kay mama pagpasok ko.

"Baka lahat ng yan akay sir Levi din. Tsaka tandaan mo na si Sir Levi ang nagbalik ng scholarship ng anak mo." sagot naman ni papa.

"Ma? Pa? Anong kaguluhan to?" tanong ko.

"Aubrey,nakaalis na ba si Sir Levi?" tanong ni papa.

"Opo! Nga pala, pano nyo po siya nakilala?"

"Sa kanila ako nagtatrabaho dati. Ako ang driver nun nung nasa elementary pa yun. Nalaman daw niya na ako ang papa mo kaya hinanap niya ang kontak ko kaya nakipagkita siya sa akin kanina. Diko naman akalain na yung kwenikwento mo pala ay si sir Levi. Mabait talaga na bata yun." paliwanag ni papa.

"Paano lang po ang tanong ko pa. Hindi ko po tinanong kung mabait ba siya."

"Anak mas boto parin  ako kay Cj kesa kay Levi." singit  ni mama na nagliligpit ng pinagkainan ni papa.

"Kay Levi nga tayo. Mas pogi ang alaga ko kesa sa amerikanong hilaw na yun." sagot naman ni papa.

"Pinagsasabi nyo?" nainis ako sa kaguluhan nila kaya iniwanan ko sila at pumasok sa kwarto ko.

Hanggang sa panonood namin ng tv at hanggang kinabihan ay wala silang ibang bukambibib kundi ang pangalan ni Cj at levi.

Ano bang pinagsasabi nila?

Nang magring ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Cj at sinagot ko iyon.

"Gusto ko lang ibalita sayo na makakabalik na ako sa AUS. Sana ikaw din. Wagkang mag-alala gagawa ako ng paraan makabalik kalang. Goodnight baby."

"Huh? Baby ka dyan. Oh sha, goodnight. See you." sabi ko .

May sasabihin pa sana siya pero pinutol ko na.

Nang may nagtext at napangiti ako ng mabasa ang pangalan ni Levi.

Hi Ms. Bloody.

Saglit akong napahinto ng mabasa ang salitang "bloody." Biglang bumalik sa isipan ko kung bakit niya ako tinawag ng bloody. Napangiti nalang ako. Ngayon nalang kasi niya ako ulit tinawag nito.

... can we have a dinner tomorrow? After class. Napaalam na kita sa papa mo. See you. Goodnight my bloody.

My bloody?

Ewan. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Kinikilig ba ako?

Napagulong nalang ako sa kama na parang baliw na bigla nalang akong napasigaw at dahil nawala sa sarili ay hindi ko na namalayang lumagpas na ako sa kama at kaya nahulog ako.

Napatingin nalang ako sa may pinto ng bumukas ito. Nakita ko sina mama at papa.

Napangiti si mama. "Okey, go for Salvador." sabi niya tsaka umalis.

Kumindat naman si papa sabay sabing, "ingat kayo bukas ah?" nakangiti si papa na isinara ang pinto.

Hindi ko alam. Pero pati sa mga magulang ko ay natutuwa ako. Ewan ko. Ang gulo nila.

Hay. Napayakap nalang ako sa unan ko.



PS: Sorry sa delay update. ^^

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now