Chapter 9

70 6 0
                                    

Matapos kong ipacheck-up si lorenzo ay pinatuloy ko muna sya sa bahay ko. Hindi naman sya magiging pabigat saakin dahil mag isa lang naman din ako dito. Maganda na rin siguro ito dahil may makaka usap ako

"Hanggat nandito ako dito ka muna matutulog sa bahay"

"Ikaw lang magisa dito? Nasan mga magulang mo?" Tanong nya at nakatayo ito habang tinitignan ang paligid ng bahay

"Nasa states sila nagpaiwan ako dito dahil..... gusto ko dito sa pilipinas" tumango lang ito at pinagmasdan ang libro ko na nasa book shelf na nakapatong sa cabinet ko malapit sakanya

"Mahilig ka ba sa mga libro?" Tanong ko dahil kanina pa sya nakatingin dito.

"O... hmm.. hindi ko alam" sagot nya. Lumapit ako sakanya dahil mukhang intiresado sya dito.

"Maari mong gamitin yan habang nandito ka sa bahay"

"Sigurado ka?"

"Oo, kung naboboring ka pumili kalang ng libro dito. Karamihan naman jan puro story book at may iba naman jan na dictionary, science and republic act book"

"Wow" mahinang bigkas niya pero sapat na para marinig ko. Nakikita ko sakanya na mahilig sya sa mga libro kaya ok lang saakin na ipahiram ang kanya ang lahat ng to.

"Tara na kumain na tayo" bigla itong lumingon saakin at hindi ko maipaliwanag ang kanyang expression nang sabihin kong kakain kami.

"Kakain tayo?" Kalmado nyang banggit.

"Oo kakain tayo" nagsimula akong lumakad sa kusina para makapag handa ng kakainin habang si Lorenzo naman ay naupo at nagaantay. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero sa tingin ko binabasa nya yung cooking magazine ko na kanina ay nakalagay sa book shelf.

Nang matapos kong lutuin ang pagkain ay hinaing ko na ito sa lamesa at sinantabi nya ang binabasa nyang magazine

"Salamat sa pagkain" pagpapasalamat nito at lumamon na. Sa totoo lang bilang palang yung kinakain ko habang sya ay naka tatlong balik na sa kanin.

Pakamay sya kumain kaya napalakas kain nya. Nang matapos kami ay agad ko itong niligpit at hinugasan. Ilang minuto rin bago ako matapos at nakakaramdam narin ako ng antok.

Bago ako pumasok ng kwarto ay sinilip ko muna sya na natutulog sa sofa. Nilapitan ko sya pinagmasdan syang natutulog. Napagod siguro sya ngayong araw katabi nya ang kumot bakit hindi nya ito gamitin? Siguro nasanay syang sa labas natutulog kaya ganito. Oh well, ako nalang ang mag kukumot sakanya. Kinumutan ko na sya at dumiretsyo na sa kwarto para matulog.

Arrghhh miss my bed.

Kinaumagahan nagising ako ng maaga para pumasok sa skwelahan its almost 6:56am nang tignan ko ang orasan kaya naligo na ko at nag ayos ng sarili.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko syang nagbabasa ng libro habang naka upo sa sofa. Malayo palang ako sakanya ay kitang kita ko na ang nakaka akit nyang mukha kung paano sya magfocus sa libro ay talagang naiinlove na ako. Wait? Erase erase mala-late na ako klase.

Lumakad ako papunta sakanya at binigyan ng pera tumayo ito sa pag kakaupo at itinabi ang hawak nyang libro kanina

"Lorenzo hindi ako makakapag luto ngayon ng pagkain dahil mala-late na ako. Heto ang pera, i budget mo muna ngayon yan at mamayang alas tres ay uwian ko naman din"

"Hmm, sige. Ako na bahala sa sarili ko kaya ko naman mag isa"

"Sige sige, habang wala ako mag papakabait ka dito sa loob ok?"

"Masusunod"

Nagpaalam na ako sakanya at nagtungo sa skwelahan. Medyo magaan naman ang pakiramdam ko kahit iwan ko sya sa bahay. Well siguro naman wala syang gagawing masama dun. May tiwala ako sakanya at naniniwala ako dun.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Where stories live. Discover now