Chapter 25

65 5 0
                                    

Nagising ako sa aking higaan dahil nag aalarm na alarm clock kaya napagdesisyon kong tumayo sa pag kakahiga para patayin ang nag-iingay na alarma sa loob ng kwarto.

Tumingin ako kaliwat kanan ng aking silid at walang bago kundi ako lamang ang mag isa na nandito. Lumabas ako para silipin siya ngunit wala akong nakita, tanging ako lamang ang tao na nandito sa loob ng bahay, naalala ko si lorenzo...

"Panaginip lang pala" at muli ako nanahimik sa kinatatayuan ko. Lagi nalang ako gumigising sa araw nang wala ka sa tabi ko.

Ilang araw ang lumipas at hindi ko pa rin nakikita si lorenzo. Nagtungo ako sa hospital para ipatanggal na ang semento sa aking kamay.

"Maaari mo nang galawin ang iyong kamay, mag iingat ka nalang sa susunod" sabi ng doktor.

"Maraming salamat sa inyo" pagpapasalamat ko. Matapos kong ipatanggal ang semento ay gumagaan na ang aking pakiramdam at nakakagalaw na rin ako ng maayos.

Day off ko ngayon kaya napagpasyahan kong gumala gala muna sandali at pumunta sa pinagtatambayan namin noon ni lorenzo. It's already 5pm in the afternoon at malapit nang lumubog ang araw. Hindi ko alam pero parang bilis ng oras.

Napakaganda talaga pagmasdan ang araw na ito sa tuwing lulubog na. Pero mas gaganda pa ito kung kasama ko si lorenzo.

Pinagmamasdan ko lamang ito nang may mag ring sa bag ko. Agad kong kinuha to para silipin kung sino ang tumatawag. It was my mother. Sinagod ko ang tawag nito at si dad ang narinig ko.

"Anak" tawag nito saakin.

"Dad" hindi ko alam pero naluluha nalang ako without any reason. Bigla nalang bumagsak ang mga luha ko nang mamention nya ang pangalan ni lorenzo.

"Where's lorenzo?" Tanong niya. Ilang segundo akong hindi nag salita at muli niya akong tinanong "are you fine baby? Is there something wrong?" Kanyang tanong.

"Lorenzo is missing dad and I don't know where he is. He never showed himself since i went home" aking sagot.

"What happened? May balita ka na ba sakanya?"

"Wala pa dad, searching pa rin ako sa pagkawala niya"

"Almost 5 months ka na anjan since nang umalis ka dito sa states"

"I know dad, pero hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita. Kung kakailangan ko mang ikutin ang buong pilipinas why not? As long as makita ko siya dad, masaya na ako"

"You really love that guy, aren't you?"

"I love him so much dad, no one can replace him. Only him is enough"

"Osige anak, napatawag lang ako para kumustahin kayo. Balitaan mo nalang ako anak, susuportahan kita sa gusto mo"

"Maraming salamat dad" nang maibaba ko na ang tawag ay muli kong pinagmasdan ang dalampasigan.

Umuwi ako sa bahay nang mag isa at paulit ulit kong iniisip na sana kung uuwi ako ay siya agad ang bubungad saakin, ngunit walang lorenzong lumilitaw.

Dalawang taon na ang nakalipas simula nung umalis ako at hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon. Ang buong akala ko ay ayos lamang siya ngunit ngayon ko lang napagtanto na unti unti na syang nawawala.

"Lorenzo? Lorenzo!" Tawag ko mula sakanya. Pinapalibutan kami ng madilim na espasyo at nakatalikod lamang ito na tila ba'y lumalakad ito papalayo saakin.

"Lorenzo!!" Muli kong sigaw sa kanyang pangalan. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon ito saakin. makikita ko dito sa kanya ang maganda niyang ngiti na lagi niyang sinusuot sa tuwing magkasama kami.

"Mahal kita" matapos niyang sabihin ang salitang iyon ay muli syang naglakad papalayo saakin. Sinubukan ko syang habulin ngunit hindi ko na sya nakita pa.

"Lorenzo? Lorenzo! Wag mo'kong iwan please?" Aking pagmamaka-awa.

Tumayo ako sa pagkakahiga na parang hingal na hingal. Hindi ko alam pero lagi ko nalang siya napapaginipan. Pinunasan ko ang ang aking mukha at pawis na pawis ako dito.

"Lorenzo" aking bulong.

Alas dos ng madaling araw ng tingnan ko ang orasan. Nang makita ito ay muli akong bumalik sa pagkakaupo sa higaan at lumuha muli.

Hindi ko alam kung bakit sa panaginip ay laging nagpaparamdam si lorenzo, natatakot ako at kinakabahan.

Please lorenzo, tell me where you are.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon