Chapter 5

83 5 0
                                    

Sabado ngayon at tinawagan ko si miles para magpagupit. ilang minuto ang nakalipas ay narito ako ngayon sa shop nila.

"Hanggang saan mo pagugupitan yan?" Tanong ni miles na ako ay nakaupo na sa kumportableng upuan.

"Hanggang balikat" aking sagot.

"Broken ka ba kaya hanggang balikat ipapagulit mo?" Hindi ko ba alam kung nang-aasar ba sya nang iinsulto. Bumuntong hininga ako bago ako magsimula magsalita muli.

"Hindi ako broken" makikita sa salamin ang pagkadismaya ko. Hindi ko ba alam kung ano naisipan ko at bakit dito ako nagpagupit sakanya kung insulto lang maririnig ko dito.

"Ayy ganun? Eh parehas lang naman tayo naloko ng isang lalake" ngiting banggit nito sa lalaking makati ang gamo.

"Gugupitan mo ba ako o mang aasar nalang?"

"Ito naman hindi mabiro. Napaka seryoso mo"

"Haysss" aking buntong hininga.

Mga ilang minutong nakaupo sa malambot na upuan na ito, finally natapos rin ang gupit ng bruhang ito. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay talaga nga naman akong namangha. Not bad, ang ganda ng gupit nya.

"Nice cut" sabi ko habang hinahawi-hawi ang aking buhok.

"Ang ganda mo jan girlll" kanyang papuri.

"Salamat" tipid ko at nagpatuloy parin sa paghahawi ng buhok ko.

"Ok, another achievement again" inalis niya ang telang nakatakip sa aking katawan at ipinagpag ito. Matapos nya akong gupitan ay napagdesisyon nitong maupo muna sa kanyang malambot na kutsyong upuan at nagpahinga. Tumayo ako sa pagkakaupo at binigyan siya ng pera.

"Oh, bayad ko"

"Salamat! balik ka ulit" masaya niyang pag tugon at kinuha ang pera.

Lumabas ako ng shop para umuwi na. Nadaanan ko yung pinag tatambayan ko ngunit wala sya dito. Tinignan ko ang orasan at alas dos ng hapon (2pm) palang naman kaya baka wala pa siya rito o di kaya hindi siya makakatambay dahil sabado ngayon.

Hindi ko sya nakikita tuwing weekend dahil nasa loob lang naman ako ng bahay at nag-aaral kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Medyo nakalayo na ako sa lugar na yun nang makarinig ako ng isang basag na bote. Hindi ko alam kung saan nag mula pero nang simulan kong lingunin ay nakita ko lorenzo na nagwawala.

H-hoy? Anong ginagawa niya? Para syang naghahamon ng away ng hindi mo malaman. Kumuha siya ng isang bato at ibinato sa kung saan.

"Madalas akong nakakalimot at minsan nababaliw naman"

Na-recall ko ang sinabi nya kahapon hindi ba ganito sya? Sa pagkakaalam ko matino pa siya nung mga nakaraang araw pero ngayon ay parang wala siyang nirerespetong tao at lahat ay babanggain nya.

Tumakbo ako papunta sa kanya para pigilan siya at pakalmahin ngunit baligtad ang nangyari.

"Lorenzo, lorenzo tama na!" pag papakalma ko ngunit hindi sya derektang nakatingin sa akin kundi sa kawalan siya nakatingin na kadalasan ay paligoy ligoy ang mata nito.

"Lorenzo, tumingin ka sa akin" pag-aalalang tawag ko dito ngunit nagwala ito at nahampas ako nito sa balikat, ang buong akala ko ay iyun lamang ang gagawin niya kundi tinulak pa ako nito ng malakas kaya napa-upo ako sa lapag.

"Aray!" Aking expression. Ilang segundo ang nakalipas at tumigil ito sa pagwawala. Ilang sandali lamang ay tumingin ako sa kanya at sa ngayong pangyayari ay makikita ko sa kanyang mukha ang gulat nitong expresyon. Bakit ganito ang tingin nya? Gulat at takot ang aking nakikita.

"I-ikaw?" Bigkas ng kanyang labi na para bang na freeze siya sa kanyang kinatatayuan, hindi makagalaw na parang natakot. Nakapanoot lang akong nakatingin sa kanya hanggang may isang taong sumuntok sa kanyang mukha dahilan para matumba sa kanyang pwesto.

"Lorenzo" agad akong tumayo at pinigilan ang lalaki. Lumapit ako sakanya ngunit nakita ko sakanyang mata na parang mas lalo siyang natakot.

"Lorenzo ako ito si Cassy" pagpapaliwanag ko ngunit mas pinangunanahan sya ng takot kaya mas inuna nitong tumakbo papalayo imbis na ako'y pakinggan.

"Lorenzooo!!!!" Sigaw ko ngunit hindi na sya bumalik pa. "Damn it!" Mura ko at humarap sa lalaki para sampalin sya.

"Fuck! What is that for?" Tanong nya na napahawak pa sya kanyang mukha

"That's for punching lorenzo" aking diin.

"What? Ikaw na nga ang tinulungan ko ako pa ang may mali!?"

"Kailangan bang sapakin ang tao? Ha?! Ha?!" Panghahamon ko.

"Bakit? Hindi ba hinampas ka niya? Hindi lang yun kundi tinulak ka pa nya. Bakit hindi ka nalang mag pasalamat" kanyang galit ngunit ito considerasyon para pasalamatan na bukal sa aking looban.

"Alright, thank you because you scared lorenzo. Now you're happy? Tabi nga" nagsimula akong maglakad at lagpasan sya but gladly he didn't followed me.

"W-wait? That's not what i mean" hindi ko lang sya pinansin at naglakad lang ako naglakad para hanapin si lorenzo. I feel his disappointment at wala akong pakielam sa kanya.

Pumunta ako sa lugar ng kanyang pinupuntahan ngunit hindi ko na sya nahalaginap, sinubukan ko rin tanungin ang mga batang nakakasalamuha nya ngunit hindi rin nila alam kung nasaan siya.

Pinagmasdan ko ang paligid at bumugtong hininga nalang. Since hindi ko na makita si lorenzo ay napag pasyahan ko nalang umuwi dahil mag gagabi narin.

Pag-uwi ko sa aking tahanan ay agad akong naligo, iba ang pakiramdam ko ngayon dahil sa buhok ko at dahil napakagaan nitong dalhin. Matapos akong maligo ay naupo ako sa aking upuan sa harap ng aking desk study ko.

Nag aalinlangan na tuloy ako sa mga nangyari ngayon. Tangina, sino ba kasi yung pakilamerong yun? Wala naman akong sinabi na saktan si lorenzo.

"Paepal ka ghorl!?" Aking salita sa hangin at napabuntong hininga na lamang. Kumuha ako ng isang extrang notepad para magsulat ng diary about sa kanya.


Today...

Was a very fuckin' day. There's a man who punch Lorenzo unexpectedly. Siya kaya sapakin ko? wala naman siyang alam sa mundo nya para ganunin nalang si lorenzo.

Makita ko lang siya ulit baka hindi lang sampal ang gawin ko sa kanya.

Habang sinusulat ko ang salitang mensaheng iyon ay bigla ko na naman siyang naalala. Iba talaga ang feelings ko sakanya. Kinagat ko ang ballpen habang iniisip sya. Ilang minuto bago ko hawakan ang notepad at nilipat ko pabalik ang page para sulatin ang naalala ko kahapon.

His name was lorenzo.

Yun lamang ang sinulat ko sa page at wala nang iba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdam ko.

Hindi pa ako sigurado pero sana naman hindi na umabot sa puntong ganon nga ang mangyayari.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt