Chapter 6

73 8 1
                                    

Lorenzo P.O.V

"Kuyaaaaa"

Sa isang sigaw na salita ang huling narinig ko.

"Kuyaaaa"

Iyak at Hikbi ang madalas kong naririnig. Bawat pagtawag nya ng aking pangalan ay wala akong magawa

"Pasensya na, wala akong mahingan ng tulong" iyak ko mula sa kapatid kong hinang-hina at nakahiga sa lapag.

"Si mama at si papa nasaan na sila?" Mahinang tanong ng aking kapatid at nahihirapan sa kanyang pagsasalita.

"Wala na sila mama at papa" lalo akong naiiyak sa kanyang sinasabi. Hinawakan ko ang kanyang kamay para lumakas ang kanyang loob. Pero kahit hindi ito umobra ay hahawak pa rin ako sa kanyang kamay.

"Kuya, hindi ko na kaya" mahina niyang pag tugon.

"Hindi, kaya mo yan kumapit ka lang nandito lang ako, hihingi lang ng tulong si kuya"

"Maghihintay ako"

Iniwan kong nakahiga ang aking kapatid at humingi ng tulong. Sinubukan kong mangumbinsi sa mga tao ngunit hindi nila ako pinansin. Pumunta ako sa isang tindahan para humingi ng tulong-

"Ate, ate! Tulungan nyo po ako yung kapat~"

"Lumayas ka ditong bata ka! Alis! Mawawalan ako ng kita sayo!" pagpapalayas niya saakin ngunit hindi ako tumigil kumbinsihin sya.

"Ate sige na! Nanghihina na ang kapa~"

"Kung hindi ka pa aalis dito sapilitan kitang papaalisin kaya umalis alis ka sa harapan kong dugyot ka"

"Ate sige na, may sakit ang kapatid ko kailangan nya ng tulong"

"Wala akong panahon sa mga kaartehan mo kaya pwede ba umalis ka na"

Ngunit maski dito ay wala rin…

Umalis na lang ako sa harap niya para humingi ng tulong sa iba ngunit bigo ako hindi ako nakahingi ng tulong. Bumalik ulit ako sa kapatid ko pero huli na ang lahat.

Sunod sunod bumagsak ang luha ko nang mahawakan ko syang hindi na humihinga at hindi gumagalaw.

"Huy, nandito na si kuya pasensya na hindi ako nakahingi ng tulong" inuyog ko ang kanyang katawan ngunit hindi na sya gumagalaw

"Huyyy.... ano ba.... gising na.... nandito na si kuya" onti onti kong tinatanggap na wala na ang kapatid ko kaya tumabi ako sa kanya at kinarga siyang nakaupo.

"Sige na nga, pahinga ka na, andaya mo naman hindi moko hinintay. baka hinihintay ka na nila mama at papa, Pakisabi sa kanila susunod ako ah" pinunasan ko ang mga luha ko habang dinuduyan siya sa aking mga bisig.

Wala na akong kasama.

Masakit para sa akin na mawala ang aking kapatid. Bukod tanging kapatid na minsan ay hindi ako binigo para pasayahin, pang pawala ko ng lungkot at nagbibigay kasiyahan ang kinuha ng panginoon.

Pero ayos lang, kung saan siya hindi mahihirapan ay doon na rin ako para sa kanya. Kasama nya na rin sila mama at papa kaya masaya ako para sa kanila.

Ilang araw makalipas simula ng pumanaw ang aking kapatid. Mag-isa nalang ako sa mundong ibabaw. Hindi ko alam kung saan na ako patungo. Lakad dito lakad doon. Isang araw kumalam ang tiyan ko at gutom na gutom na ako. Naghalungkat ako sa basurahan para sa pagkain at mabuti naman ay nakahanap ako. Hindi man ako nabusog pero ok narin para magkalaman ito.

Kinagabihan naglalakad ako sa dilim para kumuha ng mga bote para ibenta sa junkshop. Nakita ko ‘to sa isang tulad ko ring taong kalye na sa tingin ko ay maganda ang ginagawa nya para magkaroon ng pera kaya ginaya ko na rin. Hindi na rin masama kasi nababawasan ko rin ang mga boteng nakakalat sa paligid kaya talagang magandang gawin ito.

Naghahalungkat lang ako sa basurahan ng makatagpo ako ng tatlong lasing na lalaki sa daan. Nung una akala ko ay hindi ako papansin nito ngunit nag kamali ako ng higitin nila ako at sinaktan.

"Tama na parang awa nyo na!" pagmamakaawa ko habang umiiyak.

Nakapulupot akong nakahiga nang kwelyuhan ako ng isang lalaki at sinapak sa mukha. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito pero sumasakit na buong katawan ko. Pilit akong tumayo sa pagkakadapa nang basagan nila ako bote sa ulo.

Ramdam ko pa ang lahat at may malay pa ako nito. Ang buong akala ko ay tapos na ngunit binato naman nila ako ng bato sa ulo at dito na ako nawalan ng malay.

Kinabukasan binuksan ko ng dahan dahan ang mga mata ko at wala akong kamalay malay sa mga nangyayari at napanoot na lamang ako ng kilay dito. Nakita ko yung lalaking ginagaya ko sa paghahalungkat ng mga basura para makakuha ng bote. Tinignan ko ang paligid at walang katao tao dito kundi kaming dalawa lang.

"Na...nasaan ako?" Tanong ko

"Nasa tirahan kita ngayon" maliit lang sya na parang pinagkabit-kabit ito ng lumang yero at tela.

"Tirahan....." hinawakan ko ang likod ng ulo ko at may gamot na nakatapal dito. Naalala ko yung nangyari kagabi. Hindi ko maiwasan ang lumuha dahil sa mga nangyayari saakin.

"Bakit ka umiiyak?" kanyang tanong.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa maranasan ang mga ganito. Ang tagal ko pa kasing mamatay"

"Pagsubok lang yan, kung susuko ka agad talo ka pero kung hindi mananalo ka"

"Mas pipiliin ko nalang sumuko dahil wala naman akong patutunguhan dahil ito na ang ibibigay na kapalaran sa akin"

"Lahat tayo nahihirapan at lahat tayo ay  may pinaghihirapan sa buhay. dumating narin ako sitwasyon na yan pero wala akong ibang magawa kundi mabuhay at lumaban" paliwanag niya.

"Bakit kailangan mo pang lumaban kung sa tingin mong talo ka na?"

"Dahil hindi ako mahina. Mahihina lamang ang mga taong sumusuko agad. Katulad na lang yung mga taong nagpapakamatay nalang dahil sa problemang hindi nila masolusyonan. Maraming taong katulad natin na naghahangad ng ganung buhay. May bahay na masisilungan, nakakain ng tatlong beses o higit, nakakabili ng gusto nila ngunit ang aking tanong ay bakit hindi pa rin sila masaya o pinapahalagahan ang buhay na meron sila?"

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag sa iba't ibang klase ng buhay ang meron sa mundo. Oo, may point sya sa sinasabi nya at nakaka enganyo itong pakinggang.

"Alam ko may kanya kanya tayong pinagdadaanan at wala akong alam sa buhay na meron sila ngunit kahit na walang wala tayo sa buhay na meron na katulad nila ay magpasalamat ka pa rin dahil may panginoon tayong may gumagabay sa atin"

Simula ng masabi nya yun ay hindi na ako kailanman nangarap ang magpakamatay kundi hihintayin ko na lamang ang tamang oras na para sa akin.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Joseph" sagot nya.

Ilang araw ang lumipas at laging sumasakit ang ulo ko, hindi kirot. Hindi ko maipaliwanag ang sakit basta lagi nalang ako napapahawak sa ulo ko ng bigla bigla.

"Ahhhhhhhhh" aking sigaw dahil sa sakit ng ulo. Hindi ko alam pero pag ganito ang nangyayari ay nawawalan nalang ako ng malay.

Dito nagsimula ang pagiging makakalimutin ko na kung minsan ay nagiging baliw dahil sa mga nangyari sa akin noon. Galit at lungkot ang pumapanig saakin na kung minsan ay napapaisip na  walang ibang tao ang nakakaintindi sa akin dahil ang alam lang nila ay nakakadiri at salot kaming tao sa kalye.

Minulat ko ang mga mata ko at lumuha ako ng hindi ko namamalayan.

Anong nga ulit ang pangalan ng aking kapatid?

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon