Chapter 23

57 5 0
                                    

Nagising ako sa isang malambot na higaan at malamig ang paligid. Binuksan ko ang aking mata at dito bubungad saakin ang puting dingding. Ilang minuto bago ko igalaw ang sarili nang ma-realize kong naka balot ng semento ang aking kanang balikat.

"W-where am i?" Mahinang bigkas ko.

Agad na may lumapit saakin at tiningnan ang aking kalagayan.

"Finally you wake up" ani kath na parang tuwang tuwa pa sya nang magising ako.

"What happened?" I ask briefly

"Nabaril ka cassy, buti nalang at nandun si niko para madala ka agad dito sa hospital"

"A-anong nangyari sa lalaki?" Panoot kong tanong

"Nasa kabilang kwarto sya dahil nag tamo rin ito ng putok ng baril sa kanang bahagi ng kanyang beywang at kaliwang balikat" kanyang sagot.

"And niko?"

"He's on the pulis station inaasikaso pa rin ang investigation. Hindi nalalayo sa kaso ang lalaking iyon dahil maraming uncertified weapon na tinatago sa kanyang silid. May mga evidences kaming nakita about sa kutsilyo and finger print ng suspect na ipag kakalamalang siya pumatay sa bangkay"

"Do you mean that guy~"

"There's a possibility na sya ang pumatay or hindi dahil wala pa kaming statement na nang gagaling sa kanya. Once na nagising siya we have to take him on a police station for the certain questions" inalis ko nang dahan dahan ang tingin sakanya para pag-isipang mabuti ang mga nangyari. Ilang sandali lamang at tumingin ulit sakanya.

"Ako ang mag tatanong" aking pag tugon at pumayag naman ito

Kinabukasan kakagaling ko nang hospital ay agad akong nag tungo sa police station para tignan ang evidence na nahalaganap nila. Nasa iisang kwarto kami na mga investigator at makikita dito si nicko para ipaliwanag ang mga items na nasa lamesa.

"Makikita nyo dito sa lamesang ito ang nakakamatay na gamit nito. Nandito ang limang sachet ng shabu, dalawang barel isa na dito ang ginamit niya para iputok kay cassy, iba't ibang uri ng kutsilyo nandito ang kraton, hansa at elforin" paliwanag nya "nandito na rin sa files ang finger print niya na nag match sa case, kanina lang namin ito nakita at possible na siya ang pumatay sa bangkay" kanyang paliwanag at nanatili pa rin akong nakikinig.

Binigay sakin ni niko ang folder at tinignan ang nakapaloob dito. Nag positive ang case na siya nga ang pumatay ngunit mas mapapatibay pa namin ang ebidensya kung mag sasalita ito.

Nakakapagtaka lang nag tamo ng tatlong saksak at dalawang putok ng baril ang bangkay ngunit nasaan dito ang ginamit na panaksak sa lalaki?

"Saan rito sa kutsilyo ang ginamit para ipangsaksak sa bangkay?" Aking tanong at napukaw ko naman ang kanilang attention. "Base what I've seen before sa bangkay na aabot ito ng 3-4 inches ang hiwa. Imposible naman kung ang kraton, hansa at elforin na sinasabi mo ang pwedeng gamitin nya dahil maliit lamang ito"

"Pero nag match ang case na siya ang pumatay" kanyang paliwanag.

"Maaaring ganun na nga ngunit gusto kong mas maliwanagan pa para sa natamong saksak ng bangkay" paliwanag ko at tumingin nang derekta sa kanyang mga mata "kung hindi sa mga ito ang ginamit nya para isaksak ang lalaki then nasaan ang gamit para sa pampa-patay nito?" Natahimik ang lahat at walang kumento ang iba.

Ilang minuto ang makapalipas at nagtungo ako sa isang kwarto kung nasaan nandun ang suspect. Nakaupo ito at nakaposas habang naka semento ang kanyang balikat. Naupo ako sa kanyang harap at kinausap ito.

"Bakit may baril kang dala nang mga gabing iyon?" Tanong ko habang siya naman ay nakayuko lamang, na kung minsan ay sa paligid tumitingin na para bang umiiwas ito sa akin.

"Tinatanong kita. Bakit may baril kang dala?" Kalmado kong tanong ngunit hindi parin sya nagsasalita. Muli ako nagsalita ngunit pinutol naman ito ang aking pagsasalita sa kadahilanang ito ay nagpahayag ng kanyang salita."Positive ang case at nag match ang fingerprint mo na~"

"Ako ang pumatay" agad na pag tugon nito. Tumahimik ang ere at mga ilang segundo lamang nang mag salita ulit ako.

"B-bakit mo pinatay?" Panoot kong tanong. Bumuntong-hininga na muna ito at nag salita muli.

"Magkasama kami sa iisang business company, may mga bagay kaming napagkasundo ngunit dahil sa inggit at posisyon namin sa kumpanya ay bigla na lamang ito nawala ng isang iglap. Binaba ko ang standard niya sa kumpanya ngunit madalas na itong nasisiraan ng bait dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal"

"Sabihin mo nga, sa paanong paraan mo sya sinaksak?"

"Hindi ko sya sinaksak" agad nawala ang pag kakapanoot sa aking kilay nang malaman ko ang kanyang panig.

"Sabihin mo lang"

"Balak kong siyang kausapin ngunit pag pasok ko ng kanyang silid ay magulo na ang kanyang mga gamit. Napagpasyahan kong kausapin siya ng masinsinsinan kaya bumaba kami ng building para pag usapan ang mga nangyari ngunit ang nag iba ang eksena at isinaksak nito ang kanyang sarili pero dahil na rin sa aking galit ay binaril ko rin ito" nang marinig ko ang kanyang paliwanag ay muli ko itong tinanong

"Ano klaseng kutsilyo ang ginamit niya?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kanyang sagot

"May dala siyang panaksak~"

"Wala kaming nakita" nang marinig nito ang aking sinabi ay para bang nagulat ito. Sinubukan niyang tumayo sa kinauupuan niya ngunit napigilan din ito ng dalawang taga bantay sa aming usapin

"P-paano nangyari yun? Ako mismo ang nakakita may ginamit siyang panaksak"

"May ginamit o ikaw ang pumatay?" Muli kong tanong.

"Aaminin ko na ako ang bumaril pero hindi ako ang sumaksak sakanya! Hindi ko siya pinatay"

"But you shoot him. Wag mo na ko lokohin pa" tumayo ako sa pagkakatayo sa aking upuan at pinakita sa kanya ang isang notebook na naglalaman ito ng sulat ng biktima, habang ang isa naman ay sulat kamay nito. Pinag kumpara ko ito sa kanya at makikita sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Ito ang sulat kamay ng pinatay mo at itong isa naman ay sulat kamay mo, ibang iba hindi ba? Ngayon ang nakasulat sa kalendaryo ay kahawig ng sulat kamay mo"

"H-hindi totoo yan!" Sigaw nito habang na-alarma

"Napansin ko bandang june mo ito sinulat. Habang nasa hospital ako isa sa mga kasama ko ang nagpakita ng iyong kalendaryo na medyo nalalapit sa krimen ng iyong ginawa. Kahapon ay july 2 at makikita rin dito sa kalendaryo mo ang isang exis sa mismong date"

"Nag k-kakamali ka, hindi totoo yan!"

"About sa fingerprint, hindi nalalayo na sa loob ng silid mo siya pinatay. Sa kutsilyo? Hindi kaya yun ang ginamit mo pangsaksak sakanya? Bukas ang pinto ng terris nya, walang bakas ng dugo sa hallway kundi na sa terris nya. Sabihin mo nga nilinis mo ba talaga ang kinalat mo? Kasi huling huli ka na" agad siyang napanghinaan ng loob at napa-upo na lamang muli sa kanyang kinau-upuan. Kita ko sa kanya ang pagbagsak ng kanyang luha.

"Simula't una ako na ang pumatay. Gusto ko lang naman bumawi sakanya dahil sa mga kanyang ginawa" pag amin nito.

Ilang minutong pag-uusap at lumabas ako ng kwarto at makikita ko rito na nakatayo si nicko sa hallway. Hindi kaya hinihintay ako nito? Nasa labas kami ng police station at pinag-uusapan ang mga nangyari.

"Umamin na siya ang pumatay, pinagsasaksak nya ito binaril sa terris" pagsisimula ko.

"Ooww, saklap" bumuntong-hininga na lamang ako at pinagmasdan ang paligid ng park "kailangan niya pagbayaran ang kasalanang ginawa niya" dagdag nito.

"Yea" tipid kong sagot.

"Ngapala about sa files ni lorenzo ba yun? Bakit mo nga pala hawak ang kasong yun? Eh matagal na pala siyang missing"

"Wala ka na doon niko, sa'kin na yun"

"Pwede kitang tulungang mahanap sya" agad akong napatingin sakanya at nakita ko itong nakangiti saakin.

"M-maraming salamat kung ganoon"

"Walang anuman" nagbigay ito ng magandang ngiti ngunit binaliwala ko naman ito at binaling sa paligid ang tingin.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Where stories live. Discover now