Chapter 13

65 5 0
                                    

Ilang araw ang makalipas simula nang mag confess ako sakanya. Gumaling naman ako at nagpapasalamat parin ako kay lorenzo dahil nanjan sya para alagaan ako ngunit hindi pa rin ako maka move-on. Sa ngayon, Nalaman ko na ang aking averages at pasado ako.

"Cassy Allustro got the highest average on this semester. Congratulations" anunsyo ng aking guro sa harap ng klase.

"Wow, congratulations"

"Nukkss ang galing mo talaga, Cassy!" Pagbati ng aking mga kaklase.

Nagbigay ngiti at tuwa naman ito saakin dahil nakatanggap muli ng ganitong kataas na grado ngunit hindi ko masabi kay lorenzo ang balitang ito dahil hanggang ngayon ay naiilang na akong kausapin siya simula nung ako ay mag confess.

Medyo nahihiya ako sakanya sa tuwing uuwi ako ng bahay, lagi nalang tahimik dito hindi katulad ng dati. Parang hindi ko sya kasama hindi ko maramdaman ang kanyang presensya.

One time umuwi ako ng bahay at tipid na kaming magsalita.

"Nakauwi na ako" sabi ko dahilan para mapansin ako nito.

"Mabuti, ipaghahanda na kita~"

"Salamat Lorenzo pero hindi ako nagugutom" aking pag tugon at deretsyo lang aking lakad papuntang kwarto.

"Owmm.. ikaw bahala" at binalik nya ulit ang atensyon sa pagbabasa. Pumasok ako sa aking kwarto at nahiga, hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sakit.

Wala ba talaga syang nararamdaman? Bakit ganito? Hindi ba sya marunong magmahal? Ang sakit na lorenzo eh.

Kinabukasan nagising ako para maghanda sa aking pag pasok sa aking eskwelahan. Nang matapos ako sa pag-aayos ay lumabas na ako kwarto ngunit habang papalabas ako ng bahay ay narinig ko ang boses ni lorenzo sa kadahilanang tinawag ako nito.

"Cassy, kumain ka muna. Naghanda ak~"

"Ahmm.. hindi na lorenzo. Hindi pa ako nagugutom. Ikaw nalang muna kumain, aalis na ako, marami pa akong aayusin" aking palusot kahit wala naman masyadong gagawin sa skwelahan.

"Sigurado ka?" Kanyang tanong at nagsimula na muli ako maglakad palabas ng bahay.

"Ayos lang, paalam" nagpaalam nalang ako sakanya at umalis na. Nang makalabas ako dito ay nagtungo na ako sa skwelahan. Nang makarating ako dito ay naupo na ako sa aking upuan at naghintay sa guro para saaming klase. Medyo napaaga ata ang pagpasok ko kaya napagpasyahan ko nalang magbasa muna ng libro. Nagbabasa lang ako nang maupo si kath sa aking tabi.

"Napaaga ka yata" ani nya habang nakatutok ako sa libro.

"May problema kasi ako kay lorenzo, kaya inaagahan ko ang pagpasok" aking sagot.

"Bakit anong nangyari sainyo?" Tanong niya habang nakapanoot.

"It was just a confession" tipid kong sagot.

"Why? You confess with him?" Kanyang tanong.

"I do" ramdam kong nagulat ito sa aking sinabi habang ako matamlay na nakaupo

"Ohmgggg... you did? So what happen?" Nakangiti akong tumingin sakanya at sinabi ang tungkol sa aming dalawa.

"He don't love me back" at ibinalik ang tingin sa pagbabasa.

"Ouch, That hurts. Malay mo balang araw mahalin ka niya?" Pag cheer nito na parang hindi nawawalan ng pag-asa.

"Hindi ko alam" tipid ko.

"Ganon ba? hayaan mo marami namang lalaki jan na mamahalin ka"

"Sana totoo" tumahimik nang ilang segundo ang pag-uusap namin ng magsalita ulit si kathleen.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Where stories live. Discover now