"Lakad tayo?" Baling ko na lang sa kasama ko.

Mas nagliwanag ang kaniyang mata at tumango-tango pa. Nagpaalam kami kay Papáng at sa mga kalalakihang naroroon. Kita ko sa kanilang mukha ang pagtataka kung sino nga ba ang kasama ko pero walang nangahas na nagtanong. Iniwan namin sila roon habang kami ni Wendell ay nagsimula nang maglakad sa kahabaan ng manggahan.

Wala kaming ibang pinag-usapan maliban sa takbo ng aming kaniya-kaniyang hacienda. Mabait si Wendell. Matanda siya sa akin ng dalawang taon at isang taon na ring namamahala ng kanilang negosyo.

Patuloy lamang kami sa paglalakad, hindi inaalintana kung gaano na kaming nakalayo kila Papáng.

"You're young, beautiful and smart Cresencia," bigla na lang nitong nausal.

Nahihiya naman akong napayuko. Ang aking mga kamay ay magkahugpong sa aking likuran habang tamad na naglalakad. "S-salamat."

"You're the perfect match for me," saad pa nito na nagpamaang sa akin. "I bet, you're already aware of our parents' plan for us, right?"

Lalong hindi ko matagpo ang kaniyang mata. Napatigil ako sa paglalakad at marahan siyang inangatan ng tingin. "I... I can't do that Wendell," patukoy ko sa gusto niyang iparating. "I won't let my parents decide for me."

Wendell chuckled like there was something funny. He stopped in front of me and gazed at me thoroughly. "We can't do anything but to obey them Cresencia."

"Kung ayaw naman nating pareho, hindi matutuloy 'yan." Tinagpo ko ang kaniyang mata.

Besides, I was still young for goodness' sake!

He sighed and gently bowed his head. "But I like it." My breathing hitched. "I want you to be my wife."

Malalim akong napalunok bago napaatras ng isang hakbang patalikod. "Sorry Wendell—"

"I am telling you Cresencia, we will end up with each other as what our parents have planned." Umiling ako nang mariin bilang pagtutol. He raked his hair in a frustrated manner. "Sinasabi ko na 'to sa 'yo para maging handa ka—"

"Hinding-hindi ako magpapasunod sa kanila Wendell," mababa ngunit matigas kong turan. "Look," iminuwestra ko ang kamay sa kaniyang harapan. "Kakikita lang natin ngayon. I don't even know you that much—"

"That's not needed anymore as long as our wealth will be secured."

Natawa ako nang pagak at nagpamaywang. No, kahit pa ilang beses nang nagparinig si Mamáng sa ideyang ganito ay hindi pa rin ako papayag sa nais nilang mangyari.

I have my own life, my own preference and my own decision!

"We're too young for this, Wendell. Marami pang maaaring mangyari."

"I just want you to know and be ready for it."

I inhaled deeply before shaking my head. "Let's better go back," naiusal ko na lang at hindi na siya hinintay pang gumalaw.

Mabibilis ang hakbang ko pabalik kila Papáng. I wanted to talk to him privately. Akala ko ba kahit sinong gustuhin ko ay ayos lang basta't mahal ko ito?

"Oh? Ang bilis n'yo naman ata," bungad niya nang nakalapit na kami sa kanila.

Kita kong natigil si Simon sa pagbubuhat ng basket at tiningnan kami saglit. Si Rigor naman ay nginitian ako pero hindi ko siya magawang ngitian pabalik dahil nawala ang sigla ko dahil sa napag-usapan namin ni Wendell.

"I want to talk to you Papáng," I said lowly while looking at him.

Nabura ang ngiti niya nang makita ang kaseryosohan ko. Sinulyapan pa nito si Wendell sa aking likuran bago tumingin ulit sa akin. "Maybe later anak? They need me here."

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now