Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. "Sanay na ako."

Tumango na lang siya bago tiningnan ang napakalawak na taniman. "Mataas na ang sikat ng araw at mainit kung lilibutin natin ang maisan. Doon na lang tayo sa tinggalan?"

Walang pagdadalawang-isip akong tumango at sumunod sa kaniyang likuran. Sinadya kong bagalan ang lakad upang mas matitigan ang nakatalikod niyang katawan. I shyly looked away when my eyes settled on his round butt.

Natigil siya sa paglalakad kaya't napatigil din ako. Tinaasan niya ako ng kilay habang ako'y tikom ang bibig. Hindi siya nagsalita pero umatras siya ng hakbang upang pumantay kaming dalawa.

"Pinalaki ang tinggalan tatlong taon na ang nakararaan. Minsan kasi ay hindi na kumakasya sa loob ang mga naaaning pananim," panimula niya habang patuloy kami sa paglalakad patungo roon.

"May opisina si Papáng doon 'di ba?"

He hummed a little. "Nasa dulong bahagi sa loob."

Kita ko ang mga tauhan sa paligid na napapatigil sa ginagawa para lang bumati. Tinatanguan o 'di kaya'y kinakawayan ko na lang ang mga ito.

Nakarating kami sa tinggalan na nakabukas ang malaking pintuan. Sa loob ay kita ko ang ibang tauhan ni Papáng na inaayos ang mga manggang tiyak kong nakuha nila kahapon. Lahat ng mata ay nagawi sa amin ni Simon pero bumalik din sa ginagawa kalaunan. Pumasok kami sa loob. Maluwang ang espasyo at may naglalakihang bintana sa mga gilid. Sa dulong bahagi nga ay nakita ko ang parang kuwarto roon.

"Dito minsan naglalagi si Senyor." Nilingon niya ako bago niya binuksan ang pintuan. Hindi iyon naka-lock na siyang nagpakunot-noo sa akin. Simon chuckled when he saw that. "Malaki ang tiwala ni Senyor sa kaniyang mga tauhan Cres," hayag niya bago siya pumasok sa loob.

Sumunod ako at agad iginala ang mata sa paligid. Tipikal lang din na opisina tulad ng opisina sa loob ng bahay. May parihabang kahoy na upuan para sa bisita at may maliit ding cr sa loob. Lumapit ako sa lamesa at naupo sa upuang naroon. Si Simon naman ay naupo sa upuang kahoy na katapat ng lamesa. Tiningnan ko siya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. "Dito ka ba sa hacienda lumaki?" Wika ko, pilit inaalis ang nakakailang na katahimikan.

Umayos siya ng upo, "Oo pero kinse na ako nang magtrabaho rito. Dito rin lumaki ang mga magulang ko."

"Bakit hindi kita napansin noon?" Gusto kong idagdag pero tumango na lang ako.

Napalunok ako nang malalim nang mapagtantong ka-kaming dalawa lang dito sa loob. Muli na naman akong nilukob ng kakaibang kiliti. Huminga ako nang malalim dahil hindi na matigil sa pagkabog ang aking dibdib. Tumayo na ako at nakita siyang naalerto.

Ngumiti ako nang tipid, "Tara na sa labas."

Marahan siyang tumango at pinagbuksan ako ng pintuan. Lihim akong napangiti nang bahagyang nabangga ko ang kaniyang katawan ngunit agad ding naglaho nang mabungaran ang nakahalukipkip na si Winona. Tila siya naiinip na nakatayo sa labas ng pintuan.

"Winona," Simon uttered as I felt his presence behind me.

Mahigpit kong tinikom ang bibig at nagsimula na lang maglakad paalis. Bakit nga ba nagawa ko pang ngumiti kanina gayong hindi na dapat?

I should stop feeling this way when I'm with Simon!

"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala," bakas sa boses ni Winona ang pagkaseryoso.

Gusto kong mapairap. Lumapit na lang ako sa mga nag-aayos ng mga mangga. "Gusto n'yo ba ng meryenda?" nakangiti kong bungad sa kanila.

Nahihiya silang napatitig sa aking kabuuan bago nag-iwas ng tingin sa akin. "Huwag na po Senyorita," ani ng isang binatilyo.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now