Chapter Fifteen - (The Air and Water Blast)

Start from the beginning
                                    

"Bakit ba?" She smirked and rolled her eyes.

"Nagsabi ba ako na pwede kang umupo dito?"

"Bakit sayo ba to? Wala namang nakapangalan ah." He instantly rolled her eyes at inis na tinusok ang pagkain niya.

"Hayys, nabwisit na ang buhay ko simula nung nangyari sa C.R. May manyak kasi na nanilip."

"Ha? May nanilip sayo?" Maang ko pa rin na sabi na parang walang alam.

"Naku, naku, nagmamaangan pa ang manyak. Eh sinadya naman niya talaga iyong nangyari sa amin sa C.R"

"What may nangyari sa atin sa C.R?" Nilakasan ko ang boses ko sa pagkasabi ko don kaya lumingon sa amin ang ibang kumakain. Agad din naman niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya at pinandilatan ako ng mata.

"Tumahimik ka nga, baka akalain nila na may nangyari sa atin C.R." Dinilaan ko ang palad niya kaya napabitaw siya sa pagkatakip ng bibig ko.

"Eww, bastos ka talaga." Galit niyang sabi at pinahid ang kamay niya ng tissue na parang may dumi doon.

"By the way, malaki pala yan." Sabi ko habang nakatutok ang mga mata ko sa dibdib niya. Namula ito sa hiya at galit kaya bago pa niya ako mabugbog ay umalis na ako.

Pagkatapos ng klasi at pagsasanay ay dumeretso agad ako sa palasyo at tinungo ang kwarto ng prinsepe. Pagkapasok ko ay nakita ko lang siya na naka-upo sa gilid ng kama niya at nakatalikod sa akin. Isang linggo na ang nakakalipas mula nung pagsalakay ng mga bugad at lahat ay nabahala sa tagpong iyon. Akala ng lahat ay mawawala na ang prinsepe at lubhang nag-alala ang mahal na hari sa kanya. Sa lalim ng sugat na natamo niya ay nagtataka ako kung bakit ang dali lang niyang gumaling dito. Siguro nga malakas nga siguro ang kapangyarihan niya, at pinapagaling siya nito.

Alam kong nababagot na siya dito dahil hindi siya pinapayagan na makalabas ng kwarto ng walang kasama kaya nga ako dumeretso kaagad dito, para may makita naman siya na ibang elenian at makausap niya. Nakakalabas lang kasi siya kapag nag-eensayo ng kapangyarihan niya at isa ako sa magtuturo sa kanya.

"Kumusta napo kayo, mahal na prinsepe?" Lumingon ito sa akin at napangiti. Tulad ng dati ay masigla parin siya. Walang nagbago sa kanya, at iyon ang nagigiliwan ko sa kanya. Unang beses ko palang na kita ko sa kanya ay magaan na ang loob ko sa kanya, napakabait niya at masayahin. Nakakahawa ang pagiging positibo niya lagi. Akala ko nga ay malalagot ako dahil sa pagdakip ko sa kany as pamilihan, hindi ko lubos maisip na hawak-hawak ko na pala ang mahal na prinsepe na pinaniniwalaan ng lahat na patay na.

"Reniel, andiyan ka na pala."

"Ano po bang iniisip niyo?" Umiling ito.

"Wala naman, nothing important." Napatitig siya sa akin na parang may gustong sabihin.

"May gusto po ba kayong sabihin sa akin? O itanong?"

"Ah wala, hayaan mo na."

"Baka makatulong ako, sabihin niyo na po."

"Pumunta kaya siya dito?"

"Ha? Sino po ang tinutukoy niyo?"

"Si ano..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Alam ko na kung sino.

"Si Prinsesa Ellysse? Bukod sakin ay wala ng ibang pinapapasok sa silid niyo kundi ang mga mangagamot lang. bakit niyo naman po natanong?" Napailing ito at napatayo. Lumabas ito at pumunta sa balkunahe ng silid niya kaya napasunod ako dito.

"Never mind, panaginip ko lang siguro iyon." Hindi na ako nagtanong dito.

"Sige po, ipatawag niyo nalang po ako kapag gusto niyo ng kausap." Tumango ito at hinawakan ang balikat ko.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceWhere stories live. Discover now